CHAPTER 14: Disbelief LEIZER CHROLLO'S P.O.V "Anong balita sa gumibang bahay sa E.D subdivision?" agad na tanong ko kay Liam at nakita ko namang napabaling siya kila Joaquin at Garrett. "Sir yung mga kaibigan mo ang kumausap sa mga taong nakatira doon." "Garrett, Joaquin, any news?" seryosong sabi ko at nakita ko namang may pinakita silang papel sa akin. Si Garrett kasi ang engineer habang si Joaquin naman ang architect sa kumpanya ko at dahil sila ang naka assign sa mga bahay na nasa subdivision ay sila ang palagi kong tinatanong kapag may mga ganitong klaseng issue kung saan may mga clients ako na nagrereklamo dahil hindi raw matibay ang pagkakagawa ng mga tauhan ko sa bahay na nakatayo sa subdivisions ko. "Well, iyan ang client na nagrereklamo dahil gumuho raw yung bahay na binili