Chapter Eight

1273 Words
"Lesson no. 1 face your fears," ngiting sambit niya saakin, "Let go of your fears, 'wag mong isipin na malulunod ka just follow my lead," he looked at me from head to toe. "Cup A," bulong niya pero narinig ko. Binato ko siya ng hawak kong goggles, "Gagamitin mo ito huwag mong ihagis," inabot niya saakin 'yung goggles na binato ko sa kanya. "Shall we start?" nauna siyang lumusong sa pool, habang ako nakatitig lang sa kanya. Napalunok ako ng laway, kinakabahan ako. "Lulusong ka o hihilahin pa kita?" I rolled my eyes at dahan dahan akong lumusong sa pool. Mababa pa naman dahil hanggang dibdib ko pa 'yung tubig kaso nasa gilid lang ako. "Dito tayo sa medyo malalim," lumangoy siya papunta dun sa part ng pool na hanggang leeg niya na 'yung tubig, paano pag ako nandoon? Lagpas ulo ko na kasi matangkad siya, I shook my head, "D-dito na lang," nanginginig 'yung boses ko sa takot. Lumangoy siya papalapit saakin, "I told you let go of your fears, duwag ka pala eh!" ngising sambit niya, oo aminado ako ito lang naman ang kinakatakutan ko sa lahat eh! "I'm here para lunurin ka," sinamaan ko siya ng tingin, "Joke lang," he laughed,. "Wala akong tiwala sa'yong hayup ka!" Sasapakin ko sana siya nang hilain niya bigla 'yung kamay ko at pumunta kami sa malalim. Napayakap tuloy ako ng wala sa oras sa kanya. "Papatayin kita pagnalunod ako!" Pagbabanga ko, he chuckled. Inalis niya 'yung pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ako sa kamay. "Try to kick your legs," tinignan ko siya ng may pagtataka sa muka ko. "Don't ask me just do it," utos niya saakin, ginawa ko pero hindi naman kami umaandar nandun parin kami sa pwesto namin. "Nonsense naman eh!" "Talaga?" nakabitaw na pala siya saakin, nagpanic tuloy ako kaya muntikan na kong malunod but hinawakan niya ko. "Huwag ka kasing magpanic, nakalutang ka na," ngiting sambit niya. Pinaulit niya saakin 'yung ginawa ko kanina, marunong na kong lumutang ang saya! Hindi narin ako natatakot, paano ako magpapasalamat sa kanya? "Rin, gusto ko naman matutunan 'yung makakalangoy ako papunta roon," pagre-request ko sa kanya "Tuturuan kita, kailangan mo munang matutunan kung paano huminga sa ilalim ng tubig," isinuot niya saakin yung goggles at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Sabay tayong lulubog, inhale ka and then wag mong ie-exhale 'yan, sa ilalim ng tubig mo 'yan papakawalan and dapat sa ilong lalabas ang hangin at kapag wala ka ng hangin umahon ka na at humingang muli at kumuha ng hangin, isara mo lang 'yang bibig mo, understood?" I nodded. "1,2,3," bilang ni Rin, huminga kaming dalawa at sabay na lumubog sa tubig, sinunod ko 'yung sinabi niya at nagbu-bubbles 'yung tubig, umahon ako agad dahil wala na kong hangin. "Unti-untiin mo lang 'yung pagbuga ng hangin hindi ibubuga mo lahat at isa pa imulat mo 'yang mata mo, may goggles ka nga eh para saan pa 'yan?" sinesermonan niya ba ko? Magisa kong nilubog ang sarili ko sa ilalim ng tubig at sinunod ko 'yung tinuro niya saakin, lumubog rin siya at nagthumbs up siya saakin. Sabay kaming umahon, "Nice Mika!" he patted my head, itinabing ko 'yung kamay niya. "Hindi ako aso," lumayo ako sa kanya at lumangoy papunta doon sa gilid. Feeling ko kasi namumula na ko sa ginagawa niya, umahon na ko sa pool. "Tapos na lesson natin Mika, natuto ka ng lumangoy papapunta to another place," napalingon ako sa kanya. Na-realize kong nakaahon na ako sa pool at nakalangoy ako papunta sa gilid, nanlalaki ang mga mata ko sa tuwa at feeling ko ang lawak ng ngiti ko. Umahon na rin si Rin. "Mabilis ka lang naman pala matuto," nginitian niya ko, lumapit siya saakin at bumulong. "Sabay tayo magshower at magbihis," umakyat ata ang lahat ng dugo sa muka ko kaya inapakan ko 'yung paa niya. "Manyak ka!" sigaw ko sa kanya. He laughed boisterously. "Magshower ka na nandun na sa shower room ang lahat ng kailangan mo." Hindi ko na siya nilingon at dali-daling kinuha ang bag ko at pumuntang shower room, malapit lang naman ito sa pool, nakita ko 'yung towel, undies at uniform. "Makapag-lock nga baka sumilip," agad kong ni-lock 'yung pinto mahirap na manyak 'yung taong yun. Pagkatapos kong magshower at magbihis, hinanap ko yung thigh high socks kong itim sa bag, ang igisi naman kasi ng palda eh! Nang mahanap ko edi gora na ang lola niyo. Pagkalabas ko hinahantay ako niya ko. "Vacant natin ngayong oras na'to, pagkatapos nito academic subjects na natin," hinila niya ko at lumakad patungo kung saanman. Mahilig siyang manghila noh? "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Sa office ko," tipid na sagot ni loko. Hinila ko 'yung kamay ko kanina pa 'yan gustong-gusto na magkaholding hands kami. "Huwag ka na pumalag," lalo niyang hinigpitan 'yung hawak niya sa kamay ko, wow galing! Pagdating namin sa office niya mayroong tagadala ng pagkain niya, sosyal si loko ah may alila. "Kumain ka na," utos niya saakin. "Alam ko!" tinarayan ko siya, nilantakan ko 'yung pagkain bahala siya uubusin ko ito hindi ko siya titirhan bleh! "Pataba ka ha! Marami pang kalbaryo ang dadaanin mo mamaya," sambit niya sabay ngisi. "Hindi ka kakain?" Tanong ko sa kanya, nilapit niya saakin yung muka niya. "Concern ka? Subuan mo ko kakain ako," he smiled, 'yung nakakaasar marahas kong itunulak 'yung muka niya palayo sa muka ko. "Ang sweet mo talaga hunybunch," he said in a childish tone. "Stop saying that!" I raised my eyebrows at sumubo ng kanin sabay kagat ng BBQ. "Ayoko nga, ang cute nga eh hunybunch ko," lalo lang siya nangasar. Hindi na ko nagsalita at patuloy akong kumain, pagkatapos ng vacant namin ayun nagklase na kami, nagpakilala ako 'yun na 'yun. At sinimulan ng magturo ni Sir.Rapenas, "Magbalik aral muna tayo, since may bago wala pa siyang alam kung anong tinturo ko sa subject ko," edi ako na walang alam, ako na bobo sila na matalino dahil may alam sila sa subject niya. "What is a spirit?" tanong ni Sir, may nagtaas ng kamay at sumagot ito "A spirit is a creature in human form who is possessed by an angel," mga tanga ba sila spirit ako! Mas marami akong alam kaysa sa kanila. "Very good, another question, what is the name of the crystals that contains an angel who possess them," should I raise my hand? Alam ko 'yung sagot eh! 'Wag na baka mahalata pa ako! Na isa akong spirit, ito lang naman pala ang subject niya about sa spirit, taray naman pala, "Yes, Mr. Houtaru," tinawag siya ni Sir "Seraph Crystals, a crystal that contains an angel," sagot ni Rin sa kanya, nagpalakpakan naman ang mga hangal na classmates namin isama mo na 'yung teacher. Ang dali-dali nga lang nung tanong eh! Bobo ata mga tao rito. "Mr. Houtaru, pwede mo bang ma-tutor ang transferee natin?" Tanong nito. "Kahit hindi na kaya kong mag aral mag-isa," sambit ko, hindi na ko makapagpigil eh! "Ms. Javier alam mo bang pinapangarap ng mga babae na matutor sila ni Mr. Houtaru," tinitigan ako ni Sir. "Sila 'yun hindi ako, libog nga niyan eh," bulong ko. "May sinabi ka?" tinaasan ako ng kilay ni sir kuneha na ito, type ata si Rin Houtaru. "Wala po sir baka kasi nakakaiistorbo ako sa kanya nakakahiya po kasi," sarcastic ang tono ko, ayoko magpahumble effect. "Ok lang hunybunch ko basta ikaw tuturuan ko," he winked at me, nagsimula ng mag ayiee ang mga taglandi na kabataan now a days. "Edi wow!" Sagot ko sa kanya, nag cross arms ako. Nang matapos ang klase sa wakas nakauwi narin ako, bagsak ako sa kama ko, "Ang tagal mong umuwi!" Salubong saakin ni Nanami. "Huwag ka ng maingay pagod ako. Ma! 'Wag mo na kong guluhin matutulog na ko," sigaw ko kay mama. "Hay pagod ang lola, sige matutulog narin ako, lock ko itong pinto para safe ako," bulong ni Nanami Someone's Pov "I already installed it into her phone," she said. "Just wait for the right moment and we will know the truth," I said to her. Let's investigate
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD