Chapter 27

3131 Words
"I told you malalasing siya!" I sternly whispered to Asher as we peeked through the spaces between the shelves in their study room. Dito yata ako mamamatay sa mansion na ito. Una, muntik na akong literal na nawalan ng malay nang bumukas ang gate nila at nakita ko kung paano sila nagwaldas ng pera sa isang mala-palasyong bahay at kung gaano sila kayaman para makayanan nilang magpatayo ng ganito. Of course, it's not my first time seeing a luxurious house. Malaki rin ang kina Camilla, at marami riyan sa internet ng naggagandahang mga mansion. But this?! This is different. I mean, it's Asher's! Hindi ito pag-aari lamang ng isang estrangherong bilyonaryo, o di kaya'y isang kilalang personality. My God and my glory, katabi ko ang anak ng may-ari. Hindi lang basta katabi, soul mate ko! I just can't- oh my God I can't imagine. I knew that this family is rich, but I didn't expect it in this extent. Grabe lang. Lalo kong naramdaman kung gaano siya kalayo sa akin, kung gaano kalaki ang agwat naming dalawa. At pangalawa, anak ng tupa, nang makarating kami rito ay napansin naming pumasok sa malawak na study room ang daddy ni Asher. Sumunod kami. Pero nang nakapasok kami, saka lang namin napansin ang bukas na bote ng alak sa kamay nito at papunta na sa lamesa kung saan may iba pang mga alak na naka-display. Agad akong hinila ni Asher sa isa sa mga bookshelves para magtago. Gusto ko na lang magmura. Akala ko ba hindi nakakatakot? Akala ko ba walang magiging problema? E mukhang ultimo siya ay takot dito! Scam si Asher. Scam! "Hindi pa naman lasing, e. He haven't started." "Kung ganoon, bakit tayo nagtatago?" mariin kong tanong kasabay ng mahina kong pagkurot sa kanyang tagiliran. Tahimik siyang napadaing. "Let's observe first." Anong observe observe pa pinagsasasabi nito? Sabay kaming napaurong nang biglang may sumilip na katulong sa pintuan at kinuha ang atensiyon ng daddy niya na ngayo'y nagsisimula nang magsalin ng alak sa kanyang kopita. "Sir, may bisita po kayo. Paghintayin ko po ba sa sala o papuntahin ko rito?" Ooff, mission failed! "Paano pa natin siya makakausap?" problemado kong tanong kay Asher, pero nanatili siyang nakamasid. "Papasukin mo na lang dito," maawtoridad na wika ng ginoo. His voice is deep and cold. Nakikita ko na ang magiging boses ni Asher pagtanda. We remained in our place as I mentally cursed. Of all possible times, bakit ngayon pang may bisita?! Wala kaming nagawa kun'di manatili sa aming pinagtataguan hanggang sa bumalik ang katulong at binuksan ang pinto, iminuwestra ang bisita papasok. And when I the visitor slowly entered and we had a full access of her face and figure, I almost lost my balance out of confusion and shock. Tita Celia?! * * * Celia's point of view Walking towards the golden mansion brings nostalgia. Lumipas ang panahon, halos walang nagbago. Magara pa rin. Naaalagaan ang mga halaman sa hardin. Ang buong lugar ay parang isang buong mundo. Mundo na hindi ako kabilang. Mundo na naging mahalaga sa akin, pero hanggang ngayon ay lagi ko pa ring titingalain. "Ang tagal na kitang hindi nakita. Bigla ka na lang nawala noon." Ngumisi ako at patagilid na tiningnan ang matandang hardinero na siyang nagpapasok sa akin. Matagal na siya rito kung kaya't kilala niya ako. "Maganda pa rin naman ako, di ba, lolo?" pabiro kong tanong saka ko ito binuntutan ng medyo malakas na tawa. Nakitawa na rin siya. "Walang kupas, anak. Kumusta ka naman? Buti napadalaw ka." Bahagya kong tiningala nga tuktok ng mansion at ang maaliwalas na kalangitang mistulang pumaibabaw rito. "May importante lang po akong gustong sabihin kay Diego." Nang ibalik ko ang tingin ko sa mtanda ay nakatitig lang ito sa akin. Hindi ako psychologist, pero dama ko sa mga mata niya ang maraming katanungan, lungkot, pagkadismaya. "Ano ulit ang tawag sa-" "Celia, lolo," agap ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. "Celia na po." Ayaw ko nang tumagal pa ang usapan namin kaya tinanong ko na agad kung saan ko puwedeng makita o makausap ang amo niya. "Saglit, tatawagin ko si Myrna." Myrna. Narito pa rin pala siya. Pumasok siya at naghintay lang ako sa labas, sa ibaba ng hagdanan paakyat sa kanilang malaking pintuan. Nagmasid ako sa paligid. Mula pa noon, maganda na ang mga landscape sa mansion na ito. Habang iniisip ko ang hitsura ng paligid ilang taon na ang nakalipas ay bigla akong may naalala. Tumakbo ako papunta sa iba pang parte ng hardin na nasa gilid ng mansion. At nang makita ko ang malawak na lupa na puno ng puting matitingkad na rosas, halos manlambot ang mga tuhod ko sa panghihina. Twenty-three years ago, I am here, in the same garden where I am now. Isa ako sa mga hardinera, at may isang tusong anak na lalaki ang amo ko na nagpatanim dito ng pagkarami-raming puting rosas. Oo, si Diego. Bahagya akong yumuko para haplusin ang mga talutot. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. "Celia?" Napatayo ako nang marinig ang pamilyar na boses. Pagharap ko ay nakita ko ang halos walang ipinagbagong hitsura na si Myrna, isa sa mga kaibigan kong katulong noon sa mansion na ito. Ngumiti ako nang tipid kahit na gusto ko na siyang sugurin ng yakap. Nang makumpirma na ako nga, mabilis pa sa kidlat na tumakbo siya palapit sa akin at siya na nga ang nagkulong sa akin sa kanyang mga bisig. Yumakap ako pabalik. Tumagal iyon at hinayaan ko lang siya. Pareho kaming walang imik hanggang sa naramdaman ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat habang nakayakap pa rin sa akin. Lumayo siya at nakita kong hilam na siya ng luha. Bigla niya akong hinampas. "Bakit bigla kang nawala?! Hindi ka man lang nagpaalam. Nalaman ko na lang kinabukasan, wala ka na. Saan ka nagpunta? Anong nangyari? Palagi akong bumabalik sa tinitirhan mo noon pero sabi ng kapitbahay mo na ilang taon ka nang wala roon. Nakakainis ka!" Lalo pang lumakas ang iyak niya pagkatapos ng mahaba at halos hindi maintindihan na litanya niya. Marahan ko siyang hinaplos sa balikat para patahanin. Wala nang silbi para sa'kin ang iyakan ang nakaraan. "Na-miss kita, Myrna," nakangiti kong pahayag. Sumama ang tingin niya sa'kin. "Iyan lang ang sasabihin mo? Sa dami ng sinabi at tinanong ko, iyan lang ang maririnig ko?!" Itinuloy ko ang pagpapatahan. "Pasensiya na. Iyon lang naman ang pinakamahalaga. Walang magandang nangyari sa akin sa nakaraang dalawampung taon. Simula nang nag-resign ako, mas lalong humirap ang trabaho ko. Nag-abroad ako ng tatlong taon. Mas malaki pa rin kasi ang pasahod sa ibang bansa. Kailangan kong pag-aralin ang mas nakababata kong kapatid at hindi nagka-kasya ang kinikita ko para sa edukasyon niya." "Tatlong taon?" pansin niya habang pinupunasan ang pisngi. "Saan ka pumunta pagkatapos ng tatlong taon?" Huminga ako nang malalim, pilit nilalabanan ang pagbigat ng aking dibdib. "Umuwi ako para pakasalan ang kaibigan ko." Nag-iwas ako ng tingin nang gumuhit sa mukha niya ang sobrang pagkagulat. "Celia! Nagbibiro ka ba?!" Mariin akong napapikit at hindi siya nakayanang sagutin. "Bakit? Buong akala ko pinagtaksilan ka. Tapos ngayon, sasabihin mo ito, na sa inyong dalawa ng soul mate mo, ikaw pala ang nangaliwa?!" Tumingala ako para hindi mahulog ang mga nagbabadyang luha. Ang sama ng pakiramdam ko. Ang sugat sa puso kong hindi naghihilom, parang muling humahapdi, binubudburan ng asin at ibinababad sa suka. Sa dami ng nagdaang panahon, nakakaramdam pa rin ako ng ganito. "Myrna . . . " Nagmulat ako ng mata at tiningnan siya. "Hindi ako nagsising ginawa ko iyon. Hindi noon, hindi sa susunod pang mga taon." Mariin siyang umiling-iling, halata sa reaksiyon niyang hindi siya makapaniwala. "Hindi kita naiintindihan. Siguro mag-usap na lang tayo sa susunod na pagkakataon." Tumalikod siya. "Hinahanap mo raw si Sir Diego. Halika, dalhin na kita sa kanya." Tahimik akong sumunod. Wala pa man akong nagagawa ngayong araw, ang bigat na ng pakiramdam ko. Lapastangang puso ito. Mukhang sa akin nagmana ang pamangkin kong mahina ang loob at mabilis masaktan. Pinipili ko lang huwag ipahalata dahil ako na lang ang mayroon siya. As her only remaining family, I want to be her strength. At kaya rin ako narito para sa kanya. Wala siyang nakilalang pamilya maliban sa'kin at ang ina niya. Our parents are both dead, our grandparents are nowhere to be found. Basta ang hindi ko nakalimutan, ikinakahiya nila kami dahil mahirap kami. "Hindi ko alam kung nasaan siya, pero madalas kapag walang trabaho, kung hindi sa wine cellar ay nasa library siya," imporma sa akin ni Myrna pagkapasok namin ng mansion. Iniwasan kong ikalat ang paningin ko kahit na bulag na lang ang hindi maaakit sa gara at ganda ng interior ng mansion. Kumikinang na parang ginto ang kulay ng looban na pinagayan pa ng mala-kristal na ceiling at pinaghalong puti at kahel na mga ilaw sa chandelier. Pagkalipas ng mga taon, hindi nagbago ang nararamdaman ko. Everything in this place is still strange. Kung may naging isang rason ako para mahalin ang mundong hindi para sa'kin, siya iyon. Kahit na ang layo niya, kahit na hindi ko siya abot, hindi niya iyon ipinaramdam. "Sa library muna tayo," baling sa akin ni Myrna habang tinatahak namin ang daan papunta roon. Alam ko ang bawat parte ng mansion na ito, buti na lang. Ang sinumang unang makakapasok rito at maglilibot ay siguradong maliligaw. Kahit papaano, masaya akong nakaapak ulit ako rito. Nabalitaan kong nasa ibang bansa na ang magulang niya at ang dalawa niyang mas naunang kapatid kung kaya't siya ang nagmana sa mansion. Kaya rin ako naglakas-loob na pumunta rito dahil walang ibang makakaistorbo sa amin. Kung ang asawa niya lang, ayos lang. Hindi ako padadaig sa babaeng iyon. "Saglit, kausapin ko." Tumigil kami sa pintuan ng librarya, ang study room ng matalinong Diego Sullivan. Binuksan ni Myrna ang pinto at sumilip doon. "Sir, may bisita po kayo. Paghintayin ko po ba sa sala o papuntahin ko rito?" Matagal bago ito sumagot. "Papasukin mo na lang dito." Nang marinig ang boses niya ay doon lang ako nakaramdam ng kaba. Maliban sa mukha niyang featured sa mga magazine at newspaper minsan, wala na akong alam tungkol sa mga pagbabago sa kanya. Ang boses niya, mas lalong lumalim. It already sounded determined before, but now, it is even more authoritative. Matagal na tumitig sa akin si Myrna bago niya iminuwestra ang daan papasok. Dinig na dinig ko ang tahip ng dibdib ko, pero tinatagan ko ang loob ko. I already reached this far, there's no backing out. I slowly entered. Sa edad na forty-three, pinanginginigan pa rin ako ng tuhod dahil lang sa presensiya ng isang tao. Pagkakita ko sa nakatalikod niyang pigura, parang gusto kong sumugod agad at dambahan siya ng mahigpit na mahigpit na yakap . . . gaya ng lagi kong ginagawa noon. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi na kami tulad ng dati. Wala na ang dati. Hindi ako umimik. Ilang beses akong huminga nang malalim. Matagal ko itong pinaghandaan. Hindi ako dapat magkamali. Hindi ako dapat bumigay. Mariing nagdikit ang mga ngipin ko sa loob ng sarado kong bibig nang unti-unti siyang humarap sa akin, kasabay ng pag-angat ng kamay niya para tumungga ng alak mula sa basong hawak. Pero nang magtama na ang aming mga mata, natigil ang kamay niya malapit sa kanyang bibig, at parang natulos sa kinatatayuan habang nakatitig sa akin. Base sa hitsura niya, para siyang nakakita ng multo. "Magandang umaga, Mr. Sullivan," bati ko sa kanya. Laking pasasalamat kong hindi pumiyok ang boses ko. "O baka puwedeng Diego na lang?" nagawa ko pang biro sa kabila ng hindi mabilang na salitang gusto kong sabihin. Itinuloy niya ang naudlot na pagtungga at dire-diretsong ininom ang alak. Pumait ang mukha niya kasabay ng paglapag niya sa wala nang laman na kopita sa lamesa. Hinila niya ang upuang naroon at saka umupo, pinagsalikop ang mga kamay at muli akong tiningnan. "Is there anything I can do for you, Mrs. Santos?" Parang may dumaang tinik sa aking lalamunan nang marinig ang itinawag niya sa akin gamit ang nanlalamig niyang boses. At hindi ko alam kung hallucination ko lang ba, o sadyang idiniin niya ang pagbigkas sa apelyido ko. Ano ba kasi ang inaasahan ko? After what I did, I don't expect to receive sweet and gentle words from him anymore. "I came to talk to you about something," nakangiti ko pa ring tugon. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. "Do you hate me that much that you can't even approach me?" Oh. Mabibigat ang mga hakbang kong lumapit sa kinaroroonan niya at umupo sa kaharap niyang upuan. How can I hate him? He never gave me a single reason for me to feel so. Sadyang hindi ko lang alam kung dapat pa ba akong umasta na parang close kami kung kaya't hindi ko alam kung paano aakto sa harapan niya. Nagsalin siyang muli ng alak sa kanyang kopita at sumimsim mula rito. "Hindi mo man lang ba ba ako aalukin?" Dumapo sa akin ang walang-buhay niyang mata. "Kailan pa kita hinayaang uminom ng alak?" aniya sa mahinang boses. Nalukot ko ang laylayan ng damit ko sa ilalim ng lamesa at iginala ang tingin sa paligid. "Dumalaw ako sa garden sa gilid ng mansion ninyo. Marami pa ring puting rosas," banggit ko. "Matagal nang patay ang mga rosas na itinanim mo," sagot naman niya sa mas malamig na namang tono. Pilit akong ngumiti. Parang may ibang kahulugan ang sinabi niyang iyon. "Kumusta ka na?" pag-iiba ko ulit sa usapan. Simpleng tanong, pero masakit para sa 'kin. Ipinapakita lang ng tanong na iyan na ang daming bagay ang nagbago, at mga panahong dumaan. Hindi ko sana itatanong sa kanya iyan . . . kung nanatili ako. "Sigurado akong hindi ka pumunta rito para malaman ang kalagayan ko." "Hindi nga iyan ang pangunahing dahilan," pang-aamin ko. Pero gusto kong malaman. Kumusta ka na? Masaya ka ba? Sana ayos ka lang. "Say it," he plainly ordered. Hindi na rin naman ako nagdalawang-isip pa. "It's about your son and my niece." He cluelessly looked at me. "Ano ang meron?" "Hindi ko inakalang hindi mo alam," wika ko. "Aware ako sa kung sino ang pakakasalan ng anak ko balang-araw, pero wala akong alam tungkol sa pamangkin mo." Lalo akong naguluhan. "Hindi ba't sa araw na ipinanganak si Asher ay alam niyo na kung sino ang soul mate niya?" "Hindi ko inakalang pamangkin mo iyon," kibit-balikat niya. "Pero bakit niyo binago? Kayo ang mas nakakaalam ng totoo. How could you twist the truth?" Pinigilan ko ang sarili kong magtaas ng boses. Kailangan kong maging kalmado para mapagtagumpayan ang plano ko. "As for Divina, she knows Krisha well, my son's future wife. According to her, it's better to match him with someone we already know than to a girl we know nothing about." What a shallow reason. Expected from narrow-minded wealthy people. "What about you? Did you just let her decide?" "Actually," he leaned on the table and took a closer look on me, "I don't really care about soul mates anymore." I felt a pang in my chest. I don't know how to express what I feel, I can't put them into words nor action. "You're lying." Itinago ko ang pait sa boses ko. "I'm not," wala pa ring emosyong ulit niya. "Diego—" "Even if they're soul mates, there's no guarantee that they'll end up together. Worse, one of them will get hurt. Baka isa ang hindi naman talaga totoo sa pagmamahal niya. Baka may isa sa kanila na mang-iiwan din sa huli at kakalimutan lahat ng pangako na binitawan nito, at ipagsasawalang-bisa ang mga pangarap na plinano nilang dalawa. What will happen in the end? Nothing." Nakuyom ko ang mga kamao ko at pilit ininda ang kirot na gumuguhit sa aking dibdib. "Sino? Sino ba ang hindi nagmahal nang totoo?" "It's not important. Between me and my soul mate, ultimo ako ay kinalimutan na rin naman siya." The pain in my chest grew bigger and more fatal. Parang kahit anong oras ay mababasag ako. "Y-you don't know what you're saying," halos pabulong kong tugon. Yes, I expected him to forget, and that is what I wanted. But why am I hurting so much? "Bakit, Celia?" Tumabingi ang ulo niya habang pinaglalaruan ang hawak na kopita. "Don't tell me, she's still keeping memories of me? Imposibleng may halaga pa ako sa kanya. Kasi ang totoo, the day she left, so as my love also faded." Napayuko ako sa mga kamay kong nanginginig at maraming beses na kumurap, pilit pinapa-urong ang mga luhang nagbabadyang bumuhos. After all that I've done, this is what I get. Pinilit kong ngumiti at pinantayan ang intensidad sa mga mata niya. "The day she left, so as her memories. Yes, she already moved on. The feeling is mutual." I lied. Never will I forget about him, never will my feelings for him disappear. Pero hindi ko iyon sasabihin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang dumaan ang galit at sakit sa mga mata niya sa sinabi ko. Mga matang ako noon ang nag-iisang mansanas. Mga matang ako ang paboritong tanawin. Mga matang nangakong hindi titingin sa iba. Sa akin lang. Ako lang. As I tried to suppress the overflowing emotions inside my chest, I heard my phone rang. Nakalimutan ko siyang i-silent. I suddenly took it out, but before I could even answer the caller, I realized what just happened. Ang ringtone ko ay ang kaparehong ringtone na pinili noon ni Diego sa nauna kong phone—the sound of birds and sea waves. At ang keychain na nakasabit dito . . . ay ang singsing na isinuot niy sa akin noong araw na nangako siyang papakasalan niya ako balang-araw at magiging masaya kami habambuhay nang magkasama. Napatay ko ang tawag at agad na ibinalik ang phone ko sa loob ng bag ko. Nanatili akong nakayuko at hindi na napigilan ang pangingilid ng aking mga luha. Seriously, how can I forget him? Until now, I'm still hurting. I cry myself to sleep thinking of him. So what right does he have to tell me that I didn't love him?! "S-sorry. Babalik ako sa susunod. Pag-isipan mo sana ang tungkol sa sinadya ko. Aalis na ako." Dali-dali akong tumayo bago pa niya mapansin ang mukha ko. Tumalikod ako para tumulak na paalis, pero narinig ko siyang nagsalita. "Huwag kang umalis." Tumulo ang luha ko at hindi ako humarap. He clearly told me that he already forgotten about me. Pero ngayon at nalaman niyang siya pa rin, gusto niya akong manatili? Para ano? Ipahiya ako at ipamukhang nagkamali ako? "Stay," he added. Hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko hahayaang makita niya ang luhaan kong mukha. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad. "I said, don't leave!" I didn't listen. "Please, just for now, don't leave!" Don't. "SESE!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD