• JESSICA POV • "Tatawagan ko na lang mamaya, kumakain pa tayo,” sabi nito. Hindi na ako kumibo at pinagpatuloy nang kumain. Nang matapos na kami kumain ay umuwi na rin kami agad. Nang makarating kami sa condo ay niligpit ko muna ang mga gamit sa maleta ko. Pumasok ako sa kwarto ni Rylan para kunin ang mga madudumi at basa niyang damit na ginamit sa Amanpulo. Pagpasok ko ay wala si Rylan sa kwarto niya, wala din siya sa CR. Nakita ko ang bag niya kaya kinuha ko ang mga maruruming damit para isabay na sa lalabahan ko. Paglabas ko sa kwarto niya ay nakasalubong ko siya. “Kinuha ko lang ang mga labahan mo, isasabay ko na sa lalabahan ko,” sabi ko dito pero inagaw niya ito sa akin. “Magpahinga kana, pinatawag ko na ang maid sa bahay para mag laba ng mga damit natin. Nasaan ang lahab