ARIANA POV Mag sasalita na sana ako pero bigla na lamang niya akong inunahan. "Hays, ang mga lalaki talaga, kahit kailan ay mahirap talaga silang asahan. Tingnan mo naman ako ngayon, sawing sawi sa pag ibig. Pero mabuti na lamang at pina palakas pa rin ng ang loob ko ng mga anak ko. Sila ang lakas ko kaya kahit na single mom ako ay nagiging matatag akong babae." Wala talaga sa hitsura niya na dalawa ang anak niya. Pero wala naman akong pakialam sa love life niya o sa iba pang parte ng buhay niya kung tutuusin, ang sa akin lang ay gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Adrian. "Ganun po ba? Pero yung tungkol po sana kay Adrian? Wala na ba kayong alam sa kanya?" Pag lilihis ko pa ng topic. "Ay, ayun lang naman ang nalalaman ko tungkol kay sir Adrian. Basta, isa siyang mabait na