SIMULA
"Totoo ba talaga 'to?" bulong ko habang nakatingin sa kasulatan ng kasal na nasa harap. Hindi naman siguro peke ang mga papel na ito, 'di ba? Kailangan nga lang namin itong gawin dahil masama ang pwedeng mangyari kapag inisahan kami.
Pero gusto ko ba talagang ikasal?
Pinunasan ko ang tumutulo kong pawis at itinaas ang tingin. Hay naku! Bakit ba ako kinakabahan, e papel lang naman ang magiging asawa ko?
Pwede namang magpatuloy siya sa kanyang buhay na para bang wala lang akong kinalaman, at ganoon din ako sa kanya. Pakakasalan ko lang naman siya dahil kailangan namin ang kanilang suporta. Napatango-tango na lamang ako habang kinokumbinsi ang sarili.
Apat lang kaming tao dito. Ang huwes, ako, ang papakasalan ko, at ang tagapagsalita nito. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang habang paulit-ulit na binabasa ang kasulatan. Namamalamig ang kamay ko at hindi mapigilang itong lumambot habang hawak ang ballpen.
"Akala mo ba talagang talo ka dito? Ang guwapo naman ng magiging asawa mo! Tingnan mo. Ang makapal niyang kilay, ang mata na parang nakatingin ka sa malawak na palayan, ang napakatangos na ilong, ang maladugong labi. Choosy ka pa ba?" usap-usapan ng isang bahagi ng utak ko na nagdudulot ng pag-aalinlangan.
"Hindi. Hindi 'to biro, Louie! Tignan mo. Gwapo nga, pero sobrang arogante naman. 'Yung walang ekspresyon niyang mukha, nakakatakot. Basta. Nakakatakot lahat ng nakapalibot sa kaniya!" kontra naman ng isa.
Ano ba itong pinagsasabi ko sa sarili ko? Baka mabaliw na ako.
"Wala na ba talagang ibang paraan?" gustong-gusto kong itanong sa kanila, ngunit hindi ko magawa dahil ito na nga lang ang tanging paraan upang masiguro ang pagbangon namin at wala nang iba.
Akala ko dati'y biro lang ang mga napapanood ko na kailangang magpakasal para magkasundo o ano. Pero ayon kay Master Club, may rason naman pala iyon.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang hindi sang-ayon sa Divorce, kaya ang pinakamahalaga at pinakabanal na paraan na magkasundo ang dalawang partido ay ang pagpapakasal. Ganito raw para deretso na sila sa demandahan kapag may problema.
Batay sa aking pananaliksik, kinakailangan ng 2-4 taon ng pag-aasawa upang mabasura ito kung walang tutol na kabilang partido. Kaya mas tatagal pa ang proseso kung sakaling may mag-object. At nagkakahalaga ito ng Php 200,000- Php 500,000. Kakayanin ko naman iyon.
Kakayanin.
"May gusto ka bang sabihin, Ms. Montero?" tanong ng tagapagsalita sa akin.
Umangat ang isang kilay ng lalaki, parang nagiging sabik na sa aking pirma sa kontrata. Hindi ako agad sumagot. Sa halip, muli kong tinitigan ang kontrata na nakahain sa harap ko.
"Are you going to sign the contract, Ms. Montero? The boss is waiting."
Tinitigan ko ito at binigyan ng matinding titig. Naisip ko, paano kaya kung biglaan ko na lang siyang iurong? Hinigop ko nang malalim ang hininga at nagdesisyong pumirma na. Kakayanin ko ito, para sa aming organisasyon.
Bawat patak ng tinta sa papel ay tila ba sumisimbolo ng takot at kaba sa aking puso. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng pirma ko na puno ng ganitong damdamin.
Marahil, ituring ko na lang itong kasal na parang walang kabuluhan. Pero magiging okey kaya ito sa lalaking ito? Nakita ko ang malalim na paghinga ng tagapagsalita nang mapansin niyang pinirmahan ko na ang kontrata.
"Ms. Montero, we are not the ones who will benefit from this contract but your organization."
Oo na, alam ko. Hindi naman ako tanga. Medyo nagmumuni-muni lang ako sa huling mga oras na single pa ako. I will miss checking "single" as my civil status in paperwork. Huhu. Tumigil ang aking pagmumuni-muni nang magsalita ang huwes.
"As the contract was signed with the both of you, I will now announce Mr. Iverson Jade McGregor and Ms. Natasha Louie Montero as husband and wife! Congratulations!" wika ng huwes, habang inaabot ang kanyang kamay upang makipagkamay.
Aabutin ko sana ang kanyang kamay nang may biglang tumikhim. Tumayo siya at siya mismo ang nakipagkamay sa huwes. Sa kanyang marahang pagtayo, biglang lumitaw ang nakakatakot at malamig na ngiti sa kanyang mukha.
Kahit ako, may kabang nararamdaman sa kanyang ngiti. Ano ba itong naiisip ko? Para siyang isang malaking paalala na may nakasulat na 'BABALA'.
Matapos makipagkamay, inilapit niya ang kamay niya sa akin, kaya napaatras ako sa kinauupuan ko at siya'y nagulat sa aking reaksyon. Bigla niyang kinuha ang aking kamay.
Akmang hihugot na siya ng singsing na nakalagay doon nang mabilis kong inilayo ito sa kanya.
Ang purity ring!
"Hindi mo pwedeng kunin 'yan!" halos mapasigaw ako sa gulat. Sinalubong ko ang matalim niyang tingin. Kinuha niya ulit ang kamay ko at nataranta ako.
"Anong gagawin mo? Hindi mo pwedeng kunin 'yan sabi eh!" giit ko rito pero hindi niya ako pinansin at patuloy na kinuha ito.
Ano ba? Baka iisipin ng judge na nag ano na kami kahit hindi pa kami kasal, ah? I don't do premarital s*x!
To the highest level ang pagkabingi, ano? At kinuha talaga!
" Do you want the whole world to know that you're still pure?" malamig niyang tanong at mariin akong tinitigan.
Naipilig ko ang ulo ko. Is there something wrong with that? What the hell?!
"Why do you care?"
Kinilabutan ako nang makita ko ang pagguhit ng nakakalokong ngiti sa labi niya.
"I don't want idiots to target my wife of their unholy thoughts just because she is displaying her purity to the universe."
Natahimik ako sa sinabi niya. Is it really evident that this is a purity ring?
Magrerebelde pa sana ako kaya lang naisip ko kung ano pa ang silbi ng misyong ito at ipinadala ako. Parang barter lang. Ang kapalit ng tulong nila ay ako. Napabuntong hininga ako sa sobrang inis.
I guessed I have to forget about my free will from this moment on, right?
Marami pa namang ibang magandang assassin bukod sa akin. Bakit ako pa?
Pinalitan nya ito ng isang singsing na may napakaraming nagkikislapang mamahaling mga bato. Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong hindi ito maganda. Mas maganda nga ito sa dating singsing ko.
" You should put it on me also," utos pa niya at inilabas ang isa pang singsing na katulad nang sa akin. Ngumuso ako at kunot ang noo na isinuot ito sa kaniya. Nakaluhod siya sa harap ko kaya mabilis ko itong naisuot sa daliri niya.
Habang ginagawa ko iyon ay nakayuko ako kaya hindi ko alam na nakatitig pala siya sa akin. Our eyes met kaya sinungitan ko siya. Itinulak ko ang kamay niya na para bang sinesenyasan siya na umalis na sa harapan ko pero kabaliktaran ang ginawa niya.
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko na halos gahibla nalang ang layo. Ang kamay ko naman ay awtomatikong napataas para itulak siya pero mukhang napaghandaan na niya na gagawin ko iyon at nahuli niya ang kamay ko. Ang bilis ng reflexes niya!
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang malambot niyang labi. Nakaramdam ako ng pangingisay dahil parang may kuryente na dumaloy mula sa katawan niya patungo sa akin.
Habang nawawala ako sa pokus ay pinalaliman niya ang halik niya. Sinubukan kong magpumiglas na umasang makakatulong iyon pero pinapalala ko lang yata ang sitwasyon.
Hinigpitan niya ang hawak sa dalawa kong kamay gamit ang isa niyang kamay at ang isa pa ay nakahawak naman sa batok ko. Hindi ko mapigilan ang mapadaing sa sakit nang kagatin niya ang labi ko para pilitin itong buksan.
What the hell?!
Mas lalo akong nahiya at pinamulahan ng pisngi nang marinig na nagtikhiman ang dalawang nalalabing tao sa silid pero mukhang wala lang iyon sakaniya. Nasa akin ang buong atensyon nito
"A man shouldn't forget to kiss his bride," bulong niya sa akin habang sabay naming hinahabol ang hininga.
Nanghihinang napasandal ako sa inuupuan ko pero nanatili ang talim ng tingin ko sa kaniya na nakangising nakatayo sa harap ko.