XIX

2163 Words

PATRICIA CASTILLO POV Iniwan ko ang tatlo sa labas ng gate. Kahit ako naguguluhan sa mga nangyayari. Nagulat pa ako ng mabanggit ni Zoe na girlfriend ni Chester si Keri. Kilala ko si Keri na nakababatang anak ng mga Sy, ngunit ngayon ko lang ito personal na nakita. Ang nakasama ko kasi noon sa trabaho ay si Hail Sy na halos ka-edad ko lang din. Hawak ang kamay ng dalawang chikiting,nagtungo kami sa malawak na field ng school. Pinapakinggan ang sinasabi ng teacher na pinapangunahan ang event. Napalingon ako sa aking tagiliran ng maramdaman ko na may tumabi sa akin.Si Patrick iyon at nabaling naman ang aking mata sa tabi ng mga bata, kung saan naroon si Chester at Keri. Sa tingin ko ay naiilang pa si Keri dahil ng mapatingin ito sa akin ay namumutla pa rin. Malamang natakot kay Patrick.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD