Chapter 4

1126 Words
CHAPTER 4   Myra's P.O.V   Pagpasok ko sa school ay hindi na ako muling makatingin sa mga mata ni Sir. Wala akong pinagsabihan sa kanila kung anong nangyare. But I wonder kung f**k boy kaya si Sir? What if madami na siyang babaeng nalandi? Or naka-s*x kagaya ng ginawa niya sa ‘kin.    Sh*t talaga! Nagsisisi ako na nawala ‘yong virginity ko pero mas pagsisisihan ko kapag hindi ako nakagraduate. Malaking kahihiyan ‘yon.   "Hoy beshy! Bakit ba kanina ka pa tahimik? Kainin mo na ‘yong lunch mo," sabi ni Cass.   Lunch break ngayon at kumakain kami dito sa canteen. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari.   Habang kumakain ako ay napatingin ako sa hallway at nagulat ako nang makita doon si Sir John na nakatingin sa akin. Agad naman akong napayuko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga buhok ko.   "Hoy? Nalalagyan ng buhok yung kanin! Ano ba ‘yan?! Buang ka ba girl?" natatawang tanong ni Cass.   "Ha? Hindi," sabi ko at tinanggal ang kaning dumikit sa buhok ko.   Ano pa bang kailangan sa ‘kin ni sir? Bakit ba gano’n siya tumingin? sobrang awkward.   "Cass, samahan mo naman ako sa SM mamaya," sabi ko.   "Why? Gagala ka?" tanong ni Cass.   "Nope, bibili ako ng damit para kay Nhel. 3rd anniversary na namin e, wala akong maisip na maibigay. Isipin mo 2 years kaming hindi nagkita malay ko ba kung ano gusto no’n," sabi ko at inubos na ang pagkain ko.   "Ang tibay niyo ni Nhel. Hindi ka ba naghihinala sa kaniya? Kasi beshy gwapo si Nhel, may tendency na may magandang babae na magkagusto sa kaniya," sabi ni Cass.   Umiling naman ako.   "Alam mo? Hindi ko alam kung kontrabida ka ba sa ‘min o ano. Mga comment mo sa relasyon naming e," sabi ko.   "Gaga! Sinasabi ko lang. Support ko naman kayo. May mga what if's lang sa isip ko," sabi nito.   "Ako din naman, may mga naiisip din akong ganiyan. Pero kung hindi niya na ako mahal ede sana nakipag-break na siya sa ‘kin. Pero tignan mo hindi pa rin niya ako nakakalimutang tawagan at itext or ichat. Kahit papaano may quality time pa rin. Okay lang naman kahit busy basta alam namin ‘yong ginagawa ng isa’t isa," sabi ko at uminom ng lemon juice.   "Sabagay, tama ka nga. Kelan kaya ako makakahanap ng lalakeng kagaya ni Nhel?" tanong ni Cass.   "Wala! Nag-iisa lang ang Nhel ko. Wala nang makakatumbas sa kaniya," pagmamayabang ko kay Cass.   "Sana all na lang," aniya.   Nang matapos ang klase namin ay dumiretso na kaming SM. Una ay naglibot-libot muna kami at nag-window shopping sa mga store.    "Ang ganda talaga ng dress na ‘to kaso ang mahal! 600 ba naman? Babalikan kita beautiful dress! Ipapabili kita kay Dad," sabi ni Cass.   "Sana all may Tatay na bibili ng mga gusto mo," sabi ko.   "Aysus. Ede ako na lang tatay mo. Ano bang gusto mo?" sabi ni Cass at inakbayan ako.   "Gaga ka!" Napatawa ako.   Nagtungo na kami sa mga damit ng lalake.    "Sobrang hirap naman pumili. Baka hindi niya type yung mabili ko sa kaniya," bulong ko.   "Ako kase never pa ako nagregalo sa lalake kaya sorry beshy, hindi mo ako maaasahan diyan," sabi ni Cass habang busy na nagcecellphone.   "Ano kaya magandang ibigay?"   "’Eto kaya? Mukhang babagay sa kaniya. O ‘eto? Hhmm. Oversizes shirt na bibilin ko tutal hindi ko alam kung gaano na siya katangkad. Pero payat ‘yon eh," sabi ko at napakamot sa ulo.   "Jowa-jowa pa kase," sabi ni Cass.   "Wow! Nagsalita ang mayroong madaming jowa," sabi ko.   "Excuse me! Correction. Bebe lang ‘yon at hindi jowa. They are not my boyfriends," sabi ni Cass at tinarayan ako.   Bwiset talaga ‘yong babaeng ‘to. Pero siya ‘yong bestfriend ko na kahit kanino hindi ko ipagpapalit. Ang tunay na magkaibigan naglalaitan harap-harapan.    Pumili na ako ng damit na maganda para sa ‘kin. Siguro naman tatanggapin to ni Nhel. Mahal naman ako no’n eh.   "Tara na bruha! Magbabayad na ako. Tama na cellphone, bahala ka baka mahablot ‘yan sayang iphone 11 pa naman," sabi ko.   Agad naman siyang sumunod sa akin. Nagbayad na ako sa cashier.   "Beshy wait titignan ko lang price no’n" sabi ni Cass sabay turo ng damit, lumapit naman siya doon.   Kumuha na ako ng pera at nagbayad sa counter.   Tumingin ako sa paligid at nagulat ako nang makita ko si Sir John. Agad akong umiwas ng tingin. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Naisip kong baka namamalikmata lamang ako, kaya muli akong tumingin sa direksyon kung saan ko nakita si Sir at wala na ito.   "Hayst! Nabubuang na ako," sabi ko.   "Ang mahal talaga, magpapabili na lang ako kay Dad. Wala naman kase akong cash ngayon," sabi ni Cass at nagmaktol.   "Tara na nga! Umuwi na tayo maggagabi na. Baka hanapin ka pa ng Daddy mo," sabi ko.   Lumakad na kami at dahil may pagkatimawa din ‘tong bestfriend ko ay nakakita siya ng stall na milktea.   "Beshy! Milktea muna," sabi nito at tumakbo na papunta sa milktea.   "Sige, strawberry flavor akin, as usual," sabi ko.   "Ano pa ba? Strawberry lang naman favorite mo," aniya.   Natawa naman ako dahil kabisado talaga ako ng bestfriend ko.   Habang ginagawa pa ang milktea namin ay nag-selfie muna kami ni Cass. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong parang nandoon si sir John, kaya lumingon ako sa likod pero wala naman.   "Minumulto ka ba? Parang takot ‘yang mukha mo," puna ni Cass.   "Ha?"   "Ewan ko sa ‘yo. Ha? Hatdog," sabi ni Cass at nagbayad na ng Milktea.   Napapikit naman ako ng mariin. Siguro kailangan ko na magpahinga. Masama na ata pakiramdam ko kaya nakakakita ako ng mga kung ano-ano.    Pero...   Para talagang si Sir yung nakita ko. Parang hindi lang ako namamalikmata.    Pero...   Baka nga imagination ko lang. Bakit pakiramdam ko minumulto ako ni Sir although buhay pa naman siya.   Napatigil ako sa pagiisip nang tumunog ang cellphone ko.   {Love!!! I miss you. Nakauwi ka na ba? Kumain ka na ba? Sorry hindi ako nakapag text kanina pa. Kakatapos lang ng exam namin at sobrang hirap. Mag iingat ka palagi ah. I love you.}   I smiled nang mabasa ko ang message ni Nhel. Agad naman akong nagreply.   {Love, pauwi palang ako kase sinamahan ko si Cass dito sa SM may binili kase siya sa watsons. I love you too!}   Syempre hindi natin sasabihin na ako yung bumili. Alam niya kaseng malapit na ang anniversary namin baka mag-isip siya pag ako ‘yong may binili. Sana talaga magustuhan niya yung binili ko. Maging masaya lang siya, sobrang saya ko na rin.   Umuwi na kami ni Cass at tinext ko naman si Nhel ng makarating ako sa bahay.   *************  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD