“Maam Ganda sige na pumayag ka ng ikaw maging muse ng department natin sa sportfest natin baka for the first time mag karoon naman tayo ng laban sa mga taga production team. Tumawa na napa kamot ng kilay si Jerryme. Ang mahadera kasi nyang tita sinabi pa nito sa buong HrD na sya lagi ang pinang lalaban ng beauty pageant ng Psychology Department nila since 1st year college. Kaya sanay na sanay na daw syang rumampa.
“Ano kasi 2 weeks palang ako sa trabaho baka mapahiya lang kayo kung ako.”
“Ano ka ba? 6 years na kaming napapahiya sa mga taga production. Biruin mo tayo ang nasa upper level pero ni minsan di kami nanalo. Kaya sige na baka ikaw na ang chances namin. Hindi ka i ooffer sa amin ni Mama Agnes kung wala kang K.” Napaisip si Jeryme. Naging maalwan ang buhay nya sa loob ng 2 weeks madalas kasi nasa manila din sya halos araw araw kapag babalik naman sya ng company wala si Sir Drake may mga meetings din ito sa labas at kapag umalis ito hindi na nabalik kaya naging smooth ang buhay nya sa loob ng 2 week at mamaya ang una nyang salary dahil may ilang araw syang nahagip sa cut off. Naka pangako sya sa mga tita’s nya na ililibre nya ang mga ito sa Mcdo sa unang sweldo nya kaya mag kikita sila mamaya gabi sa McDo pag labas nya.
“Puwede bang pag isipan ko muna over night.”
“ayyy! Ano ba yan? bakit over night pa baka ilista na nila si luvelyn last listing na ngayon. Whether you like it or not ipapalista kita.” anas ni Ma’am Wendy ang Hr manager nilang napaka kikay at napakabait. Napabuga nalang ng hangin si Jeryme.
“Sige na nga po. Basta walang sisihan kapag natalo ako ha.” tuwang tuwa na napapalakpak naman ito.
“Sa wakas nagliwanag din ang HRd.” hiyaw pa nito kaya napalingon sa kanila ang ibang taga HR na natuwa rin naman ng i aanounce nito na sya ang bagong muse ng department na pinalakpakan naman ng karamihan.
“Bakit maingay sa labas? Anong meron?” tanong ni Yuan habang nakatutok sa binabasang papeles.
“Ahh! Napalitan na po kasi ang muse ng taga HRD hindi na po si Luvelyn.”
“Let me guess si Jeryme.” anito na hindi man lang nagtaas ng ulo.
“Yes sir.”
“ayoko ng lalaking judge ngayon make sure na puro babae.”utos nito na ikinangiti ng secretary.
“Masusunod po.”
“At ayoko rin na tulad last year na makakapal ang make up make sure na sapat lang at isa pa. Walang mag susuot ngayon ng swimwear. ayoko may empleyado na mag bibilad ng katawan sa harapan ko masakit sa mata.”
“Sige po sir sasabihin ko sa organizer.”
“Wala bang ibang puwedeng ipang laban sa taga Hr.” Biglang tanong ni Yuan na nag angat ng ulo at sumandal sa swivel chair.
“Wala sir si Luvelyn lang po talaga ang medyo may K pero dahil po kay Jerryme na newly employed nagkaroon na po sila ng choice.”
“Hindi naman kagandahan si Jerryme matatalo lang sila dapat mag hanap nalang sila ng iba. How about si Helga saka si Nancy. Mas magaganda sila at mas sanay silang mga naka make up.”
mukhang tinamaan na yata ni Mr. Kupido si Sir mukhang totoo na ito. bulong sa sarili ni Ana sa sarili 8 years na nyang kasama si Sir Drake at kilala na nya ito pag dating sa personal nitong buhay. Pinsan buo nya si Drake pero no one knows ayaw ipaalam ni Drake para iwas daw sa pag uuspan. Anak sila ng mag kapatid. Kapatid ng mama nya ang mommy nito pero di sila close sa pamilya ni Drake matapobre kasi ang nanay nito galit sa kamag anak kahit sa sarili pang pamilya. Ayaw nitong na hihingian buti nalang mabait si Drake agad sya nitong kinuha noon pag ka graduate nya at ginawang secretary napagalitan pa sila ng mama nito pero wala itong nagawa. Sa Japan sila unang nag simula ni Drake hanggang sa mag decide ito mag bukas ng sarili nitong negosyo sa pilipinas na electronics din bumukod ito sa galamay ng ina at agad naman maging succesful ang business nito na nakilala na rin sa buong asia.
Meron na silang branch na dalawa sa Sta. Rosa at sa canlubang. May ibang nag hahandle sa dalawang branch pero all hands parin si Drake sa monitoring ng mga sarili nitong negosyo.
“Sir hindi na po single si Nancy at Helga..”
“ha kailan pa?” napakamot ng ulo si Ana.
“Si Helga sir kakasal lang at 4 na buwan na po syang buntis si Nancy naman po may 1 year old ng anak at si Terence po ang asawa nya yung taga engr. Department.” napatango naman si Drake saka parang nag iisip.
“Tsk! bahala na nga sila tutal lagi rin naman silang talo taon taon. By the way paki kuha kay Jeryme yung Monthly expenditure kahapon ko pa ibinilin sa kanya yun.”
“yes sir napasa na po nya sa akin kanina. Here sir.”
“Hmmm… she’s impressive.” ani Drake na nagulat para sa isang baguhan ang bilis nitong natuto.
“Very good Ana expect bonus today for the job well done.” Ani Drake na binuklat ang folder na inabot nito. Malinis ang pag kakagawa ni Jerryme.
“Bakit po ako ang may bonus hindi naman po ako ang gumawa ng trabaho.”
“but you trained her well kung di mo sya tinuruan ng maayos palagay mo ganito ito kalinis.
“Masyado lang po dedicated at focus sa trabaho nya si Jerryme sir mukhang pero lang po kayo na ayaw na mag kakamali.”
“It’ doesn’t matter for me nakadepende ang studyante sa magaling na guro. You may leave don’t argue with me.” pag tataboy na nito. Nag kibit balikat nalang si Ana saka lumabas ng opisina.
“Sarap talaga kapag libre.” boses maton na wika ng Tito Dindo nya aka Tita Dindy. Ang ingay nila sa loob ng Mcdo pinag titingnan na sila ng ibang customer na nag tatawanan na din kasi ang gaganda at sesexy ng mga kasama nila. May ibang pang lalaki na sumisipol. Aurang aura kasi mga ito akala mo naman ay sa fine dining resto sila kakain puro naka dress at miniskirt pa na kulang nalang lumabas na singit kung di lang sexy ang mga suot ng mga ito baka isipin mga basketball player sila kasi ang tatangkad nila napapatingala sa kanila ang iba.
Tas bigla mag haharutan ang mga ito na boses lalaki kaya nabibigla ang makakarinig. Sila lang ng tita nya ang naka uniform ng company puro transgender woman na ang mga ito in other term may mga pisisay na at malalaking dibdib mukha na talagang mga babae ito gaya ng Tita nya. Simula ng sumama sya sa mga ito inakala ng mga kapitbahay nila at boyfriend ng mga ito na nakilala nya na bakla din sya tulad ng mga ito na di na nila itinama dahil wala naman mababago idagdag pa na pang lalaki ang pangalan nya.
“Si Sir Drake.” Siko ng Tita Agnes nya sa kanya na ikinataas ng ulo nya habang busy sa pag kain ng fries. Nanlaki ang mata nya ng makitang papasok nga ito sa fast food na kinakainan nila. as usual naka all gear nanamn ito pasimple syang tumanaw sa labas at nakita nya ang motor nito.
Ayon kay Ma’am ana motor lang daw talaga madalas gamit ng boss nila para daw iwas traffic kapag pupunta ito sa ibang branch nila para daw walang hassles pero may sasakyan itong dala pero bakit pumasok pa ito hindi nalang nag drive thru may kasama ba itong kakain.
“Sir Drake.” sigaw pa ng Tita Agnes nya na muntik nya ng ikasamid. Bakit pa nito tinawag ang lalandi na nga ng kasama nila mag dadagdag pa ito. Saka close ba ang mga ito kung makatawag ang tita nya kala mo naman close sila. Lumingon ang binatang boss mabilis naman syang nag yuko ng ulo na nag kunwaring deadma lang habang kumakain ng fries.
“Angilus.” bati nito na tinawanan ng mga kasamahan nila maging sya ay di naiwasan matawa.
“Sir di ba puwedeng Agnes nalang what are friends are for kung angelus itatawag mo sa akin.”
“You were born at the name of angelus and beside your pretty even your name is angelus.” anito. Akala mo naman ay dalagang pilipina na isinipit ng tita nya ang buhok nito sa tenga.
“May kasama ba kayo sir dito ka na sa amin umupo.” alok naman ni Tita Rea aka Ruben.
“Ah sorry pero kasama ko si Ana nag papark lang sya better luck next time.” anito sabay baling kay Jerryme na mabilis na umiwas ng tingin.
“Bagong sweldo sir kaya nanlibre itong si Gandara.”
“You should treat me next time.”
“Is that a date sir?” bulalas naman ni Christian Akala Tita kristy.
“Date? I don’t think so maybe a friendly date right Jeryme.” ani Drake.
“Sir pang Fastfood lang budget ko baka di ko ma reach ang taste bud nyo.” alanganing wika ni Jerryme.
“You just suit for my taste.” sabay sabay na umungol ang mga tita nya saka sya inulan ng tukso ng mga ito.
“Mag kaka apo na ba kami my god hindi pa kami handa sir Yuan.” biro ni Tita Rose nya aka Russel. Tumawa naman si Jeryme. Nun naman lumapit si Ana na tinapik sa balikat ang amo nila saka nag palaam na ang mga ito.
“May something talaga sa dalawang yan may relasyon ba sila?” tanong ni Rea.
“wala Gaga. Showbiz mo.” ani Agnes.
“E bakit sila mag kasama minsan hanggang club or bar pa.”
“club at bar? magkikita kita kayo?” maang nantanong naman ni Jerryme sa mga ito.
“Oo naman bar at club buddy namin yang si Sir Yuan kaya nailapit kita sa kanya na baka puwede kitang i reffer pumayag naman kaya yan ikaw na yan.” nakangiting ani Agnes.
“Ang dinig ko sa balita relatives sila.” ani Kristy.
“Saka personal assistant nya si Ana lugar na lagi sila mag kasama.” ani Rose.
“Ikaw gandara. Wala ka bang balak pumapel dyan sa guwapo mong amo single yan walang kasabit sabit. Maraming gustong sumabit pero walang makapasa sa taste nya.” ani Rose
“Naku naku. Tigilan nyo ang pamangkin ko baka gusto nyong ma jombag tayo ng daddy nito.”
“Hindi pa nag kaka boyfriend si Gandara 22 na sya di pa nabibinyagan ng isang adonis sayang naman ang perlas ng silangan kung hindi madidiligan.” biro ni Rea.
“Gaga! ano akala mo naman kay Gandara kaladkarin. Sa ganda nyang iyan,lugar lang na pumili sya ng tamang lalaki at hindi si Sir Yuan ang lalaking yun. Baka laspagin lang nya itong gandara natin.” ani Dindy.
“ay yesterday true!!! magaling bubutas yan kapag butas na butas ka na. Babye na kaya No! No! Girl wag kang mahuhulog sa kanya kung ayaw mong mabalian ng tadyang.” ani Kristy na ngumiting tinanguan lang nya.
Pag baling nya ng tingin sa gawi ng mga itong naka pila sa counter nakatingin din sa kanya si Yuan pero umiwas ito at kinausap si Ana. tinanong nya noon si Ma’am ana kung may gusto ito kay Sir Drake pero hindi ito sumagot ngumiti lang ito. Relatives kaya talaga ang dalawa. Hindi naman sweet ang mga ito normal lang ang mga kilos pero lagi ngang mag kasama pero given na dahil nga personal assistant ito.
Well ano nga bang pakialam nya. Ayon nga sa mga titas nya magaling lang itong babaak at wala itong sine seryosong babae kung babae nito si Ana wala naman syang magagawa. Choice ni Ana mag pabaak.
“Bad breathe ba ako?” tanong ni Yuan na ikinalingon ni Jeryme sa binata. Nasa likod sila ng kotse at patungo sila ng embassy. hindi nya alam kung bakit ito sumama e wala naman itong gagawin sa embassy.
Huminga pa ito sa kamay at inamoy saka nagkibit balikat na nilingon sya.
“Hindi naman! amoy freshmint. Would you like to taste it.” gustong umawang ang bibig ni Jeryme obviously inaalok sya nitong tikman ang labi nito. Umarangkada nanaman ang kalandian nito. Napatingin sya kay Kuya Celso ang company driver na lagi nyang kasama sa mga travel nya.
“Hindi na bale po sir baka malunok ko yang hikaw nyo.” Napalingon si Jeryme kay Yuan na malakas na tumawa maging si Kuya Celso nakita nyang natawa din. Anong nakakatawa sa sinabi nya e totoo naman.
“Why would you swallow it if you can spit it.” ani Yuan ng nakarecover sa katatawa. Ah yun pala ang nasa utak nito kaya tumatawa.
“Hindi ako marunong humalik sir kaya ma di disappoint lang kayo sa akin.”
“your a very fast learner i can easily teach you if you want.” nanlaki ang mata ni Jeryme saka pasimpleng sinenyasan si Yuan na napatingin kay celso na nakatingin naman sa rear mirror.
“Celso knows me. Hindi na sya magugulat if i flirt with you.” Napangiwing umiling si Jeryme.
“Napaka unprofessional.” bulong nya.
“Wag mo ng ibulong na ririnig ko.” ani Yuan. Napabuga ng hangin si Jerryme sabay harap rito.
“makinig ka sir wag ka po sanang ma ooffend or magagalit sa akin. Don’t take it into your heart pero for once sasabihin ko nalang po para malinaw.” huminga muna ng malalim si Jerryme.
“Hinding hindi ako papatol sa inyo. Hinding hindi ako hihiga sa kama nyo para makipag s*x. Hindi hinding rin ako mapapasama sa bilang ng mga babaeng binubutas nyo at mas lalong hindi ako pinag aral ng parents ko para lang laspagin sa kama ng amo ko. Kaya tigilan nyo na po ang pang landi sa akin dahil sa totoo lang kinikilabutan ako.” matagal na natameme si Yuan na nakatitig lang sa kanya.
“Name your price?”
“ha?”
“Name your price? i know this term may hurt you but your features kept haunting me.” Gustong makaramdam ng galit ni Jeryme rito pero naging honest lang naman ito. Sa madaling salita gusto nitong makipag s*x sa kanya nag ooffer na ito sa kanya ng pera para lang sa s*x.
“Nauubusan ka na ba ng reserba?”
“reserba?” kunot noo na balik tanong ni Yuan.
“Reserba? babae… wala na bang ibang babae kang nakikita bakit ako ang inoofferan mo. Mukha ba akong kinukulang sa pera?” napabuga ng hangin si Yuan.
“let’s say this way… i think im falling for you?”