bc

If You're Not The One (COMPLETED)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
7.5K
READ
love-triangle
kidnap
CEO
student
drama
straight
genius
campus
office/work place
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Sa bilyong bilyong Tao sa buong mundo paano mo masasabing siya na nga ang nakatadhana para sayo?

Siya na nga ba na sa iyong buong akala na true love mo? Paano kung ang lahat ay umaasa na sa huli ay kayo talaga ang magkakatuluyan?

Sapat ba na puso ang iyong pakinggan? Paano kapag Hindi siya ang nakalaan para sayo? Sasabihin mo bang "If you're not the one, then why...why...why"?

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang puso na pagtatagpuin sa di sinasadyang panahon at pagkakataon.

Ang ating pangunahing tauhan ay si Rosemarie na punung puno ng positibong pananaw, mapagmahal at pursigido sa bawat pangarap na gusto niyang maabot sa buhay.

Si RJay naman ay matalino, gwapo at selfless pagdating sa pagmamahal. Tunghayan natin ang magiging kwento ng kanilang buhay pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Pangarap Ka Na Lang Ba?
"Dumating na ba sa point ng buhay mo na gusto mo ng sumuko"? sambakol ang mukha na tanong ni Rosemarie sa kaibigang si Anna na abalang abala sa pagsasagot ng assignment. "Ano na naman bang drama yan Rose? Alam ko na gutom lang yan. Sandali at kukuha ako sa kitchen. "ani ng kaibigan at mabilis na pumunta sa kusina ng kanilang bahay. Simula elementary hanggang ngayong pumapasok sila sa isang college university ay magkasama pa rin sila ng kaibigang si Anna. Lahat ng kinatutuwaan, kinaiinisan at kinagigiliwan ay alam na nito. Mula sa family matters, lovelife at maging sa mga pangarap niya ay alam na alam na ng kaibigan. "Rose, ano na naman ba ang problema?"tanong nito sabay abot ng isang basong juice at sandwich. "You know me very well Anna na di ako agad sumusuko. Gusto ko ng makagraduate agad dahil gusto ko mag abroad. Para makahanap ng trabaho na malaki ang sahod" aniya. "Para sa pamilya mo" matabang na tugon ng kaibigan. "Para Kay Mama. Nagiging sakitin na siya ngayon eh. Ayaw ko na nga siyang magtrabaho kaya lang paano namin mababayaran yung mga utang namin?". "Pag aabroad ba talaga ang sagot sa problema nyo? " Napabuntong hininga siya ng malalim. Kung bakit kasi iniwan sila ng Papa niya. Di sana'y may katuwang ang kanyang Mama sa buhay. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay na siyang tutulong para guminhawa ang kanilang estado sa buhay. Di naman talaga sila dapat naghihirap kung kasama lang nila ang kanilang Papa. Naghiwalay ang kanyang mga magulang ng siya ay grade 6 at graduating sa elementary. Sadyang ikinatampo niya iyon ngunit patuloy siyang umaasa na babalik ito sa kanilang piling. "Kung makakahanap ako agad ng work dito sa Pinas eh di muna ako mag aabroad. Dalawang kapatid ko ang kailangan Kong tulungan na makatapos. "Sagot niya. "Okay. Okay. Pero bessy I enjoy mo dapat ang mga moments na nag aaral ka pa with me. Kasi tiyak ko kapag graduate na tayo at nagtatrabaho na, di ka na pwedeng maabala. " "Oo nga no? Teka. Sportsfest na ba natin? " "Tingnan mo pati activities sa school nakakalimutan mo na. " napapailing na sabi ni Anna. "Pero bessy kumusta na kayo nung crush mo? " sabay iba into ng usapan. Biglang nagbago ang ekspresyon mg mukha niya. Napapangiti siya dahil sa pagkakasambit ng crush niya. "Yun crush pa din. Alam mo naman di ako mapapansin nun. Kilalang kilala sa campus yun eh. As if naman pag aaksayahan niya ako ng oras. " "Bessy, crush lang di ba? Atleast doon man lang di mo maisip ang mga problem a mo." "Oo nga no? "Pagkasabi noon ay bumalik sa kanyang balintataw ang unang pagtatagpo ng taong sobrang hinahangaan niya. Nagmamadali siyang pumasok sa school ng araw na iyon. Kung bakit kung kelan siya nagmamadali saka naman umulan at nakalimutan niya magdala ng payong. Sumilong siya sa isang waiting shed para magpatila ng ulan. Medyo siksikan sa dami ng Tao doon. Para siyang itinatapon sa kung saan dahil sa kakabangga sa mga naglalakihang nakatayo at nagpapatila din. "Hay, naku! Kung di lang matatanda sa akin tong mga to, siniko ko na to eh! "Sigaw niya sa kanyang isipan. Napausog siya ng kaunti sa likod sanhi ng pagkakatulak sa kanya ng isang matangkad na lalaki. Siguradong konting tulak at siko pa ay tuluyan na siyang lalabas ng waiting shed. Sobrang lakas pa naman ng ulan. Di na siya makagalaw sa kinatatayuan niya at pinagdasal na lamang na tumila na ang ulan. Sa di kalayuan, may isang estranghero na kanina pa siya napapansin. Kung ilang beses ba naman na parang binabalibag na siya ng mga tao doon. "Lord, patigilin niyo na po ang ulan. Lord maawa na po kayo sa akin. Malelate na po ako at alam ko naman po na ayaw nyo ako maging palaman na lang dito" aniya. Saktong pagdilat ng kanyang mga Mata ay titilapon na siya. Pumikit ulit at naghihintay na lamang na mabasa sa rumaragasang patak ng ulan. n"Pag minamalas ka nga naman talaga oh. Bahala na mabasa sa ulan! " Hinintay niya na mabasa siya pero making gulat niya ng may mga bisig na yumakap sa kanya sa pagpipigil na tumilapon siya palabas. Di siya makapag react agad. Parang tumigil na ang mundo niya. "Shocks! Ang gwapo! Lord wag niyo na po patilain ang ulan! "Nakatitig siya dito at kitang kita niya kung paano mag slow motion ang paligid. "Na sa langit na ba ako?! "Dagdag pa niya. Nang tingnan siya nito animo'y matutunaw siya. Lalo pang nagliwanag ang langit ng ngumiti ito sa kanya at siya naman ay hanggang buhok ang kilig. "Okay ka lang ba Miss? "Nag aalalang tanong nito sa kanya. "Ah.... "Muli na siyang bumalik sa katinuan sa napakahabang sandali ng pagkakatitig sa lalaki. "Okay lang.... Okay lang ako. Pasensya ka na. "Apologetic niyang sabi. "Miss sa susunod magdadala ka ng paying ha? Para di ka nakikipagsiksikan dito. "Sabi nito na may pagkasuplado ang tono. At iniwan na siya nito hudyat na tumigil na ang ulan. "Ay, iniwan ako. Okay lang ang gwapo naman eh! " "Hoy, hoy, HOY ROSARIO MARIA!!! "sigaw ni Anna sa tulalang nagde-daydreming na kaibigan. "Ay!!! Nasan na siya?!!! " "Bessy, tulala ka na naman diyan eh. Tara na nga at baka malate pa tayo. " "Ikaw talaga bessy panira ng pagde-daydream ko no?! " "Tara na! Kapag crush talaga ang pinag uusapan nawawala ka sa sarili mo. " "Ito naman. Di ba ang sabi mo pangpawala ng problema ko? " "Okay. Kapag nalaman mo na ang pangalan ng sikat na gwapong crush mo saka natin pag usapan. " Hapon ang pasok nila dahil araw ng Sabado. Madalas siyang pumupunta sa bahay ng kaibigan upang sabay sila pumasok. Nasa gate pa lang sila ng campus na pinapasukan ng matanawan ang isang pamilyar na mukha. "Bessy, sure ka ba na dito rin nag aaral yung hero mo? "tanong ni Anna. "Nakita ko sa suot niyang ID. Di ko lang alam kung anong course nya. "sagot niya at biglang hinila si Anna sa gilid ng gate. "Teka, teka! Bakit mo ba ako hinihila? "reklamo nito "Sandali lang. Nakikita mo ba yung lalaking matangkad? Ayun oh, ayun oh. " "Yung katabi ni Allysa na sikat sa Cheer dance? " "Oo, siya nga. " "You mean siya... Siya yung crush mo?! " "Oo, wag ka na maingay. Nakakahiya eh! " "Grabe ka bessy di mo kilala yung lalaking yun?! " "Hindi eh. " "Siya lang naman ang tinitilian ng mga babae dito sa campus dahil bukod sa mayaman, matalino, gwapo at MVP sa basketball! " "Ganoon ba? Sigurado ako na di na niya ako mapapansin. " "Paano mo nga pala nasabi na sikat siya sa school if di mo siya kilala? "nagtatakang tanong ni Anna. "Hula ko lang... "napapailing na tiningnan siya ng kaibigan. "Nagkatotoo ang hula mo. Tara na. Pasok na tayo. " Pumasok na sila sa loob ng school. Palinga linga pa siya at nagbabakasakaling makita ang unang nagpa slow motion ng kanyang paligid. Ngunit malapit na siya sa room nila ng walang "crush" na nakita. Yumuko siya saglit upang pulutin ang nahulog na ballpen ng di inaasahang may mahawakang kamay. "Ay, malaking palaka! "gulat niyang sabi at bigla siyang napatitig dito. Laking gulat niya ng mapagsino ang NASA kanyang harapan. Ang kanyang ultimate crush! "Grabe naman makatitig ito! Tagos na tagos mga bes! Ang gwapo!!! " tili ng kanyang isipan. "You look familiar... "anito habang inaalalayan siyang tumayo. "Ah. Ako yung... " aniya ng biglang may nagsalita sa likuran ng binata. "RJay what took you so long? " boses ng isang babae. "Your pen. " anito sabay about sa kanya. "Thank you. " nasabi na lamang niya habang tinatanaw ang mga yabag nitong palayo sa kanya. "HA...... Y sabi ko na nga ba di mo ko matitiis eh. Nagpakita ka rin sakin." sabi niya sa sarili. "RJay pala ang pangalan ng magiging prince charming ko! " dagdag pa niya at saka tuloy tuloy na pumasok sa kanyang room. Uwian na. Nagpaalam siya Kay Anna na mauna ng umalis ng campus dahil maghahanap pa siya kung saan pwede magpart time ng trabaho. Kailangan niya iyon para naman kahit papaano makatulong sa Mama niya. Konting pagtitiis na lang makakagraduate na siya. Kaya pipilitin niya talagang makapagtapos. Very aggressive siya na maabot ang pangarap niyang maging isang successful businesswoman kaya Business Administration ang course na tini-take niya sa college. Maganda ang academic standing niya. Kung di nga lang siya busy sa paghahanap ng mapagtatrabahuhan at focus sa pag-aaral malamang candidate siya pagiging cumlaude. Subalit wala yun sa isip niya. Alam niyang iba ang aktuwal na trabaho sa pag-aaral. "Miss! Miss!Miss!"tawag ng isang pamilyar na boses. Lumingon siya ng makita ang napakagwapong mukha sa kanyang paningin. "A... Ako ba ang tinatawag mo? "nauutal niyang tanong. "Yes, ikaw nga. "tugon ng binata. "Bakit? May kailangan ka ba sakin? "nagtataka niyang tanong. "RJay nga pala." "Rosario Maria .But you can call me Rosemarie. " pagtanggap niya sa nakalahad nitong kamay. "Ah Rosemarie. Actually, my team is looking for a muse. You know naman siguro na I'm part of the basketball team and same tayo ng course. "sabi nito "Muse?! Teka, bakit ako? Marami naman iba diyan na willing at halos magpakamatay para maging muse ng team nyo di ba? " "Ikaw yung nagustuhan ko... " "Talaga gusto mo ako?!" Natulala na naman siya at nagsimulang bumagal ang galaw ng kanyang paligid. Sigaw ng kanyang isip. "Gusto mo ako? Este... Ako yung gusto mo maging muse at bakit naman? " pakunwa'y reklamo niya dito. "Yeah. And for no reason. " "Ah. Kasi gustuhin ko man di pwede eh. Kailangan ko maghanap ng part time job. " "Okay. I'm willing to pay you. " "Ha? Sigurado ka?" "But of course. So is it yes or no? " "Sige. Anong gagawin ko at kelan ako magsisimula?" "First, give me your number." "Sige. Ito oh. " sabi niya matapos ibigay ang phone niya. "Thanks. Second, wait for my call and third, dapat you need to be always by my side. " mahaba nitong sabi. At bigla na lamang siyang iniwan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
41.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.0K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook