Chapter 23: Inconvenience THIRD PERSON'S P.O.V Nang lumingon si Hudson sa mga kasamahan niya ay hindi naman inaasahan nila Primo na biglang susugod ang mga ito sa kanila. Kaya naman mabilis na pinalibutan si Primo ng mga tauhan niya para kalabanin ang mga tauhan ni Hudson. Nang magtagumpay sa pagprotekta ang mga tauhan ni Primo ay sila naman ang sunod na sumugod. Nagkaroon pa ng konting riot sa labas ng base ng kalaban nila Primo dahil sa ginawa ng mga kalaban nila na pagsugod din sa kanila. Habang sinusugod nila Primo si Hudson ay mabilis naman itong tumakbo papalayo sa kanila kaya agad itong pinasundan ni Primo. At habang sinusundan nila Primo si Hudson ay isa-isa rin namang may humarang sa dadaanan nila kaya naman isa-isang nilabanan at binugbog ni Primo ang bawat isa na lalapi