Di mabura ang ngiti ni Jeremy sa mga labi habang nag lalakad. Patungo sa malaking venue kung saan kung saan gaganapin ang birthday celebration ng amo nila. Medyo tinanghali sya ng gising dahil talagang di sya pinatulog ng halik ni Yuan. Inihatid pa sya ng binata sa cottage nila buti nalang walang tao ng nakawan sya nito ng halik muli bago sya iniwan. Natigil sya sa pag muni muni ng matanaw nya si Raiza na tumalilis ng labas sa kuwarto ni Yuan habang yakap yakap ang puting kumot na nakabalot sa hubad nitong katawan. Nabura lahat ng sayang na raramdaman nya sa nakita. Malalaki ang hakbang nya na tinungo ang cottage ni Yuan ng mawala na sa paningin nya si Raiza. Hindi na sya nag abalang kumatok dahil nag hihimagsik sya sa galit. “Jeremy.” gulat na bulalas naman ni Yuan na nagulat papasok s