• RYLAN POV • “Kuya John.” Tawag ko dito. Nandito kasi siya sa balcony ko nakaupo sa sahig at nakatampisaw ang mga paa sa dagat. “Mukhang seryoso kana nga talaga kay Jessica ha?” mabilis na sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Sinabi mo na ba ‘yan sa pinsan mo?” dagdag niya patungkol kay Red. “Hindi pa, hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa kanya.” “Sabihin mo na habang maaga pa. Mas mabuti kong sa’yo niya mismo malalaman, bakit hindi mo ipakilala si Jessica sa kanya as fiancé mo? Invite niyo yung mag-asawa.” Suhesyon niya. “Naisip ko na rin yan kuya kaya lang hindi ako sigurado kung papayag si Jessica.” “Bakit? Natatakot kaba na umatras si Jessica sa kasal niyo kasi mahal pa niya si Red?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Paano kong mahal pa niya ang pinsan ko?