Ang sakit... Ang hapdi... Ang bigat ng nararamdaman ng puso ko. Nakakapagod... Nakakaubus... Nakakawala sa sarili. I was slowly walking in the hospital hallway. Nakatulala. Mugto na ang dalawang mga mata ko ngunit tila di ito nauubusan ng luhang patuloy na umaagos at nagsilandasan sa magkabila kong pisnge. Naninikip ang dibdib ko kaya napahawak ang isa kung kamay sa bandang puso ko, diniin ko ang kamay sa dibdib ko. Napakuyom ang kamao ko. Napahinto ako sa paglalakad. Sinandal ko ang sarili sa puting dingding ng hospital. Kay sarap sumigaw. Naitakip ko na lamang ang isa kong kamay na nakahawak sa dibdib ko sa aking bibig upang pigilan ang pagimpit ng mga hikbi ko. Nanghihina ang magkabila kong binti, nanginginig ang dalawa kong tuhod. Unti-unti akong dumausdos pababa, napalu