ARIANA POV "Ay sorry kuya Adrian, ang akala ko ay umuwi na kayong dalawa ni Uncle Gerald," sambit ni Mika. Tiningnan ko ng masama si Adrian, hindi ako makapaniwalang nandito pa rin siya! "Pinauna ko na si Uncle Gerald. I have changed my mind, kailangan kasama ko na si Ariana pag uwi ko ng bahay. Since magiging mag asawa na kaming dalawa, gusto kong patunayan sa kanya na seryoso ako sa intensyon ko." "Ano? Sino ang nagsabi sayo niyan ha? Ayaw kong sumama sayo, manigas ka jan!" galit na sigaw ko pa. Ikakasal naman kaming dalawa tapos gusto niya na akong makasama? Ano ito? Parang tanga lang siya! "Mika, pa impake na lang ako ng mga gamit niya. Nakapag down na ako ng isang milyon sa mama niya so it would be unfair if I don't ask a favor in return." Pagkasabing pagkasabi niya nito ay du