Kabanata 10

1903 Words

Malawak ang kwartong inukopa nina Levi at Mike. May kama na sa tantiya ni Levi ay king size bed. Mga ilang tao rin ang pwedeng mahiga doon. May malawak na veranda na ang pintuan ay sliding door. Tulad pa rin sa baba, gawa sa antique ang mga kagamitan. Naisipan niyang silipin ang veranda. Nang mabuksan niya ang sliding door, hindi niya akalaing nakaharap pala ito sa dagat. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin, ang amoy ng preskong dagat. Namangha siya sa kanyang nakita. Napapikit siya at dinama ang preskong hangin. Napangiti siya at iminulat ang mga mata. Saka niya naisipang bumalik sa loob. Nang iginala niya ang paningin sa paligid, hindi niya nakita ang bulto ng binata, napakunot ang kanyang noo. Nang mapatingin siya sa gawi ng kama. Nakita niya doon ang nakahilatang si Mike

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD