Python POV “Ninong gusto ko nang umuwi. Bakit ba ayaw mo akong pauwiin? Hindi na magbabago ang isip ko. Lilipat pa rin ako nang university” singhal ko kay Ninong. Kanina pa kami paikot-ikot na nagmamaneho. May dalawang oras na kaming nasa daan at kanina pa ako paulit-paulit sa sinasabi kay Ninong na uuwi na ako. “Ang hirap talaga intindihin ang matanda” bulong ko. “You know I can hear you Python” sambit ni Ninong. Nakakapanibago na sobrang hinahon niya at hindi nakasigaw. “Nagugutom na ako lagpas tanghalian na. Kung ayaw mo pa ako ihatid sa bahay ko Ninong pakainin mo man lang sana ako. Baka magbago pa ang isip ko na hindi umalis nang university Ninong Cole” turan ko nang hindi tinitingnan si Ninong. Kanina pa ako naiinis kaya sa labas nang bintana lang ako nakatingin. Sumasakit na