Chapter Five Salvation Reys Katatapos lang ng trabaho ko sa bar nang mapagdesisyunan kong dalawin si Moira sa hospital. Gusto kong makausap ang doctor niya tungkol sa kidney transplant. Dahil pahirapan ang pagkakaroon ng donor ay humahaba ang pila para rito at kung wala kang pera ay hindi naman sila papayag na ibigay iyon sa 'yo. After I accepted the deal with that man, I am relieved. Dahil sa wakas magkakaroon na ako ng perang ibabayad sa operasyon ni Moira. Balita ko rin ay may donor na ng kidney. Nang makarating ako sa bungad ng silid ni Moira ay nakita ko ang ilang nurse na tumatakbo papunta roon. Kinabahan agad ako, napakasama ng kutob ko kaya naman tumakbo ako nang mabilis papasok sa silid ni Moira. Mistulang natigil ang mundo ko... Naging bingi ako sa lahat ng tunog sa paligi