Python POV Ang panaginip ko na naging totoo. Ang nagiisang tao na kakampi ko sa mundong eto ay hindi ko na makikita kahit kailan. Ang sakit na hindi ko man lang nakausap ang daddy ko bago eto nawala. Isang linggo puro pagluha lang ang ginagawa ko. Hindi ko akalain na ang huling paguusap namin nang aking ama ay sa panaginip ko lang nagawa. Simula nang malaman kung wala na ang daddy ko hindi umalis si Ninong Cole sa tabi ko. Kahit paano hindi ko nararamdaman na magisa na lang ako sa mundong eto. Naging mabait si Ninong sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging mabait?! Gusto kung laging nakapikit ang mata ko dahil sa bawat pagpikit ko naririnig ko ang tinig nang aking ama. Ang malambing niyang tinig na nagpapagaan sa kalooban ko. Isa eto sa mga araw na hirap na hirap ako