“Umuwi ka na Baby boy kami ba bahala sa baby girl namin.” Naalimpungatan si Yuan na napatingin sa isang malaking lalaki na naramdaman nyang tumapik sa balikat nya kaya nagising sya. Napatingin sya sa dalagang wala pang malay pero ayon naman sa doctor kanina ay okay na daw si Jeremy pero kung natagal tagalan pa daw baka hindi na nila inabot na buhay ang dalaga. Maraming nawalang dugo rito at alikabok na pumasok sa baga nito. Wala naman nakitang fracture sa katawan at ulo ni Jeremy na talagang pinag pasalamat nya ng husto. Natawag na nya lahat ng santo habang sakay sila ng ambulansya kanina. Hindi nya magawang bitawan ang kamay ni Jeremy kanina. Natatakot sya na baka mawala ang init na nararamdaman nya sa kamay ni Jeremy kapag binitawan nya. Ngayon lang sya nakaramdam ng ganun kaba at t