“Anak maraming salamat at ginawa mo ang gusto ko, mahal na mahal mo talaga ako anak, excited na akong tumira sa mansyon ni Mercedes at dapat meron akong posisyon sa opisina ni Mercedes. Dapat meron akong bagong kotse at ikaw din anak dahil asawa ka na niya kailangang ikaw na ang CEO at si Mercedes dahil babae siya kailangan gawin mo ang lahat na pumayag siya na sa bahay lang siya, alagaan ang mga anak ninyo at tayong dalawa na ang mamahala sa kaniyang company.” Saad ni Beatriz habang abot tenga ang ngiti. “Mommy, mahal na mahal ko si Mercedes ayaw ko siyang gawaan ng masama kung nagplano man ako ng masama noon sa kaniya iba na ngayon mommy ako ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon, ayaw kung lukuhin ko siya ulit, at mommy sana lang huwag na huwag mong gagawin ang plano mo at kung