Chapter 20: Wedding THIRD PERSON'S P.O.V Nang matapos maghanda ni Heaven ay agad din naman silang bumaba sa wedding venue at sakto namang nakita niyang nakaupo na ang ibang bisita na inimbitahan nila. Maski ang lolo ni Primo ay nakaupo na rin habang naghihintay itong magsimula ang kasal. At dahil nakarating na do'n si Heaven ay agad namang nagsimula ang martsa ng kasal. Dahil iilan lang naman ang inimbitahan ng dalawa sa kasal ay agad na naiwan mag-isa si Heaven sa red carpet patungo sa pinaka-altar nila. At habang naglalakad si Heaven sa red carpet ay nakita niya naman ang lalaki na naghihintay sa kanya sa gilid ng altar. Nakita ni Heaven ang napakagwapo nitong mukha na seryosong nakatingin sa kanya. At habang sumasampal kay Heaven ang simoy ng hangin sa tabi ng dagat kung nasaan si