VII

2222 Words

PATRICIA CASTILLO POV Working days na naman! Mamimiss ko na naman ang mga anak ko. Kung hindi lang talaga kailangan magtrabaho, pipiliin ko na mamalagi dito sa bahay at alagaan ang mga anak ko. Umupo ako sa gilid ng kama kung saan naroon ang litrato ni Ziggy. Kinuha ko iyon at kinausap kahit sa hangin na lang. Alam ko naman maririnig niya ako. “Babe, I’m still missing you. Ilang taon na ang lumipas at lilipas, pero may parte pa rin sa puso ko na hinahanap-hanap kita. I love you.” Hinalikan ko ang litrato ni Ziggy. Pagkatapos ko iyon halikan at niyakap ko iyon ng mahigpit. “Kahit ilan taon na ang lumipas nagagawa mo pa rin ako saktan at paiyakin. Pero huwag ka mag-alala, kakayanin ko lahat para sa mga anak natin.” Pinunasan ko ang aking luha ng marinig ko ang ilang katok sa pintuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD