"Mabuti at maaga kayo ngayon. Nagtabi ako ng sampung kilong baka para sa papaitang order mo." rinig kong sabi ng tindera kay lola. Alas tres pa lamang ng madaling araw, ngunit simula na ng trabaho para sa mga taga-probinsya. Eatery ang ikinabubuhay nina lola. Doon kasi kadalasang kumakain ang mga driver ng bus at pasaherong naghihintay ng byahe kaya maaga itong bumabangon upang mamalengke.
"Nene, inaantok ka pa yata." sita ni aling Lina sa akin. "isang buwan ka na rito kaya dapat sanay ka na sa buhay probinsya. Palibhasa ay city girl." Dagdag pa nito. Napangiwi na lamang ako dahil sa isang buwan ko rito ay araw-araw akong sinasama ni lola sa palengke upang magbitbit ng mga pinamili. Matapos mamalengke ay tagatadtad naman ng mga rekado at taga-hugas ng mga pinggan ang ipinapagawa sa akin. Hindi naman nabanggit sa akin ni mama na pagiging serbedora pala ang uuwian ko rito sa probinsya.
"Si aling Lina talaga, ako nanaman ang nakita. Yung anak mo nga ni hindi ko pa nahagilap tumulong sa'yo." Pasimpleng pasaring ko rito. Sa isang buwang pamamalengke ko ay wala pang araw na hindi ako pinuna nito. Asa naman siyang palalagpasin ko ang mga patutsada niya sa akin.
---
"Ikaw bata ka! Lagi mong pinapatulan si Lina, likas ang pagiging inggitera ng babaeng iyon. Mabuti pang layasan mo nalang kaysa magkasagutan pa kayo." litanya ni lola habang nag-iihaw kami ng karne para sa dinakdakang order ng isang customer. Hindi ba't mas walang modo ang dating kapag nilayasan mo ang taong nagsasalita pa?
"Di ka pa nasanay d'yan sa apo mo, ma. Sa iyo lang din naman nagmana 'yan" tatawa-tawang sabat naman ni tito Rick. Pinanlakihan ko naman ito ng mata upang manahimik na. Mas lalo namang uminit ang ulo ni lola dahil sa narinig kaya tatawa-tawa akong iniwan silang dalawa upang ipagpatuloy ang pagtitimpla ng dinakdakan.
Sunday ngayon kaya mabilis naubos ang mga niluto namin ni lola. Ibig sabihin lamang ay makapagpapahinga ako ng kalahating araw.
"Bebang, sama ka? Tara sa court. Maganda na yung sahig doon ngayon. Mas smooth pa sa butter." Istorbo talaga kahit kailan 'to! "Dalhin mo roller blades mo." siya namang dating ni tito Jack. "Magpaalam muna kayo! Ako nanaman ipagkakanulo niyo kapag nahuli tayo." Pag-aakusa ko sa kanila na agad naman nilang tinawanan. "Di na kailangan. Kaya nga ako nagpalagay ng bintana sa kwarto, ito ang purpose ko, hindi para magsight seeing." proud pang sabi ni tito Rick sabay flex ng imaginary muscles nito na animo'y napakalaki ng ambag niya sa lipunan.
"Dali na. H'wag kang KJ." pang-aalaska naman ni tito Jack sa akin. Sa huli ay napilit din nila akong tumakas. Sana lang ay hindi kami mabisto ni lolo.
Nang marating namin ang court ay naloka ako sa nakita ko. "Walang'ya ka, sabi mo makinis yung sahig dito kaya sumama ako. Mas magaspang pa 'to kaysa sa ugali ko. Sige nga, paano ka magwe-wave board sa batuhan?" Sa inis ay nag-decide akong umuwi nalang. Habang tinatanggal ko ang detachable rollerblades na nakakabit sa sapatos ko ay hindi ko namalayang pabiro pala akong itutulak ni tito Jack kaya nawalan ako ng balanse at naunang dumapo ang mukha ko sa sahig. Narinig ko pang humahalakhak ang dalawa. Mga talipandas!
Sa kabilang dako ay ramdam ko ang hapdi ng tuhod at palad ko. Natigilan naman ang dalawa ng mapansing hindi ako bumangon. Tinulungan nila akong itayo at inalalayang maupo sa bleacher. Agad na nataranta ang mga ito pagkakita sa duguan kong tuhod. Sinabayan ko pa ito ng pag-iyak kaya mas lalong hindi magkamayaw ang dalawa sa kakaasikaso sa akin.
"Hoy! Tumahan ka nga. Punasan mo 'yang sipon mo. Nakakahiya ka." Mas lalo ko pang nilakasan ang pag-iyak nang makakita si tito Rick ng panyo ay tinakpan niya ang mukha ko. "Bebang, ang pangit mo na nga. Mas lalo ka pang pumangit nung umiyak ka." Ang sama talaga nang dalawang 'to. Sinamaan ko sila ng tingin ngunit nahaharangan ng panyo kaya hindi nila ito makita dahil sa nakatabing na tela. Inis ko namang hinablot ito tsaka ko ibinato pabalik. "Oh, tahan na. Tara sa bilihan ng street foods, kainin mo lahat ng gusto mong kainin." Pagpapalubag ng loob ni tito Jack sa akin. Sabay naman nila akong hinila upang di na makaangal pa.
---
"Hala tito, nakalock" bahagya kong bulong ng tangkain kong buksan ang bintanang dinaanan namin kanina. Inabot na kasi kami ng gabi sa pamamasyal sa peryahan. "Patingin nga!" balik na sagot ni tito Jack at nang subukan niya ay pansamantalang bumakas ang panic sa kaniyang mata. "Tangeks, kuya. Sarado nga. Saan tayo matutulog?" Mas lalo naman akong binundol ng kaba sa kaalamang may posibilidad kaming matulog dito sa labas. "Tawagan niyo kaya si Manang Susan?" tukoy ko sa kasambahay nina lolo.
"Wala akong number niya." nakangiwing saad ni tito Jack kaya sabay kaming napatingin kay tito Rick na ngayon ay mukha ng stressed. "Wala rin sa akin. Bakit ko naman kukunin? Kilabutan nga kayo, senior citizen na si Manang Susan. Hindi ko siya type." Napahagalpak kami ng tawa, ngunit natigilan kami nang bumukas ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Patay! Nagising si lolo!
"Aba'y marunong pa pala kayong umuwi pero hindi kayo marunong magpaalam." Sarkastikong saad ni lolo habang may bitbit na walis tambo kaya napatago ako bigla sa likod ng dalawa kong tito. "Magsipasok kayo!" Bulyaw ni lolo kaya sa pagkabigla ko ay naitulak ko si tito Rick palapit kay lolo. Napapikit na lamang ako ng marinig ko ang pagdapo ng pamalo ni lolo. Napahagikhik naman si tito Jack na agad ding nagpanggap na umuubo matapos pakatitigan ni lolo ng masama. Tatakas na sana ako nang sitahin ako ni lolo. "Miss, saan ka pupunta? Magtutuos pa tayo." Matapos kong marinig ang pagbabanta ni lolo ay nabato na lamang ako sa kinatatayuan ko. "Jack, kunin mo ang alcohol." Nagtataka man ay lumapit din si tito kay lolo ngunit bago pa man siya makahakbang malapit sa pinto ay hinataw na ito ni lolo ng walis. "ikaw naman, kababae mong tao- ginagabi ka ng uwi. Dalaga ka na kaya act like one." tukoy ni lolo sa akin. "Pumasok ka't magnilay!" dagdag pa nito kaya dali-dali akong pumasok at naupo sa may kusina. Hindi pa man ako nakauupo ay inutisan akong lingisana ng mga sugat ko at ng matapos ay pinaupo ako ni lola sa sofa. "Mag-iingat ka lagi apo. Tignan monang nagyari sa'yo. Concern ang lolo mo sa inyo kaya gano'n na lamang ang galit niya." Malambing na paliwanag nito, sabay buhos ng alcohol sa tuhod at siko at palad ko. Napahiyaw na lamang ako sa hapdi. Kita ko sa peripheral vision ang paghagalpak ng tawa nung dalawang abnormal. Tuwang tuwa pa sila kaya pasimple ko silang inirapan. Nang matapos ay dumeretso na ako sa kwarto upang makapagpahinga. So far, nag-eenjoy naman ako sa buhay. Sadyang may mga kasama lang talaga akong malas kaya napapahamak ako.