Mission 1

1813 Words
"Welcome back to the Philippines, sir." Malapad na napangiti ako nang marinig ang pagsalubong na iyon ng mga flight attendant. I am finally back. Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan na pananatili sa Canada. Ngunit kumpara sa iba ay hindi ako nagtungo doon para magbakasyon o mamasyal. Kundi naroroon ako para tapusin ang isang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra. Nagkataon kasi na nangailangan ng tulong ang Foreign Alliance para sa malakihang paghuli sa isang international terrorist na si Leon de Guzman. At bilang pinakamagaling at pinagkakatiwalaang secret agent ng National Intelligence Agency (NIA) ng bansa ay ako ang napili na ipadala ni Boss Libra bilang katawan ng aming ahensiya. Sa katunayan dapat aabutin nang mahigit isang taon ang misyon ko na iyon ngunit dahil sa sinuwerte ako ay nagtagumpay agad kami na mahuli si Leon sa loob ng anim na buwan. Kaya eto ako ngayon ay may ngiting tagumpay sa aking labi dahil sa maagang pagbabalik. Doon ay pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at pinag-isipan kung paano susupresahin silang lahat. Ngunit habang papalabas ako ng airport ay napansin ko ang pagsabay sa akin ng isang lalaki. Pagkatapos ay walang kung anu ano na sinadya nito na banggain ang aking balikat. Sa nangyari ay sandali na nagkapalitan muna kami ng tingin sa isa't isa bago ito dire-diretso na umalis na para bang walang nangyari. Nang tuluyan na mawala siya sa aking paningin ay bigla na lamang ako nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Iilang minuto pa lang kasi ang nakakalipas magmula na nakaapak ako sa lupa ng bansa pero mukhang may panibagong misyon na ibinigay muli sa akin si Boss Libra. Napakamot tuloy ako ng aking batok dahil sa hindi inaasahan na pagsalubong na ito ng aming boss. "Gusto ko lang sana supresahin si Boss Libra pero tila ako ang sinupresa niya," iiling iling na pagbulong ko na lang sa hangin. Hindi nakakapagtaka na matutuklasan ni Boss Libra ang pagbabalik ko na ito. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagkalat sa maraming lugar ang mga miyembro ng aming ahensiya na siyang nagsisilbing aming mga mata at tenga. Sa ganoong paraan din ay mas makakalap kami ng impormasyon na hindi nahahalata ng aming mga minamanmanan. Dahil sa mukhang may panibagong misyon ako ngayon ay agarang pinara ko ang paparating na taxi sa harapan ng airport. "Sir, saan po tayo?" nakangiting pagtatanong sa akin ng taxi driver pagkaupo ko pa lamang sa backseat. "Bring me to hell," makahulugang sagot ko naman bago kampante na naupo roon. Agarang naging seryoso naman ang taxi driver at tila naunawaan kung saan ako patungo. Kaya nang makalabas kami sa area ng airport ay sinilip ko na ang papel na inilagay sa bulsa ko kanina ng lalaking bumangga sa akin. Tanging sequence lang ng numero at letra ang makikita sa papel na iyon. Kaya agaran dinecode ko ito sa aking isipan at inalam ang anumang mensahe na naroroon. 'Head to my office, Agent Fang. ASAP.' "What the hell?" nalilitong bulalas ko. Nakakapagtaka kasi na hindi detalye ng aking panibagong misyon ang laman ng papel kundi isang special summon mula sa aming boss. Hindi ito normal na mangyari. Madalas kasi ay mga tauhan lang niya ang nagpapaabot ng aming mga misyon. Ngunit tila sa pagkakataon na ito ay makakaharap ko si Boss Libra para personal na tanggapin ang aking panibagong misyon. "S-Shit... May masamang kutob ako sa pagpapatawag na ito," nakangiwing pagbulong ko na lang. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na nga ang sinasakyan kong taxi sa harapan ng isang pamilyar na building. Isang makahulugan na ngiti ang ibinigay ko sa taxi driver bago bumaba. Maingat na inilibot ko pa ang aking tingin bago nakapamulsang naglakad patungo sa entrance ng building na iyon. Kaso bago pa ako makapasok ay agarang iniharang ng gwardiya ang maskuladong katawan niya sa pintuan. "Ako ito..." maangas na pagpapakilala ko naman bago tinanggal ang tumatakip sa aking mukha, "Ang poging pogi na si Jaxson Alcones," dagdag ko pa at nagsagawa ng 'pogi' sign at nagbigay ng isang malanding kindat, "Namiss mo ba ako, Kuya Fredo?" Ngunit aa aking ginawa na pagpapakilala ay parang robot lamang ito na umatras mula sa pagharang sa pintuan. Dahil doon ay napahiya na napakamot ako sa aking batok. Mukhang bigo na naman ako na mapatawa si Kuya Fredo. "Tch. Balang araw ay mapapatawa rin kita," hindi sumusukong paghamon ko pa kay Kuya Fredo. Pagkatapos ay iiling iling na nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa loob. Ngunit laking gulat ko nang bumungad sa aking harapan si Agent Virgo na tila kanina pa inaantay ang pagdating ko. "Teka ano ba ang ginagawa mo rito?" nagtataka na tanong ko sa kanya, "Tsaka paano mo nalaman na darating ako ha?" Pinagtaasan naman ako ng kilay ni Agent Virgo. "Malamang pinasusundo ka sa akin ni boss. Alam niya na kaysa dumiretso ka agad sa kanyang opisina ay kukulitin mo rito si Kuya Fredo," pairap na paliwanag naman niya. Hindi ko naman maitatanggi ang bagay na iyon. Nakagawian ko na kasi ang kulitin si Kuya Fredo tuwing magagawi ako sa aming headquarters. "Urrgggh! Fine, fine," pagsunod ko na lang sa kanya at nagtungo sa tapat ng elevator, "Pero may ideya ka ba kung bakit bigla pinapatawag ako ni boss? Wala naman ako maalala na may nilabag akong rules." Hindi naman umimik si Agent Virgo para sagutin ang tanong ko na iyon. Doon, nahuhulaan ko na hindi ordinaryo ang panibagong misyon na ibibigay sa akin. Nang makarating kami sa top floor ay laking gulat ko na makita na naroroon din ang iba pang top-ranked secret agent ng NIA. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero ako ang siyang Rank 1 na secret agent ng NIA. At wala pang misyon na hindi ko napapagtagumpayan. Kaya ganoon na lang ang laki ng tiwala sa akin ni Boss Libra para ibigay sa akin ang mga importanteng misyon. Ngunit sa oras na ito ay tila iba ang bigat na tensyon na pumapaikot sa buong opisina. Lahat sila ay may mga seryosong ekspresyon sa kanilang mga mukha at hindi nag-iimikan sa isa't isa. And that's very weird. "Boss, I'm back!" masayang pagbati ko na lamang kay Boss Libra sa pag-asa na mawala ang tensyon na iyon, "Nakabalik na ang pogi niyong agent na si Agent Fang!" Ngunit kaysa mapagaan ko ang tensyon sa aming paligid ay tila mas pinalala ko pa ito. Napailing tuloy ng kanyang ulo si Agent Virgo at pwersahan na ibinababa ang kamay ko. Nagtataka na inilibot ko naman ang tingin dahil sa mga inaakto nilang iyon. "Tch. Anim na buwan lang naman ako nawala ah. Ano ang mga nangyari sa inyo? Uy ngiti ngiti rin kayo riyan," pag-udyok ko pa sa kanila. Kaso nang harapin ko ang iba kong kapwa na agent ay agarang mga napaiwas sila ng tingin sa akin. "Agent Fang," seryosong pagtawag sa akin ni Boss Libra. Dahil doon ay agarang napatuwid ako sa aking pagkakatayo. "Y-Yes boss!" "I want to congratulate you for completing another Class S mission. We are also very glad that you are finally back with us," seryosong sambit ni Boss Libra, "You came back at the very right time." Sinasabi ni boss na masaya siya sa pagbabalik ko pero wala naman ako makita na tuwa sa mukha niya. Kulang na lang ay isipin ko na namatayan kami para umakto sila nang ganito. Gayun pa man ay seryosong hinarap ko na ang tingin ni Boss Libra. "Sorry boss pero ano po ba ang sitwasyon para biglaan na ipatawag niyo ako?" direktang pag-alam ko na lang. Kaysa sagutin ang mga tanong ko na iyon ay may iniabot sa akin na isang makapal na envelop si Boss Libra. Agarang tinignan ko naman ang laman ng envelop na iyon. Kaso biglang nanginig ako sa matinding galit nang mapag-alaman kung ilang failed mission ang nilalaman nito. Lahat ng mission na iyon ay ginawa ng bawat top-ranked secret agent na naririto ngayon. "Hey, hey, hey, are you f*****g kidding me?! Paano kayo naungasan sa sandali na nagtungo ako sa Canada? Kinakalawang na ba ang mga top-ranked agent ngayon ng NIA?" pagwawala ko. Agarang napayuko naman ng kanilang ulo ang mga kasama kong agent. Kita ang pagsisisi nila dahil sa nagawang kapalpakan sa ilang buwan na nawala ako sa bansa. Tinapik naman ako ni Agent Virgo sa aking balikat para pakalmahin ngunit matalim ko lang din siya tinignan. Dahil siya na Rank 2 ng NIA ay nagkaroon din ng failed mission. "Agent Fang, nagkakamali ka. Walang problema sa ating ahensiya. Sa katunayan ay hindi sila tumigil sa kanilang pagsasanay para maging kasing husay mo sila," seryosong pagbibigay alam ni Boss Libra sa akin, "Sa halip ay mag-ingat ka sa rookie agent ng PIA." "R-Rookie agent?" nalilitong pag-ulit ko, "What do you mean?" Lalong bumigat ang tensyon sa paligid nang mabanggit ni Boss Libra ang tungkol sa rookie agent ng Philippine Investigation Agency (PIA). "Baguhan pa lang siya pero nakitaan na siya ng kagalingan sa pagtapos ng kanyang mga misyon," pagbibigay alam sa akin ni Boss Libra, "At sa loob ng anim na buwan na wala ka ating bansa ay limang malalaking kaso ang natapos niya." Mariing napakuyom ako ng kamay sa aking napag-alaman. Base sa kanilang reaksyon ay talagang magaling ang rookie agent ng kalabang ahensiya. "Boss... Ipinatawag niyo po ba ako para balaan sa rookie agent na ito?" paghula ko. Iniling ni Boss Libra ang ulo niya pagkatapos ay may panibagong envelop na iniabot siya sa akin. "Alam ko na kakabalik mo pa lang ng bansa pero kakailanganin ko muli ang tulong mo para tapusin ang panibagong Class S mission," seryosong pagbibigay alam ni Boss Libra. Agarang napangisi naman ako sa narinig. Mukhang maagang makakaharap ko ang rookie agent na iyon. "Nais niyo na unahan ko ang rookie agent sa pagtapos ng misyon na ito," hinala ko sa dahilan ng pagbigay sa akin ng Class S mission. "Tama ka, Agent Fang. Gusto ko na maunahan mo siya," paghayag ng totoong intensyon ni Boss Libra, "Iyon ay dahil unti unti nakwe-kwesyon na ang kahusayan ng NIA nitong nakaraang mga buwan. At para malaman kung anong ahensiya nga ba ang mas magaling ay binigyan tayo ng magkaparehong misyon ng gobyerno. Kaya hinding hindi tayo maaaring maunahan ng PIA dahil dito nakasalalay ang reputasyon ng NIA bilang pinakamagaling at mapagkakatiwalaan na intelligence bureau ng bansa." Doon ay naunawaan ko kung gaano ka-importante ang panibagong misyon na ito. Kung bakit agaran ako pinatawag ni Boss Libra kahit kakabalik ko pa lang ng bansa. Dahil bago pa lumala ang away sa pagitan ng dalawang ahensiya ay pumagitna na agad ang gobyerno. "Kaya Agent Fang, umaasa kaming lahat na ikaw ang magsasalba sa imahe ng NIA. Talunin mo ang rookie agent na si Agent Chameleon at iuwi mo ang tagumpay sa Class S mission na ito." "Makakaasa kayo sa akin, Boss," buong kompiyansa ko naman na pagsagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD