Natulala si Marcelo, parang hindi siya makapaniwala sa mga rebelasyon. "huh? Yes Rachelle. Darating din tayo d'yan." Wala sa sarili niyang sinabi. "Seryoso ba kayong dalawa? Hindi ba masasaktan si Mercedes sa gagawin ninyo? Alam mo ba Marcelo na mag-isa na lang siya sa buhay? At iyakin siya, lagi siyang nagmokmok at nagkukunwaring matapang. Pare alam mo ba ang ugali niya? Mula ulo hanggang paa?" tanong ni Alfred kay Marcelo. "Pare hindi eh, hindi kami nag-uusap sa bahay. Madalas kasi para kaming aso at pusa. Hindi kami nag- uusap, ngayon lang kami nag-usap. Ang tapang niya kasi parang askal. Inaapi niya ako at hindi maubusan nang mainpintas sa akin.” Seryosong saas ni Marcelo. "Pare matapang siya dahil tinatago niya ang totoo niyang ugali. Mabait 'yon, kaya laging niloloko. Sana pakisam