Kabanata 3

1234 Words
Kabanata 3 Nasa quarter kami naghihintay na matapos kumain ang kambal at nang kami naman ang makapagpananghalian. Standby rin kami kung sakali mang may iutos sila sa amin. “Ayokong manghusga agad, pero parang hindi nagmana ang dalawa sa ugali ng mga magulang nila,” walang emosyong sabi ni Sarah habang nakahiga sa kama niya. “Tama, huwag kang manghusga agad,” sabat naman ni Felice. “Hindi pa natin sila nakikilala kaya huwag ka munang mang-judge riyan. Malay mo, cold lang pala talaga sila pero sweet ‘pag kayong dalawa na lang ang magkasama sa kwart—“ “Ganiyan talaga ang pag-iisip ng mga nalilipasan ng gutom,” walang ganang tugon ni Sarah dahilan para ‘di matapos ni Felice ang sinasabi niya. Napabuga na lang ako ng hangin dahil nagsisimula na naman silang magbangayan. Walang araw na hindi sila ganiyan kaya nasanay na lang din ako at hinahayaan ko na lang. Hangga’t wala silang hawak na kutsilyo, bahala sila. Maya-maya pa ay dumating si Manang Helen kaya natigil ang dalawa. “Kailangan ko ng isang sasama sa kambal.” “Ako na ‘yan, Manang Helen,” mabilis na sagot ni Felice sabay tayo at pilantik ng buhok “Felicidad at your service,” aniya at kumindat pa. “Lalaine, ikaw na lang,” pagbaling ni Manang Helen sa akin. “Hindi maaasahan ang dalawang ‘to. Ikaw ang pinakamatino kaya ikaw na lang,” aniya sabay labas ng quarter. “O-Opo…” alanganin kong sagot bago nilingon ang dalawa. Kayhaba ng nguso ni Felice habang si Sarah naman ay walang pakialam. “Ilakad mo na lang ako sa kambal, Lalaine. Ikaw na ang bahalang magsabi sa kanila na may isang mayumi at kaakit-akit na dalagitang handang lumuhod sa harapan nila at isub—“ Hindi niya natapos ang sinasabi niya nang mabilis na takpan ni Sarah ang bibig niya. “Umalis ka na, Lalaine, at baka kung ano pang kabastusan ang marinig mo sa bibig ng babaeng ‘to,” sambit sa akin ni Sarah bago sila nagbangayang muli. Napabuga na lang ako ng hangin sabay labas ng quarter. Dumiretso na ako sa dining area dahil baka naroon pa sila at saktong pagkarating ko ay nakita ko silang patayo na. Sinenyasan naman ako ni Manang Helen na sumunod sa kanila. “Magandang araw po, mga señorito,” bati ko sa kanila. “Ako po si Lalaine. Ako po ang magsisilbi sa inyo ngay—“ Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang mapansin kong hindi man lang nila ako nilingon. Parang hindi nga nila napansin ang presensya ko—hindi, mas bagay na sabihin na hindi nila pinansin ang presensya ko. Naikuyom ko na lang ang kamay ko bago tahimik na sumunod sa kanila hanggang sa makaakyat kami sa ikalawang palapag. “D-Dito po ang kwarto n’yo,” sambit ko sa kanila at naunang maglakad. “Pinagtabi lang po namin ang kwarto n’yo,” dagdag ko bago binuksan ang magkatapat na pinto. “And?” Napatingin ako sa nagsalita. Mas malamig pa ang tono niya kaysa kay Sarah. Ibinaba niya ang suot na headphones at tumitig sa akin. “What’s next?” Hindi ako agad nakasagot dahil napatitig ako sa asul na asul niyang mga mata na pinaliligiran ng mahahaba at maaalon na pilik-mata. Agaw pansin din ang nunal sa ibaba ng kanang mata niya. “K-Kayo na po ang bahala pumili ng kwarto,” sagot ko at agad na ibinaba ang tingin sa sahig. “But you already arranged our things, right?” sabat naman ng isa sa mapaglarong tono. “Y-Yes po,” sagot ko bago inangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang nakangising ekspresyon ng isa. Parehong-pareho ang mga detalye ng mukha nila. Ang napansin ko lang na pagkakaiba ay ang nunal sa kanilang mga mata—ang sa isa ay nasa kanan habang ang sa isa naman ay nasa kaliwa. “So you’re telling us that we should waste our fùcking time guessing which room is for us?” aniya at nailing pa. “Save us the trouble. I’ll choose this room. And if it happens that you put the wrong luggage, then you have to rearrange it,” dagdag niya at tuluyang pumasok sa kaliwang pinto. “Then this is mine,” sambit naman ng isa at pumasok sa kanang pinto. Wala na akong nagawa nang pumasok na sila sa silid. “Hey, you maid, these aren’t my things,” kunot-noong sabi ng naunang pumasok “You swapped mine with Caden. Take these to his room and take mine from him right now,” utos nito sa akin bago nilakihan ang awang sa pinto. Tumango lang ako bago tahimik na pumasok at isa-isang nilagay ang mga damit at iba pang gamit sa maleta. Sinigurado kong maayos ang pagkakalagay no’n dahil pansin ko ang pagtingin niya sa akin habang nakahiga siya sa kama na para bang inoobserbahan niya ang bawat galaw ko. “Babalik po ako agad,” magalang kong sabi bago hinila ang maleta palabas sabay sara ng pinto. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto ng isa, at kung tama ang pagkakaalala ko ay Caden ang pangalan. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang walang kaemo-emosyong ekspresyon ni Señorito Caden. Nakakatakot ang malamig niyang ekspresyon kaya napayuko ako. “P-Pasensya na po sa abala, señorito, pero nagkamali po kami ng lagay ng mga bagahe s—“ “What are you talking about?” walang emosyon niyang sabi, dahilan para ‘di ko matapos ang sinasabi ko. “Tama ang pagkakalagay n’yo.” “Pero sabi po ni—“ “Hayden fooled you,” mabilis niyang sagot sabay sara ng pinto. Naiwan akong tulala. Ilang beses pa akong napakurap bago ko naramdaman ang dahan-dahang pagkulo ng dugo ko. Pero huminga ako nang malalim at kumatok sa pinto ni Señorito Hayden. “Señorito…” “Come in!” Muli akong huminga nang malalim bago binuksan ang pinto at marahang pumasok. Nadatnan ko siyang patagilid na nakahiga sa kama habang nakapatong ang ulo sa palad niya at ang siko naman ay nakatukod sa kama. “Sinabi po ni Señorito Caden na tama raw po ang—“ “Oh, I forgot, akin nga pala ‘yan,” nakangisi niyang sabi kaya mas lalong kumulo ng dugo ko, pero hindi ko pinahalata. Tipid lang akong ngumiti sa kanya. “Arrange them again,” dagdag niya. “Okay po,” tugon ko at lumuhod sa sahig at sinimulang ilabas ang mga gamit niya at isa-isang ibinalik sa cabinet. At habang ginagawa ko ‘yon ay bigla siyang lumapit sa akin at marahas na hinablot ang damit sa pinakailalim, dahilan para mahulog sa sahig ang mga nasa ibabaw. “Oops, my bad. Ayusin mo na lang ulit.” Kinuha ko ang mga nahulog na damit. Damang-dama ko na ang gigil pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Huminga ako nang malalim bago umupo nang maayos sa sahig at sinimulang tupihin ulit ang nga ito. Sinigurado kong nakatalikod ako sa kanya dahil baka hindi ako makapagtimpi at makalmot ko siya sa inis ko. Maya-maya pa ay natigilan ako sa ginagawa ko nang nay tumama sa likod ko. “Wash those…” rinig kong sabi ni Señorito Hayden kaya napalingon ako para sana tingnan kung ano ang inihagis niya, pero napatili na lang ako nang sumalubong sa akin ang ginagawa niya— —naghuhubad siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD