• JESSICA POV • “Anak. Ito lang ba lahat ang mga gamit na dadalhin mo sa paglipat mo?” tanong ni mama. “Opo ma, kompleto na ang mga gamit doon kaya mga damit lang ang dinala ko at mga importanteng gamit.” Paliwanag ko. Tumango-tango naman si mama habang si papa naman ay isinampa ang mga maleta at bag ko sa compartment ng sasakyan. “Ayos na, sumakay na kayo.” Pumasok na kami ni mama sa sasakyan, ako sa likod at si mama sa passenger seat katabi ni papa. Binigay ko ang maliit na papel kay papa dahil dito nakasulat ang address ng condo ko. Binasa niya muna ito tsaka nag type sa phone niya para i-waze ang lugar. Nang ma set niya na ito ay pinaandar na niya ang sasakyan. Mabilis kaming nakarating sa shaw boulevard. Pag liko ni papa sa gilid ng isang mall ay tinuro ko na sa kanila kung saan