21

1831 Words
Now where are you, Heather? Lumalim ang gabi at naging okay na kami ni papa. Pinaghandaan niya ako ng paborito kong ulam at habang kumakain ay hindi ko maiwasan isipin kung nasaan ba nagpunta si Heather. Iniisip ko rin kung paano ako makakatakas dito dahil kailangan ko rin ng presensya ni Heather doon sa kabilang dimension. Baka naman kapag matagalan ako rito, ako na naman ang missing doon. Ngayon, parang ramdam ko na ang pressure kasi dalawang tao na talaga ang aking gaganapin.  Bukas na bukas talaga, babalik ako rito at pasimpleng tanongin si Logan kung ano ba talaga ang nangyari. Since, nalusotan ko naman si papa ay hindi na siya gano'n pa kaalala sa akin.  Pumasok ako sa kwarto at hinintay lamang ang oras na tulog si papa bago lumabas ulit. Tahimik lang ang gabi, puno ng mga bituin ang lahat. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at nag-travel na ako sa kabilang dimension.  I sneaked the house as if I am a thief. Luckily, hindi lock ang kusina at nakapasok ako. As I locked the door, the lights were turned on and mom's face showed up after. I screamed as she was about to hit me a chair, pero buti na lang at nahimas-himasan ito at nabitawan niya kaagad. "Heather?!!" She called me. Dahan-dahan kong binaba ang kamay kong nakatakip sa mukha ko. I awkwardly faced her and nodded my head. "M-mom," I stuttered. "Jusko! I thought you were a criminal! Ginulat mo ako!" Sigaw nito, habang hawak-hawak pa ang dibdib niya. Mukhang stress na stress ang mukha niya at hanggang ngayon ay habol hininga pa rin siya. Tinalo niya pa ako na ako naa mismo 'yong papatayin niya. Sakto rin ay nakita kong dumating si daddy na habol hininga rin. Malamang sa malamang ay tumakbo ito papunta  rito. "What happened? What happened? Bakit may sumigaw?" Taranta niyang tanong niya sa amin at tinignan mukha ni mommy. He even scanned the whole body of her, checking if may nangyari ba sa kaniya o wala. And I couldn't stop smiling because of how cute they are right now. "W-wala. Itong anak mo kasing si Heather ay bigla-biglang papasok. I turned off the lights here downstairs, and I heard some noise clutching our doorknob. Kinuha ko 'yong bangko dahil bumukas na nga at aatakihin ko na sana siya pero 'yon pala, anak mo! Muntik na akong atakihin," mahabang paliwanag nito pero ramdam ko pa rin ang kaba.  Sabagay, sobrang late na rin kasi at nandito pa ako sa labas. Malamang mapagkakamalan akong magnanakaw. "Sorry po mom," I said calmly. "And dad." "Bakit ba kasi nandyan ka pa sa labas? I thought you were sleeping," usisa ni daddy at binuksan ang ref. Kumuha siya ng tubig at ibinigay ang baso na may lamang tubig kay mommy. Kasalukuyan ay nakaupo na si mama sa bangkong binitawan niya. "Ahm, ano kasi.. nagpapahangin lang po ako," rason ko, as if naman katanggap-tanggap na rason ito. "'Yon lang? Maghahating gabi na oh, oh siya, basta sa susunod, mag-inform ka sa mommy mo. Matanda na kami Heather, madali kaming gulatin at makalimut. Kaya sa susunod ha? Kung magpapahangin ka ulit nang ganito kagabi, ipag-alam mo." Tumango naman ako sa kaniya. Tinignan ko ulit si mommy at mukhang nakakahinga na ng maluwag.  "Okay po dad, sorry po ulit." "Bumalik kana sa room mo."  Tumango ako at nilagpasan sila. Tumakbo ako papuntang kwarto at ni-locked ko kaagad ito. Napasandal ako sa pinto at huminga nang napakalalim. Ano ba 'tong pinasok ko, sobrang hirap. Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa school ni Heather. I traveled to Earth instead. Kailangan kong malaman kung nasaan si Heather ngayon kasi hindi na pwede 'to. Ilang araw na siyang nawala at hindi na normal 'yon. Kinakabahan na ako para sa kaniya, at kailangan ko na gumawa ng paraan.  Saktong pagkapasok ko sa bahay ay narinig ko ang busina ni Logan sa labas. I immediately went outside and came towards him. Lumabas siya ng kotse at naka-uniporme ito. Nang papalapit sa akin ay nakita ko kung paano hindi nawala ang kuno't noo niyang tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Really, a croptop shirt and a skirt?" He shrugged. "Bakit pa nga ba ako magtataka, 'e you have been wearing weird clothes since last week." Tinignan ko lang siya. Really? Unang bungad, aasarin kaagad? Hindi pa rin talaga nawala sa kaniya ang ganito ka-KJ. Well, I have to admit, namiss ko ang ganitong bungad mula sa kaniya. "Anyways, how are you? I am here to check up on you but seems like you are doing okay. Papasok ka ba sa school? If so, you know that hindi pwede 'yan sa school." "Hindi," diretsahan kong sagot. "May tanong lang sana ako." "What is it?" "What did you do when I was missing?" Kumunot kilay nito. I hope I am asking right. "Finding you?" Umiling ako. "I mean, the day that before nawala ako, saan ako nagpunta?" "What are you saying? You can only answer that question of yours." Napakamot na lang ako sa ulo. Oo nga naman, ang hirap kasi. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Heather. "Ah you mean, the last time I saw you?" Kaagad ako tumango. Right, right. Tama.  "Ahm, at your house, I guess. Wala ka naman iba pang pupuntahan kasi wala kang kaibigan diba?" Pang-aasar nito. Tinignan ko siya nang masama. "Excuse me, I have." "Who? Me?" I rolled my eyes. "No, it's Olivia. Hindi lang naman ikaw kaibigan ko!"  Napatawa ito nang mahina. "Oh, that woman who did not do  anything but to follow me all around? She did not even looked for you. In fact, she told me that you hate me and you were leaving me." Kumunot noo ko. "What?! I didn't say that!"  Bakit ko naman sasabihin 'yon? O kung hindi man ako, ni Heather? Why would Heather tell that when she is in love with him? Siya nga ang rason kung bakit napapayag kong mag-life swap kami ni Heather. Kalokohan. "Yeah, that is why I did not believe on her." "Bakit kaya niya nasabi 'yon sa'yo?" Napatanong ko na lang out of nowhere. He shrugged himself too. Napatingin ito sa relo niya at tinapik na balikat ko. "Alright, I gotta go! Don't worry, everyone in school knew you were missing. You are still excused." Tumango ako. "Yes please, huwag mo muna ipagsabi." He nodded his head in response. "Especially kay Olivia." Nagtaka pa ito ng konti pero tumango na lang din. Nagulat na lang ako nang ang kamay niya sa balikat ko ay napunta sa mukha ko. He carassed my right cheek and smiled at me. 'Yong ngiti na para bang sinasabi niyang masaya siyang makita ako. Then, kinurot niya ito at tumalikod na. Pinanuod ko lang mawala ang kotse niya saka ako napahawak sa pisnge ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pero para akong nakuryente kanina. Iba kasi 'yong tingin. Iba 'yong epekto na dala sa akin. I shook my head and focused on my goal. Si Olivia. Bakit kaya niya nasabi ang mga gano'n kay Logan? Sa pagkakaalam ko may gusto si Logan sa kaniya. OMG! TAMA! May gusto rin si Heather kay Logan. So that means, possibleng nahalata ni Olivia ang pagiging malapit nila Heather at Logan kaya siniraan niya ito nang nawala si Heather. OMG. Hindi ako pwedeng magkamali na possibleng mangyari 'yon. Kapag talaga tumunog ‘yong instinct ko, 99% of it were true! Hindi ko naman mararamdam ang iisipin ‘yon kung hindi kaduda-duda in the first place, right?  And proven and tested ko na ‘to.  Pero sa pagkakilala ko kay Olivia, parang hindi niya naman ata gawin 'yon? Mabait siya 'e, nakikita ko naman dahil sa pakikitungo niya sa akin. Siya nga ‘yong unang pumansin sa akin, right? Siya ‘yong unang gustong makipagkaibigan sa akin. I know what kind of woman Olivia is, parang hindi niya naman kayang mag-isip ng masama sa kapwa tao niya to the point na mawala si Heather— ako.  May pinagsamahan na kasi kami. Nagkibit balikat na lang ako at tuluyan na lumabas sa bahay. Ngunit napasamo ako sa noo nang mapagtanto ko na wala naiwan ko ang wallet sa bahay, kaya wala akong magawa kundi bumalik lang din ako kaagad dahil wala naman akong perang dala.  Katangahan mo, Heather! Hindi ko rin kasi alam kung saan ako abotin ng paghahanap kaya mas mabuti na lang na handa ako. Baka rin kasi magutom ako sa daan o ano. ‘Yong pera ko galing pa kay Heather ‘to. Pasensya kana talaga Heather, ikaw ang source of income ko ngayon. Madami na akong utang sa’yo, pero promise babayaran ko naman kaagad! Saka, konti lang naman nabawas sa milyong-milyon mong laman sa banko. Jusko!  Naalala ko tuloy kung paano ko tinignan balance niya. Literal nahulog panga ko dahil sa sobrang laking digits niya. I even thought why she has that much amount of money, then I remembered, she is a paid model. Isang brand lang ang makipag-collaborate sa mga model, milyon ang pangalan nila.  Binuksan ko ang bahay at tumakbo papuntang taas. Kinuha ko wallet ko sa kama at bumaba na. Papunta na sana ako sa pinto ngunit bigla akong napatigil nang nakita ko si Olivia sa bintana sa labas na nagmamasid. Kaagad ako tumakbo sa gilid ng bintana at sumilip sa labas. Tinitignan niya ang bahay namin, pero bakit? Namumuo ang pagdududa sa aking isipan.  Mas lalo akong nagulohan nang tuluyan na siyang pumasok sa gate namin. Nakaiwan itong bukas dahil hindi ko na siniradohan pa kanina nang pumasok ako dahil lalabas din naman ako kaagad. Kaya ngayon ay dire-diretso siyang pumasok. I immediately locked our door since nasa tabi lang naman ng bintana ang pintoan. Bumalik ako kaagad sa pagtago at ilang segundo pa lang ay narinig kong sinubukan niyang buksan ito. Tinignan ko lang ang doorknob kung paano ito mag-ingay at mag-ikot.  Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang kaba. Parang may gagawin siyang masama! "Shet!" she cursed. Tumunog phone niya kaya kaagad niya itong sinagot. "Yeah, I am here... wala ngang tao, naka-locked ang pinto..... tanga ka talaga... Paano ako makakahanap ng ebendensya laban sa kaniya?" Ha? Ebidensya saan? Nanatili lamang akong tahimik habang nakikinig sa kaniya. "What? That Heather! Ayaw niya talagang kumain?! Pakainin mo! Paano kung mamatay 'yan? Hindi tayo mamamatay tao, pilitan mong pakainin siya!" sigaw nito. Heather? Fvck. Am I hearing that name right?? Hindi ako bingi. “Malandi talagang babaeng ‘yan! Wala ngang tao sa kanila rito. Naka-locked.... what?!” ‘Wala ngang tao sa kanila rito..’ she is pertaining to my house, “sa kanila” means Heather, from her house?! At may binanggit siyang pangalan na Heather. Kung hindi ako nagkakamali, nasa kamay niya si Heather?! Ngayon?! No way! How to erase this freaking assumptions?!  "Okay, pupunta na ako diyan!" Sumilip ako at nakita siyang tumakbo palabas. Napakagat ako ng labi dahil sa iniisip ko.  Hinding-hindi kita mapapatawad Olivia kung may masamang mangyari kay Heather!

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD