"Mama!” malakas na umaalingawngaw ang iyak ng isang batang lalaki na tila nagising mula sa kahimbingan ng tulog, "Huhuhu! Mama! Nasaan ka mama?! I'm scared!” Sa pag-iyak na iyon ng batang lalaki ay nagsimula na rin umiyak ang kanyang kakambal na siyang katabi niya sa higaan. Sa malakas na pagpalahaw ng iyak na iyon ng dalawang bata ay humahangos na pumasok sa kanilang kwarto si Ynara upang tignan sila. "Lexion, Jaden," nag-aalalang pagtawag pa ni Ynara sa kanila at kinapa kapa ang kanilang mga ulunan, "Bakit kayo mga umiiyak? Nanaginip ba kayo ng masama? Don't worry nandito na si Ninang kaya tumahan na kayo.” Umiiyak na tumango naman si Lexion habang pinupunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa kanyang mga mata. "Si m-mama," iyak pa niya at takot na takot na kumapit sa damit ni Yn