CHAPTER 3

1169 Words
CHAPTER 3 "Ma’am Mercedes, good morning po. Kumusta po kayo? Nagtimpla po ako ng coffee para sa inyo," saad ni Mildred. "Hello, Mildred. Nag-abala ka pa, hindi mo naman trabaho 'yan. May personal assistant naman ako para gumawa ng coffee." "Ma'am, gusto lang po sana kitang pasasalamatan sa mga tulong mo sa akin at sa nanay ko." "Mildred, wala 'yon. Employee kita at kayong lahat na nagtatrabaho sa akin ng tapat ay handa kong tulungan. By the way, Mildred, thank you sa coffee." "Walang anuman po, Ma’am. Thank you po ulit, Ma'am. Utang na loob ko po sa ‘yo ang pangalawang buhay ng nanay ko. Kung hindi dahil sa pera ninyo hindi siya maooperahan sa bato. Maraming salamat po talaga, Ma’am." "Wala 'yon, Mildred. Sige na bumalik ka na sa trabaho mo basta ang hiling ko lang sa ‘yo, sana manatili kang tapat sa akin at sa trabaho mo." "Opo, Ma'am Mercedes, promise po. Maniwala po kayo sa akin. Tapat po ako sa ‘yo at sa kumpanya. Sige po, Ma'am. Babalik na po ako sa opisina ko." Tumalikod si Mildred at tumaas ang kilay niya. Pinaikot pa niya ang kanyang mga mata. "Bwisit! Ang hirap makipagplastikan sa gurang na 'yon!" bulong ni Mildred sa kanyang sarili. Pumasok ang abogadong si Zack sa opisina ni Mercedes para maghatid ng balita. "Zack, kumusta na ang mga pinapagawa ko sa ‘yo? May magandang balita ka ba para sa akin?" tanong ni Mercedes sa abogado. "Mercedes, hindi ko alam kong paano simulan ang sabihin ko sa 'yo. Natakot ako baka hindi mo kakayanin." "Bakit, Zack? May nakalap ka na bang impormasyon kung ano ang pinagkakaabalahan ng boyfriend ko? Zack, sabihin mo sa akin!" May ideya na si Mercedes pero mas gusto niyang may makita siyang ebidensya. "Mercedes, nag-alaga ka ng ahas sa kumpanya mo. Hindi lang basta ahas, isa siyang anaconda!" saad ni Zack. "Sino, Zack? Sabihin mo sa akin, sino siya?" tanong nito. "Nakita ko sina Alfred at Mildred last week, magkasama sila. Kaya nag-imbestiga ako tungkol sa kanila. Gumawa ako ng paraan para malaman kung anong meron sa kanilang dalawa, at kung bakit sila magkasama. Kaya naman, no’ng isang araw may mga pinapagawa ako kay Mildred. Sinabi ko na p’wede niyang tapusin ‘yon sa condo niya kasi late na. Kinabukasan, dinaanan ko sa kanyang condo ang mga files at naglagay rin ako ng hidden camera. Mercedes, bingo! Panoorin mo ang ginagawa ng boyfriend mo at ng Mildred na 'yon." Kinuha ni Zack ang kanyang laptop at nakita ni Mercedes ang lahat. Tumulo ang kanyang mga luha. Nagpigil nang galit si Mercedes. Ayaw niyang malaman ni Mildred na alam na niya ang lahat. "Mga hayop silang dalawa, Zack. Hayaan natin si Mildred. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niyang pakikipaglaro sa akin. Nagkakamali sila ng binangga! Humanda silang dalawa, ako mismo ang maglalantad ng baho nila." "Anong plano mo, Mercedes? Huwag kang kumilos nang hindi ko alam, okay?" saad ni Zack. "Oo naman, Zack. Ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ko. Kaya lahat ng plano ko'y sasabihin ko sa 'yo." "Siguraduhin mo lang, Mercedes, dahil hindi natin alam kong ano ang plano nila laban sa ‘yo. "Zack, promise. Sasabihin ko sa 'yo ang mga plano ko, at kailangan ko ang tulong mo." "Makakaasa ka, Mercedez. Hindi kita bibiguin, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya." "Maraming salamat, Zack. Sige, iwanan mo na ako. Gusto kong mapag-isa." Lumabas na si Zack sa opisina ni Mercedes at malaya niyang pinakawalan ang kanyang mga luha. Kailangan niyang magpakatatag dahil mag-isa na lang siya sa buhay. Tanging si Zack lang ang natitirang tao na kanyang mapagkakatiwalaan. Hinayaan niyang pumatak ang kanyang mga luha para mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman. Kailangan maging matapang siya dahil mas marami pa ang pagsubok na kanyang haharapin sa kasalukuyan. Dinala ni Alfred si Mercedes sa isang mamahaling restaurant. Hinayaan lang ni Mercedes na linlangin siya ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang plano ng dalawa pero mas mabuting sakyan niya ang mga kinikilos ni Alfred, at para alam niya ang bawat plano nito at nang mapaghandaan niya ang lahat. Habang nasa loob sila ng restaurant ay inalalayan siyang umupo ng lalaki. Halos hindi makatingin si Mercedes sa mga mata nito. Alam na niyang walang pagmamahal si Alfred sa kanya. Kaya pala sa tagal nila, hindi man lang siya nito inalok ng kasal. "Mercedes, okay ka lang ba? Ang tahimik mo yata. Hindi mo ba nagustuhan ang lugar? P’wede tayong lumipat sa iba," saad ni Alfred. "Alfred, okay lang ako. Medyo naninibago lang ako sa ‘yo. Kasi hindi mo naman ako dinala dito noon, ‘di ba? Ngayon mo lang yata naisipan na dalhin ako rito sa mamahaling restaurant. Nakakapanibago lang kasi," saad ni Mercedes habang tinititigan niya si Alfred. "Mercedes, mula ngayon uunahin na kita at ikaw na ang priority ko. I'm sorry kung napabayaan kita noon. Busy lang talaga ako sa opisina. "Okay lang ako, Alfred. Huwag kang mag-alala. Pero sana hindi mo maisip na saksakin ako patalikod. Kung hindi mo na talaga ako mahal p’wede mo naman sabihin sa akin. Ayaw ko lang na niloloko ako, at paniwalain na mahal mo ako kahit hindi naman. Kasi mas masakit 'yon, eh." "Mercedes, mahal na mahal kita, at ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Gusto ko magkaanak tayo, gusto kitang pakasalan, gusto kong ibigay sa 'yo ang apelyido ko," napatigil si Alfred nang lumapit ang waiter para mag-serve ng kanilang food. "Mercedes, kumain muna tayo," habang hinihiwa ni Mercedes ang beef steak ay kinuha ito ni Alfred at siya na ang gumawa. Napaka-gentleman ni Alfred ng mga oras na iyon. Pagkatapos niyang hiwain binigay niya ito pabalik kay Mercedes. "Thank you, Alfred. Ang bait mo yata ngayon kinakabahan ako," ngumiti si Mercedes kay Alfred. Kasi sa totoo lang ang sarap pala sa pakiramdam kapag ginagawa sa kaniya ito ni Alfred. Kung hindi pa niya alam na iniiputan na pala siya nito sa ulo siguro maniniwala na siyang mahal na mahal siya nito. "Mercedes, ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay." May kinuha na maliit na box si Alfred sa kanyang bulsa at binuksan ito. Lumantad sa harapan ni Mercedes ang kumikinang na singsing. "Mercedes, will you marry me?" Hindi makapagsalita si Mercedes. Tinitigan lang niya si Alfred sa mga mata nito. Hindi alam ni Mercedes kung matutuwa o magagalit ba siya sa kanyang narinig dahil alam niya na may ibang plano si Alfred sa kanya. Pero nagawa niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Huminga siya nang malalim. Hindi niya napigilan at tumulo ang kanyang mga luha. "Mercedes, hindi ka ba natutuwa? Hindi ka ba masaya? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Alfred sa kanya. "Alfred, masaya ako. Hindi lang ako makapaniwala na pakakasalan mo ako. Totoo ba ‘to? Hindi ba ako nananaginip lang?" tanong ni Mercedes kay Alfred. "Mercedes, totoo ang lahat. Pakakasalan kita. Papayag ka ba na isuot ko sa ‘yo ang singsing?" "Yes, Alfred. Papayag ako. Papayag ako na maikasal sa ‘yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD