Episode 23: Painting

1295 Words

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Naalala ko ang nangyari kagabi kaya nakaramdam ako ng lungkot. Pumunta ako sa banyo at ginawa ang kailangan kong gawin at lumabas. Nagulat ako nang makita ko si kuya na nakahiga sa sahig. Nakaramdam ako ng guilt dahil rito. Hindi ko pinansin ang mga tawag niya kagabi at hindi ko rin naman akalain na dito siya matutulog sa labas ng pinto. “Kuya,” Tawag ko nito at umupo sa tabi niya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ang pisngi niya. “Kuya, gising na.” Tawag ko ulit at umungol naman ito at minulat ang kanyang mga mata. “Violet,” Bulong niya at sobrang guilt ang nararamdaman ko ngayon. Sana kinausap ko na lang siya kagabi. Dito siya natulog sa malamig na sahig, hindi man lang nakakuha ng kumot. Siguro hindi niya sinasadya na makatulog rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD