Devonne "Dadalhin nga pala ni Georgina mamaya ang gown na susuotin mo para mamayang gabi. Siya na rin raw ang mag-ayos sa iyo," sabi ni Chandrei habang nag-almusal kami. Maaga ako gumising kanina para magluto ng almusal pero nadismaya ako nang sabihin niya na hindi siya sanay na kumain ng almusal. Naiinis talaga ako dahil nag-effort ako pero mapupunta lang pala sa wala. Pagkatapos ko mag-luto ay nagulat ako ng maglagay siya ng itlog at tinapay sa plato niya. Halatang napipilitan lang siya na gawin iyon dahil nakasimangot ako. Hindi ko alam kung matuwa ba ako dahil sa ginawa niya o mas mainis ako sa kanya dahil hindi naman niya ginagalaw ang pagkain na kinuha niya. Hinayaan ko na lang siya dahil baka mas lalo lang masira ang araw ko. "Kailangan pa ba iyon? Charity event naman iyon, hind