Chapter 15: Trouble THIRD PERSON'S P.O.V Nang makalabas na sila Heaven at Primo sa garden ay agad namang bumungad sa kanila ang maraming bisita na may kanya-kanyang mundo dahil bawat table ay may mga grupo ng tao na nag-uusap. At dahil kailangan magpakilala ni Primo sa bawat bisita at batiin ang mga ito ay mabilis niyang pinulupot ang braso sa bewang ng dalaga saka ito kinabig palapit sa katawan niya. "You should stand next to me, Amore." Primo whispered to her ears. Huminga naman nang malalim si Heaven dahil naramdaman niyang nagsisimula na ring lumamig ng kanyang palad. Kinakabahan kasi siya sa mangyayari sa gabing iyon lalo na't nagkaroon din sila ng hindi pagkakaintindihan ng lalaki. Pero sa palagay naman ni Heaven ay hindi galit sa kanya si Primo. Dahil umaakto pa rin kung sa