It's time for her to fight and to defend her right. Babangon siya at hindi siya pwedeng tapak-tapakan lang ng kung sino. Lalaban siya para sa kanyang supling na dinadala. This is not fair. Taas-noo siyang naglakad patungo sa loob ng bahay. Eksaktong nawala na ang mga bubog na nakakalat sa sahig. Ibang Levi ang naglalakad ngayon paakyat sa hagdanan. Napansin niya ang nakaawang na pinto. Hindi na siya nag-abala pang bulabugin pa ang dalawang nagtatalik. Mula sa kanyang kinatatayuan dinig niya ang mga ungol ng mga ito. She needs to fight, she needs to remain calm for the sake of her little one. Pumasok na siya sa kanyang kwarto. At mabilis na naligo. Pagkatapos ay nagpasya siyang manalangin sa Dios, humingi nang lakas ng loob para manatili ang katiwasayan ng kanyang puso't pag-iisip. Hindi