"Marcelo bakit ka umiiyak? Masakit pa rin ba ang pagsampal ko sa 'yo?" hinawakan ni Mercedes ang mukha ni Marcelo. “I'm sorry Marcelo." "Thank you Mercedes, umiiyak ako hindi dahil sa pagsampal mo sa 'kin. Umiiyak ako kasi pinayagan mo akong mahawakan ang t'yan mo at maramdaman ni baby na mayroon siyang daddy." "Oo nga, mayroon siyang daddy kaso malandi nga lang." inasar pa siya ni Mercedes at nagtawanan silang dalawa. Kinausap ni Marcelo ang t'yan ni Mercedes. Nagulat sila nang biglang pumasok si Rachelle at nakita nito ang paghawak ni Marcelo sa t'yan ni Mercedes. Lumaki ang mga mata ni Rachelle at umusok ang tenga sa galit. "Anong ibig sabihin nito Marcelo? Mercedes? Sumagot kayo!" sigaw ni Rachelle sa kanila. "Rachelle, bakit ka nandito? Paano mo nalaman ang company ni Mercedes?"