Mabilis na lumipas ang isang buwan at dumating ang araw ng kanilang kasal. Kinakabahan si Alison habang nakasakay sa wedding car at naghihintay ng hudyat nang pagsisimula ng entourage. Napansin iyon ng Daddy niya kaya’t pumasok ito at tinabihan siya. “Happy?” nakangiting bati nito saka marahang hinawakan ang kamay niya. She nodded and smiled. “And nervous,” sagot niya na pinabilog ang bibig at nagbuga ng hangin. “Nandoon na ang groom at mukhang naiinip na,” sumulyap ito sa labas ng sasakyan.”I’m happy for you, anak! Dahil alam kong mahal mo ang pakakasalan mo at mahal ka rin niya.. Always know, na nandito lang ang Daddy mo anytime you need me, ok? Kahit may asawa ka na, you will always be my precious treasure, ikaw at ang Ate Sabrina mo,” emosyonal nitong pahayag. “Thank you for every