Chapter 2

1474 Words
CHAPTER 2   Myra's P.O.V   Today, I stare at my report card. Napabuntong hininga ako dahil sa pagkadismaya. Although nakapasa ako sa lahat ng subject, nakakapagtaka kung bakit naka-tres ako sa dalawang subject ko. The rest are 2. Something.   "Ede ikaw na mataas ang grades," sabi ni Cass at pinicturan ang report card niya. Nakita ko itong sinend niya sa Dad niya.   I took a photo of mine too, sinend ko ito kay Nhel. Agad naman siyang nag-reply.   {Those are great grades, be proud of it kase pinaghirapan mo ‘yan. Wala kang dapat ikahiya because you know that you did your best.}   I just replied a sad emoticon.   Ilang minuto lang ay nag-reply siya ulit.   {Hindi naman ma-dedefine ng grades mo kung sino ka. ‘Wag ka na malungkot. I love you!}   Napangiti naman ako dahil sa reply ni Nhel. Lagi niya akong pinapakalma. Napakaswerte ko din dahil hindi niya ko kinahiya kahit kailan at never siya na-disappoint sa lahat ng nagawa kong mali. He looks at me like I'm a perfect woman. Even hindi ako ganon kaganda.    {Ang swerte ko talaga sayo love. Hope to see you soon. Malapit na ang anniversary natin! Road to 3 years   {Hahaha! Oo love. Luluwas ako papuntang manila. Magkikita rin tayo. I'll get going, I miss you. Ingat palagi. Muah!}   {I miss you too. Muah muah!}   "SANA ALL MAY BEBE," sigaw ni Cass sa tenga ko.   Nagbabasa na pala siya ng conversation namin ni Nhel.   "Ayaw mo kase mag-seryoso. Madami ka ngang bebe, mahal ka ba talaga? Mahal mo ba talaga?" mataray kong sambit.   "Ang bad mo sa ‘kin, Myra. Gusto kita isubsob dito sa board," aniya at tinuro ang blackboard na katabi namin.   "Pikon ka na naman. Tama na kasi landi! 21 ka na, wala ka paring ka-forever."   "’Wag mo ipagmayabang ‘yong Nhel mo. Malay mo nambababae na siya kase malayo naman siya at hindi mo naman malalaman.”   Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan sabay halukipkip.    "’Wag mo siraan ang asawa ko ha!" inis kong sabi.   "Asawa? Utot mo! Hindi pa nga kayo kasal. ‘Wag ka assuming," aniya.   "Syempre ikakasal pa lang. Pagkagraduate ko."   "Hihintayin ko ‘yan. Alam mo, excited na ako sa kasal mo. Makikita mo ako do’n na kumakain ng shanghai sa tabi-tabi,” sabi ni Cass at humagalpak kami ng tawa.   "Shanghai is life ‘no!" ani ko.   Paborito kasi naming ang shanghai, pagdating sa pagkain ay lagi kaming nagkakasundo.   Lumipas ang oras at nang makauwi ako sa bahay ay pinakita ko na kay Mama ang report card ko.   "Anak, okay na ‘to. Kahit wala ka namang uno eh number one ka sa ‘kin, ang mahalaga naman ay makakagraduate ka!" sabi ni Mama at niyakap ako.   "Mama, amoy pang-ligo ka na," pang-aasar ko sa kaniya.   "Alam ko! ‘Eto talagang batang ‘to!" aniya at hinampas ako sa braso.   "Hindi na po ako bata! 21 na po ako. Saka, gagraduate na next month!" masaya kong sabi.   "Hindi ba mag-dedemo ka pa? Kailan ba ‘yon?" tanong ni Mama.   "Next week po Ma, nga po pala may extra ka po ba Ma? Kailangan po kasi may pakain ako sa mga estudyanteng makiki-operate sa demo ko kase sila ‘yong way para makapasa ako sa prof ko. Kahit pansit lang Mama," sabi ko.   "Hayaan mo magluluto ako ng pansit. Ako na rin ang magdadala sa school, hindi ba sa kabilang baranggay lang iyon?" tanong ni Mama.   "Opo, doon lang," sagot ko.   "Eh, May extra ka po ba? Baka po kayo naman yung magipit," dagdag ko pa.   "Hindi anak. Pinaghandaan ko talaga."   Napangiti ako.   "Thank you, Ma. Hayaan niyo po kapag ako nagkaroon na ng trabaho mababalik ko sa inyo lahat. Saka, Mama pwede ako mag-tutor once na nakagraduate ako. Dagdag income ‘yon," ani ko.   "Sige lang anak. Kaya naman ng Mama mo. Gagawa ako palagi ng paraan para sa ‘ting dalawa. Heka at maliligo na ako," sabi ni Mama.   Tumango lang ako at pumunta na sa kwarto ko. Humiga ako at kinuha ang cellphone ko.   {Nakauwi na ako Love. Tutulong muna ako kay Mama dito. Laba day daw eh. I love you, mga bilin ko sayo ah wag mo kalimutan. Kumain ka na. Muah}   {Sige Nhel. Pahinga ka pagkatapos ah. I love you too. Alagaan mo sarili mo dahil sa susunod ako naman mag aalaga sayo.}   Sobrang cringe namin. Ayaw naming mawala yung sweetness at love namin sa isa’t isa kasi sumumpa kami sa Diyos na magkakatuluyan kaming dalawa.   Kumuha ako ng papel at nagsimula nang isulat ang script ko para sa Demo. I'm hoping na maging successful ‘to. Nasa supervisor namin ‘yong desisyon at nakay sir John.   ***************************   After 1 week   Today is my Demo. Naka-ready na ako at ang room na gagamitin.   "Go Ma'am Myra!" masayang sabi ni Lyn sa akin.   "Jusko, sana maging okay. Kinakabahan ako eh," sabi ko sa mga estudyante ko.   "Asus. Kaya mo ‘yan, Ma’am," sabi ni Michael.   "Bahala na!" ani ko at tumawa.   Later on, I suddenly received a text from Nhel.   {Go Love! Kayang kaya mo yan. I love you. I'll pray for you ha! Just do your best. Wag ka kabahan ok po?}   Then I replied.   {Opo Love. Thank you sa support. I love you too}   "Ma'am Myra? Nandito na sila Sir Kevin," sabi ng isang teacher na manonood sa demo ko.   Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko silang pumasok sa room at naupo na sila sa bandang likuran. Tatlo silang mag ge-grade sa akin. Ang isa ay ang principal ng school na ito. Ang isa naman ay si Sir John na adviser namin, at si Sir Kevin na supervisor namin.   Then the demo started.   "Good afternoon, class," I greeted my students.   "Good after, Ma'am Myra,” bati nilang lahat.   "Kindly pick the pieces of paper under your chair then you may seat down," sabi ko.   Napatingin ako kay sir John, napalunok ako nang makita na masama ang tingin nito sa akin na para bang may mali akong ginagawa. Naramdaman ko naman ang pamamawis ng mga kamay ko.    Sh*t! Kinakabahan na ako ng sobra!   "Before we proceed to our new topic, let’s have a review," sabi ko.   "Class, what is Personal Hygiene?" tanong ko.   Madaming nagtaas ng kamay. Pumili naman ako ng isang estudyanteng sasagot.   "Personal Hygiene is a cleanliness and health preservation," sagot ng estudyanteng napili ko.   "Very good, then can you give me an example of personal hygiene?" tanong ko.   Madaming nagtaas ng kamay at tumawag ulit ako ng isa na siyang sasagot. Nagtuloy-tuloy naman ang discussion pero huli na nang mapansin kong lumagpas na pala ako sa oras. Natagalan sila sa activity na pinagawa ko. Dahil sa sobrang kaba ko ay nagkanda utal-utal na ako.   "That's all for today. Good bye, class," sabi ko dahil medaling-madali na ako na matapos.    "Good bye, Ma'am Myra," bati nila sa akin.   Nang matapos na ay nakahinga ako ng maluwag. Tumalikod ako at nagpunas ng pawis.   "Good job, Ma'am," sabi ni Anne sa akin, isa sa mga estudyante ko.   "Mamaya namin sasabihin ang score mo. Icocompute muna naming," sabi ni Sir John.   Napatango lang ako dahil malamig ang salita nito at parang hindi natuwa sa aking ginawa.   Dumating naman si Mama at nagpakain kami sa mga estudyante ko. Masaya kaming lahat na kumain at nag-selfie-selfie.   Sobrang saya kong makita na suportado ako ng mga estudyanteng una kong hinandle. They are my first students.   "Myra, tawag ka na sa office," sabi ng isang teacher.    Agad naman akong pumunta doon. Unang sumalubong sa akin ang papalabas na si Sir Kevin. Kinamayan ako nito.   "You did well. But there is a conflict. Only Sir John have the power kung makakapasa ka o hindi," aniya at umalis na ito.   Napakunot ang nook o at napaawang ang labi ko, hindi man lang ako nakapagsalita. Sa halip na habulin si sir Kevin para tanungin ay pumasok na lang ako sa office ng mga teachers at nakita kong nakaupo doon si Sir John.   “Sir—“   "Myra, binagsak kita."    Nanlumo ako sa narinig ko kay Sir John. Gusto ko nang umiyak.   "P-P-Po?" nauutal kong tanong.   "Both of them gave you a passing grade, pero ako? Hindi ko nagustuhan ‘yong demo mo. Nag-boblocking ka sa pagsasalita. You don't consider other students tapos nag-over time ka pa. Hindi dapat gano’n!" sabi ni Sir at umiling.   Pinigilan kong tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo.   "B-but--sir, kailangan ko gumraduate," lakas loob kong sambit.   "I'll tell you tomorrow kung paano ka makakapasa. If you do that activity. Makakapasa ka," sabi ni Sir John.   Activity?   "Sure, sir! Kahit ano po ‘yan. Basta makapasa po ako," sambit ko at pilit na ngumiti kay sir.   Tumitig lang ito sa akin. "Desidido ka talaga, sige na at mag-enjoy ka na dahil makakapasa ka bukas," sabi ni Sir at lumakad na paalis.   ******************  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD