Chapter 5

1707 Words
"Good afternoon! Welcome to Telecustomer service. My name is Kevi- Karren! How may I help you?" Mariin akong napapikit ng muntikan ng pangalan ni Kevin ang nagamit ko. Iilan lang to sa mga kapalpakang ginawa ko ngayong madaling araw habang nagtatrabaho. Mabuti na lang at mahal ako ng team leader namin dahil sa good track records ko dahil kung hindi malamang may warning na ako. Kahit kulang ang tulog ko sa tuwing pumapasok ako ng trabaho ay sinisigurado ko pa ring naka-focus ang isip ko sa ginagawa ngunit ngayon tila kay hirap gawin lalo at panay ang pasok niya sa isipan ko. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. 'Di ako mapakali, ilang oras na ang lumipas ngunit heto pa rin ako tila dinuduyan sa cloud nine dahil sa nangyari sa amin ni Kevin kani-kanina lang! Damn! Muntikan pa ngang masira kinabukasan ko, salamat sa tinimpla nyang kape! Sarap nyang humalik! Sobra! Yung tipong ayaw mong patigilin sya! Kusang madadala ang katawan mo sa init nya! s**t! Panay ang sulyap ko sa orasan sa gilid ng desktop ng gamit kong computer. Excited na kong mag-uwian. Sino bang hindi? Kung may naghinhintay na prince charming sa paglabas ko. Sabi nya diba, susunduin nya ko. Malinaw na malinaw pa sa isipan ko nang sabihin nyang simula ngayon hatid sundo na nya ako! Aaack! Kinikilig na naman ako. Ang swerte ko kung totoo man ang sinasabi nya. Ano ba to! Just too good to be true! Wala pang bente kwatro oras ngunit unti-unti ng nahuhulog ang puso ko sa kanya. Hindi! Mali! Mas lalong nahulog ang puso ko sa kanya! I mean, nakuha na naman nya puso ko noon pa ngunit mas matindi ang pagkahulog ko ngayong pinapadama nya kung paano sya magalaga... 4:55 Limang minuto na lang makakakasama ko na muli sya. 4:56 Apat na minuto, konting tiis pa! 4:57 Tatlong minuto nalang! matatapos na rin ang pagtitiis ko! 4:58 Dalawang minuto at masisilayan ko na siya. 4:59 Isang minuto na lang! 5:00! Kay bilis kong nakatayo! Bago pa man mag alas singko y uno ay nakailang hakbang nako papunta sa locker room! Halus takbuhin ko na nga. Ganun ako ka-excited makita muli yung crush ko. Crush kong kahalikan ko na, taga hatid sundo ko pa! Kay bilis ng mga kilos ko, tinungo ko ang locker upang kunin ang mga gamit ko. Agad kong isinukbit ang bag sa likod ko, sinarado ko muna ang pintuan ng locker bago patakbo kung tinungo ang elevator pagkatapos kong magpunched out upang makauna sa pila. Hinihintay ko ang lift dumaan sa floor kung saan ako ngayon habang sunod-sunod ang pagpapadyak ko sa sahig na tila naiinip. Nasa 24th floor pa yung lift habang nasa 8th floor naman ako. 'Di na ako nakapaghintay pa. Ginamit ko na ang stairs ng fire exit pababa ng building. Lakad takbo ang ginawa ko. Ang bilis ng mga paa ko kaya agad kung narating ang ground floor. Nagpahinga muna ako saglit dahil sa sobrang hingal, kay bilis ng takbo ng puso ko, naguunahaan ang hangin sa aking dibdib. Pinatuyo ko muna ang pawis, ayokong humarap sa kanya na kay gulo ng pagmumukha ko! s**t! Kailan pa ko naging conscious sa magiging itsura ko? Kumuha ako ng candy mula sa bulsa ng suot kong backpack, mabuti na yung handa tayo, nakakahiya baka may amoy yung hininga ko pero 'di naman ako bad breath. Nakapag Toothbrush rin ako kanina, pagkatapos kung mag midnight lunch pero mabuti pa rin yung nakakasiguro tayo. Inayos ko muna ang buhok ko. Nagspray rin muna ako ng pabango sa katawan ko bago nagsimulang maglakad sa hallway palabas ng building. Kay bilis ng mga hakbang ko ngunit dalawang metro mula sa babasaging pintuan palabas ay biglang bumagal ang paglalakad ko. Naisip ko nakakahiya baka makita nya kung gaano ako atat na atat na makita sya kahit totoo naman. Ang sabi nya sa mismong labas ng building sya maghihintay kaya paglabas ko ng pintuan ay agad kong ginala ang mga mata sa gilid ng kalsada ngunit nadismaya lamang ako ng 'di ko makita ang motorsiklo nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid, nag babakasakaling makita ko siya ngunit wala talaga. Tanging mga kotse lamang ang nakahanay sa gilid ng daan habang hinihintay ang ibang mga empleyado. Pero dahil umaasa ako, patuloy pa rin ang paglinga ko sa paligid. Mukha naman kasi siyang seryoso ng sabihin nito na susunduin nya ko... at naniwala naman ako... Tangina! Ba't ba ako basta-basta na lamang naniwala sa kanya eh alam ko naman simula pa lang yung totoong - Napatigil ako sa pagoover think ng marinig ang hiyawan ng mga babaeng katrabaho ko. "Shocks! Ang hot!" "Ang guapo!" "Am I seeing Alex Pettyfer of I am number four lead star?" "Ayoko ko na sa nakasuit and tie! Mas gusto ko na ang badguy!" "Yung maginoo pero medyo bastos! Aaaack!" "Sirain mo buhay ko bebe!" "s***k me daddy!" Napalingon ako sa aking harapan upang sundan nang tingin ang nakaagaw ng pansin ng mga kapwa ko call center agent na mga babae at mga beki. My jaw literally dropped when I saw Kevin smoothly got out of his luxurious black car. Ang presko nya muling tingnan! Nakailang ligo ba to sa loob ng bente kwatro oras? "Does he also work here? " "'Di naman siguro! Mas mukhang nagmamay-ari kaysa empleyado!" "God! Look at those abs!" He was only wearing a dark gray sweat short and a white sando, ito yung t-shirt na ginupit ang magkabilang sleeve, ang butas ng labasan ng braso ay mula balikat hanggang dalawang pulgada mula sa hem and a black and white nike sliders. Sumisilip sa gilid ng suot nito ang hulmang-huma nitong abs, kitang-kita ang tattoe nito sa gilid ng katawan, it was a cursive handwriting black tattoo and his full sleeve tattoo on his left arm. Mas nakadagdag pa sa appeal nito ang suot nitong itim na cup na ang harapan ay nasa likod. Napakasimple ng suot ngunit ang lakas pa rin ng dating nya. Damn... Kahit siguro basahan magmumukhang mamahalin kapag siya ang nagdala. Nililipad ng hangin ang suot nitong pangitaas at sa tuwing humahakab ang tela ng suot nitong sando ay bumabakat ang hulmang-huma na abs nito. Heto na naman ako, bigla na namang nag slow motion yung paligid ko habang nakatingin sa kanyang papalapit sa kinatatayuan ko. He smiled at me. I stood still, natatakot akong gumalaw at baka tuluyan akong matumba. Ramdam ko ulit ang panlalambot ng dalawang binti ko at panginginig ng mga tuhod ko. He stopped near in front of me. "How was your work?" He asked in his low baritone voice while taking away the strand of some of my hair in front of my face. Doon lamang ako nagising sa diwa kong nililipad ng hangin. "Sino yun?" "Jowa siguro?" "Hala! seryoso?" "Baka ginayuma!" "O kaya'y malabo ang mata!" "Sayang naman! Ang guapo sana ngunit mukhang may deperensya." Napayuko ako, 'di ko maiwasang mahiya sa mga narinig ko. But he slid his point finger under my chin at pinapatingala nya ko sa kanya. "Don't mind them..." But I saw how his jaw clenched, nagpipigil sa sariling bulyawan ang mga taong mapanghusga. Nanlaki ang mga mata ko ng muli'y kinintalan nya ko ng halik sa labi kusang napapikit lamang ang mga mata ko. "Aaaack! Ang swerte naman ni girl!" He let go of my lips first. "Let's go, so you could rest... may class pa tayo mamaya..." Marahan akong tumango. Kinuha nito ang dala kong bag at isinukbit nito sa isa nyang balikat. He swiftly slid his left hand to hold my hand. Napatingin ako sa mga kamay naming dalawa, 'di pa ito nakontento, pinagsalikop pa nito ang mga daliri naming dalawa. He doesn't care about the people around us of what they might say or think. May mga bulungan pa rin ngunit wala na kong maintindihan dahil mas naaagaw ang atensyon ko sa lakas ng kabog ng puso ko dahil sa magkahugpong naming mga kamay. Nagpatianod lamang ako sa kanya. Nang makalapit sa kanyang sasakyan ay pinagbuksan nya ko ng pintuan at inalalayan makasakay sa shotgun seat. Kinabit muna nito ang seatbelt ko bago nito isinara pabalik ang pintuan at umikot sa driver seat. Nilagay nito ang backpack ko sa backseat. Nanatili ang tingin ko sa harapan. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari na para bang panaginip lang lahat. "Are you okay?" Napalingon ako sa kanya at muli'y marahan na tumango. "I bring a car instead of a bike, so you could take a nap while I drive you home... " He held my face, and again claimed my lips. Tumagal lamang ng sampung segundo at agad din nyang binitawan ang labi ko. Pinaandar nito ang sasakyan, ang angas nyang tingnan habang iniikot nito ang steering wheel habang nakatingin sa labas ng bintana sa kanyang gilid. He turned on the music, and an OPM song began to play. Ikaw lang by Nobita. Sinandal ko ang ulo sa headrest, ipinikit ko ang mga mata. At the first two stanza inenjoy ko lang yung song, gusto kong sumabay sa pagkanta ngunit nahihiya ako. Dahan-dahan akong nagmulat muli when he started singing. Damn! Ang ganda ng boses nya, 'di ko napigilan ang sariling lingunin sya. His both hands on the steering wheel, ang angas nyang tingnan habang sumasabay sa pagkanta. "Ang iyong mga tingin Labis ang mga ningning Langit ay bumaba Bumababa pala ang tala." Biglang huminto yung sasakyan when the traffic light changed to red. He continuously sang the chorus while he looked at me as if he was singing it for me. He smiled... Dahan-dahan nitong hinawakan muli ang kamay ko, he intertwined our fingers again... Dinala nito ang kamay ko sa kanyang dibdib. I could feel his heartbeat like as if it was mine. It was beating so fast... Mariin nya kong tinitigan, his eyes twinkled while singing the lyrics of the song. I never understand the lyrics not until he sang it for me. "Tumingin ka sa 'king mga mata At hindi mo na kailangan pang Magtanong nang paulit-ulit Ikaw lang ang iniibig " I couldn't take my eyes off him, seems like I was looking for the truth... "At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka Hawakan ang puso't maniwala Na ikaw lang ang s'yang inibig Ikaw lang ang iibigin... " Aw! My heart...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD