CHAPTER 10: EASIER SAID THAN DONE

377 Words
CHAPTER 10: EASIER SAID THAN DONE “Hey, Yoshi, nasaan si Stanley? Kanina pa wala, cutting?” Inis na nilingon ni Yoshiko ang kamag-aral na nasa kanyang likuran. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago muling pumilig sa harapan kung saan nagdi-discuss ang kanilang guro sa Applied Economics. “Loko, nasa clinic si Stan, mukhang sinama ang tiyan sa regalong chocolates ng admirer niya,” natatawang sagot ni Yoshiko dahilan upang mapahagikhik ang mga nakarinig. Natigil lamang sila nang bumukas ang pinto at iluwa nito ang taong kanilang pinag-uusapan; ngingiti-ngiti ito't tila 'di alintana namamawis nitong mukha. “Oh, Stanley, ayos na ba ang pakiramdam mo?” bungad na tanong ng guro, “Hm, next time, titingnan ang expiration date ng pagkain bago lantakan ha?” nakangiting paalala nito kaya tuluyang umugong ang tawanan sa buong klase. Lumipas ang oras at dumating na ang pinakahihintay ng mga estudyante — break time! Magkasabay kumakain sina Stanley at Yoshiko tulad ng dati. Magkaharap at pawang abala sa pagkaing nasa harapan nila nang tumunog ang cellphone ni Yoshiko, senyales ng isang notification. Akmang dadamputin na ni Yoshiko ang cellphone nang tumikhim si Stanley, “Oy, kumain ka muna.” “Yes sir.” “Tsk.” “Stan—” “Ubusin mo muna 'yan.” “Okay po.” “Ugh, sagutin mo na nga 'yan, baka mapurnada pa 'yang bossoming romance mo!” Nanlaki ang mga mata ni Yoshiko, “B-Bossoming romance?!” Takhang tiningnan ni Stanley ang kaibigan at humigop sa kanyang orange juice. “Hindi ba si Megumi 'yan? I know you better, palaging naka-silent mode 'yang phone mo, at muli lang namang nabuhay 'yang messenger mo when you met that woman.” “Woah, you've been watching me like, Stan, it's scary!” biro nito kaya agad na nakatikim ito ng sipa mula sa kaibigan. Agad dinampot ni Yoshiko ang kanina pang maingay na cellphone at halos umabot na sa kabilang table ang kanyang ngiti. “S-Si Megumi nga!” Napabuntonghininga si Stanley, “Ano na lang ang gagawin ko kapag nagkaroon ka na ng girlfriend?” Matagal tinitigan ni Yoshiko ang kaibigan, bago sumilay ang isang ngisi. “Then, get a girl too! We could do double dates!” “Easier said than done.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD