"Lola, hindi pa ba tayo uuwi? Papasok pa po ako sa opisina. Ang dami ko pang hindi natatapos na trabaho." "Tumigil ka Marcelo, mamaya na tayo uuwi." singhal ng lola niya. "Sipsip ka sa lola ko. Ngayon mo lang nakilala 'yan! Samantalang ako ang kasama niya mula sanggol pa!" bulong ni Marcelo sa kaniyang sarili. Naiinis siya kay Mercedes dahil ang bilis nitong nakuha ang loob ng lola niya at iniisip niya kung saan na lulugar ang kaniyang girlfriend kung makuha na ni Mercedes ang loob ng kaniyang lola. Pagkatapos nilang mag coffee, nagpaalam na silang umuwi. Sobrang nag-enjoy si Donya Claudia kay Mercedes, pero si Marcelo, sobra siyang na bo-bored. Kaya sobra ang kaniyang pasasalamat nang nagyaya nang umuwi ang kanyang lola. Habang on the way na sila pauwi ng bahay. Hindi nawala ang mga ng