ARIANA POV Medyo oa man ang reaksyon ko ng mapatakip ako ng aking bibig. But I guess, normal lang siguro sa isang kagaya ko ang ganito. Bakit maiisipan ni Adrian na magtago ng isang pistol gun sa ilalim ng kanyang kama kung secured naman ang kanyang mansyon? Hindi ko lamang lubos mawari na mayroon siyang ganito. Isa lamang ang pumapasok ngayon sa aking isipan, isang masamang lalaki si Adrian at kailangan ko siyang layuan hangga't may oras pa ako. Mahal ko pa ang buhay ko at ayaw ko pang maulila ang pamilya ko kung saka sakaling mayroong mangyari sa akin. Isang katok sa pinto ang nagpa taranta sa akin kaya naman ay kaagad kong iniayos ang kama at tsaka ako nag punta sa pintuan. Inayos ko muna ang sarili ko at tsaka ko ito binuksan. Bumungad sa akin si Adrian at parang nakasimangot, "Wh