Zurie’s POV "OMG. Anong Feeling nang halikan ka ng isang hot na bampira na ubod ng gwapo?" "Sara, hayaan mo na muna s'ya. Tignan mo oh. Tulala. Baka mabaliw pa yan lalo sa kakatanong mo," rinig kong saway ni Ziela kay Sara. "I'm fine," agad kong sagot sa kanila. Nandito kami ngayon sa restroom at kanina pa paulit-ulit na nagpa-play sa isipan ko ang nangyari kanina. Napatingin ako sa salamin at tinignan ang labi ko. Hindi ko akalain na ganon pala ang pakiramdam ng isang halik. Sobrang lambot at lamig ng labi ni Jace. Mabilis akong umiling at huminga nang malalim. Alam kong lasing si Jace non dahil naamoy ko sa kan'ya ang alak. Isa pa, matapos n'ya akong halikan ay narinig kong may sinabi s'yang "Faye." At pagtapos nun ay napatingin s'ya sa akin at mukhang nagulat s'ya dahil na-re