Chapter Ten Trip to Ilocos Rohan Hindi ko mabilang kung nakailang beses na ako'ng napatingin sa relo ko habang nakaupo rito sa couch sa sala. Mahigit dalawang oras na yata ako'ng naghihintay kay Reys. Naiintindihan ko namang matagal magbihis ang mga babae, pero hindi ko inaasahang aabot sa ganitong katagal. Our company will be having a team building in Ilocos. Naisipan kong isama siya dahil plano kong bigyan siya ng trabaho sa company. We talked about it and she agreed. "Reys!" Napasigaw na ako. Nagsisimula na ako'ng mainis. Pinaka ayaw ko pa naman ay ang pinaghihintay ako. "Oo, Tapos na ako," sigaw naman nito pabalik. Napakunot-noo ako nang bumukas ang pintuan sa kuwarto ko at hirap siyang inilabas ang isang maleta'ng dala niya. Napatingin ako sa travelling bag kong maliit lang