CHAPTER 20: Confession ANGELIA'S P.O.V Kinabukasan ay mabigat ang katawan akong bumangon at mabigat ang dibdib ko ng gumising ako dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi pa rin matanggap ng utak ko na nagawa sa akin iyon ni Lewis dahil nagugustuhan ko na siya e, natututunan ko na siyang magustuhan kahit pa na di ko pa rin siya magawang mahalin pero ang sakit pa rin sa pride ko dahil di ko akalain na may ganitong lalaki pala ang tatrato sa akin na parang basura. Sa mga nagdaang buwan na naging magkarelasyon kami ni Lewis ay naging masaya ako dahil pinapakita niya sa akin ang importansya ko pero ngayon hindi ko na siya maintindihan dahil sa ginawa niya sa akin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ang dali ko lang pinagbigyan si Sir Leizer na angkinin ako pero pagdating
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books