Chapter 1
Fiord Grey’s POV
Nakasimangot na pumasok ng mansion si Amalfi. Nasa loob palang kami ng sasakyan kanina ay hindi na niya ako pinapansin. I just didn’t pay attention to her actions because she might just get worse. First time kong makita ang kambal ko sa ganoong itsura. Talagang hindi niya ako pinansin o tinapunan man lang ng tingin. Diretso lang siyang nakatingin kanina sa harapan niya.
I only speak once in a while and that is only when I need to. At napag-isip kong hindi ko naman kailangang imikin siya kanina. I quietly entered the mansion. When I entered our wide living room, Amalfi was gone. She really accelerated her walk so that maybe she could lock herself in her room. Ganoon naman ang kadalasan niyang ginagawa kapag may problema ito.
Nagtuloy-tuloy akong umakyat ng hagdanan. Balak ko na rin talagang magpahinga dahil napagod din ang utak ko sa pag-aaral.
Nang makatuntong ako rito sa second floor ay naabutan ko si Mama na sumisilip-silip sa medyo nakaawang na pintuan ni Amalfi. Nag-aalangan pa ito kung kakatok o hindi.
“Mama! Stop peeping! I locked that f*cking door already!” galit nitong sigaw na may kasunod pang hikbi. Okay, umiiyak siya.
“But you did not lock it right, sweety,” mahinahong sagot naman ni Mama.
Ito talaga ang hindi rin maganda sa kaniya sa tuwing may kinakaharap na problema, nagiging brutal ang mga lumalabas sa bunganga niya. Well, pareho lang naman kami, but she’s a girl, for goodness’ sake! She should also act in accordance with her gender. Pero talagang may sariling utak ang bibig nito kapag nagagalit. Plus, lumaki rin kami sa poder ni Don Dela Cueva.
Hindi ako umalis dito sa kinatatayuan hanggang sa makapasok si Mama sa kuwarto. Sa pagka-tense siguro’y hindi na niya ako napansin dito.
I don’t usually engage in or listen to people’s private conversations, especially women’s conversations, but I seem to be going to experience that today. Humakbang ako palapit sa pintuan at bahagyang sumilip sa maliit na awang nito.
“Amalfi, why are you crying again?”
“Eh ‘di itanong ninyo sa magaling ninyong anak!” inis niyang sagot sabay marahas na pinagpupunas ng tissue ang basa niyang mukha.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Kami lang naman ang mga anak ni Mama, eh. So, ako ang tinutukoy niya. Ano na naman ba ang problema nito at dinadamay na naman ako?
My eyebrows furrowed as I stared at her face in the sideways view. Well, how would I describe her face? Kamukha ko lang naman siya. A girl version of me but my nose is way pointed than hers. At ang mga mata namin ay magkaiba. Nakuha ko ang kay Papa, which is color gray. Siya naman ay namana niya ang kaniya kay Mama, an ebony eyes.
“Lagi ka na lang may problema sa Kuya mo, anak... Hindi na nga umiimik iyon, eh... At saka paano sana magkakaatraso ang Kuya mo sa iyo, eh, hindi naman kayo mag-classmate!”
“Iyon na nga, eh! Hindi kami mag-classmate kaya hindi niya nakikita kung ano ang mga responsibilities niya sa little sister niya!”
Masamang-masama ang loob niyang hinarap si Mama sa pagkakataong ito. Naging way iyon para mapagmasdan ko nang maigi ang buo niyang mukha. Nagkalat na ang mga make-up nito sa mukha.
“Why do I feel like I don’t have a brother? Why do I feel like I am alone?” patuloy niya sa tumatagaktak na mga luha. Galit na galit pa rin ito. “He’s a nuisance, eh! Pauso ang puta...” mura niya sa humihikbing tinig. “Leader daw ng kilalang grupo sa school pero hindi naman niya magawang ipakita ang mukha niya sa lahat! Astig daw pero duwag naman talaga sa totoong buhay! Kaisa-isang kapatid niya, ni hindi niya magawang protektahan! Buwisit talaga ang lalaking ‘yon...”
I didn’t know that what I set up with her was a big issue. We have been doing this for several years and I have heard no complaints from her until this day.
Yes, hindi kami mag-classmate since we entered elementary level. Nag-homeschooling ako hanggang matapos ng elementary. Simula High school hanggang ngayong fourth year college naman ay pumapasok kami sa iisang University pero I have my own private room, kung saan ako lang ang allowed na pumasok, kung saan hindi ako nakikita ng ibang kapwa estudyante.
Dad is now the owner of Boukire University. He bought it when the owner sold it to him. So the impossible was possible with Dad’s help. Doon kami nag-aral hanggang makatapos ng High School. Magko-college na kami nang umuwi at tumira kami rito sa mansion namin dito sa Makati. Nag-aral ako ng pagka-piloto. Ganoon din si Amalfi. Pangatlong course ko na itong business administration. Yeah, pagkasunod-sunod kong i-take ang mga kursong pangarap ko at kursong gusto ng mga magulang ko para sa akin. Tuloy-tuloy rin ang pag-aaral ko kaya mabilis kong natapos ang mga nauna.
Bachelor of Aviation ang unang kursong kinuha namin ni Amalfi. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ni Papa na matuto kaming magpalipad ng iba’t ibang klase ng aircrafts. Mag-isang umalis si Amalfi noon para mag-training agad habang ako naman ay naiwan para i-pursue ang pagpupulis.
Amalfi was obviously the only daughter of the University President of Boukire but she received normal treatment from other students and staff. Only because Dad’s management of the University is fair and clean.
I know it’s weird na pumapasok pa rin ako kahit puwede namang mag-stay na lang ako sa loob ng bahay dahil wala namang pinagkaiba iyon gaya ng sabi ni Amalfi nang minsang mag-usap kami. But I have some weird reasons too that’s why... Bagay na ayaw ko munang banggitin sa kahit kanino.
“Alam mo, anak, iba-iba ang personalities ng mga tao. Tao pa rin naman ang Kuya mo, may sariling ugali, paniniwala at desisyon. At saka... bakit kung kailan tumanda na kayo ay ngayon ka pa nagrereklamo, hija? I thought you said before that you can take care of yourself...”
“Because I lied,” simpleng sagot naman niya sabay iwas ng tingin.
Bumuntong-hininga siya at ibinagsak ang katawan sa kama. Nakasunod lang ng tingin sa kaniya si Mama.
“Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit nagkaganoon si Kuya... Okay naman siya noong maliliit kami... Why does he have to hide? Why doesn’t he show up to other people? Why do other people have to think that I am your only child? Sometimes I think... Is that okay with him? We’re getting older and older but he’s still like that... Like, gusto ko rin siyang ipagmalaki! Gusto kong sabihin sa buong mundong may kapatid ako. Hindi lang kapatid kundi kambal! Gusto natin siyang ipagmalaki sa lahat pero ayaw niya!” Hinablot niya ang unan sa tabi at ipinantakip sa mukha. “Nagagalit ako sa kaniya ngayon dahil napuno na ako!”
Nakita kong pinuno ni Mama ng hangin ang dibdib niya. “Anak, wala naman siyang sinabi na nagtatago siya o ano pa man. Gusto lang niya ng private na buhay... Sinabi na namin noon sa inyo ang mga nangyari sa amin ng Papa ninyo... Iyong mga pinagdaanan namin.... Tumatak lang siguro sa isip niya kaya nag-iingat lang siya...”
Marahas niyang inalis ang unang nakatakip sa mukha niya at basta na lang itong itinapon sa malayo. “Sobra-sobrang pag-iingat naman ang ginagawa niya! Hanggang sa magkaanak at magkaapo na yata siyang magtatago sa lahat! Kulang na lang yatang pati ang araw ay pagtaguan na rin niya!”
“Ano na naman ba kasing nangyari, anak? Napaaway ka na naman ba sa school ninyo?”
“Yeah,” sagot naman nito na para bang normal na lang na napapaaway siyang lagi. “Nakapipikon kasi iyong baboy na iyon, eh... Kung hindi lang talaga dumating si Ice... baka nabali ko na leeg noon...”
Ice Ranzorete Monterial is the son of Mama’s best friend, Murfin Monterial. Malapit din ako sa kaniya but I don’t trust him as a pack, lalo na nang malaman ko ang history ng mga pamilya namin. Nag-iingat lang ako. But he’s been a great buddy, though...
Ako naman ngayon ang napailing at napabuntong-hininga.
Uncle Murfin has been a second father to us. Isa talaga siya sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Mama hanggang ngayon. Naiintindihan ko iyon dahil marami silang pinagsamahan. Pero kung may pagbibigyan man ako ng buo kong tiwala, iyon ay si Papa...
Yeah, there are times na sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko pa rin talaga kilalang-buo ito. I knew he was a former Mafia leader of Mafiafarquharson. Alam naming dalawa ni Amalfi iyon. Kaya nang i-enrol niya kami sa mga martial arts lessons and firearms handling trainings, hindi na kami nagtaka. And based on my studies to the said organization, it was not easy to withdraw yourself to that world. At mas lalo kong napatunayan iyon nang mabasa ko ang diary ni Papa... A love diary that also contained deeper revelations and puzzles...
Sa covering ng diary sa bandang likod ay may nakapa akong something. Akala ko part lang siya dati ng cover but no... There was a short letter with a meaningful threat written on it. Magge-grade one lang ako noon pero hindi ko inakalang ganoon kaagang mababago ang buhay ko.
Isang maagang pagbabanta iyon sa buhay ng mga magulang ko, sa magiging buhay namin...
The race of Mafiafarquharson in the new generation should not have a son... Iyon ang nakasulat sa letter. Because if so, that will be the way for Mafiafarquharson to come to life again. And that’s my real reason why Amalfi is so mad at me now. That was my reason no one knows. That was my best kept secret in my whole life. I am protecting my family through hiding my identity... Inaamin kong mahirap iyon sa akin sa simula pero inuunti-unti kong sinanay ang sarili.
Mas mahalaga pa ring isiping ligtas ang pamilya ko. Mas mahalaga sila kaysa sa buhay ko...
I’m the leader of the Oricle Pentagon. An elite g**g group na kinabibilangan namin ni Ice. Lima kaming members sa grupo. Ang tatlo ay mga anak din ng mga dating Mafias, Ferico, Tarisson and Zecreo. Our little organization is about learning and adapting ourselves to the world of mob. I don’t know how I had tracked myself in this line... Siguro’y dahil naging honest ang mga magulang namin sa amin. And of course, malaking bahagi ang natuklasan kong letter sa diary ni Papa.
Sa University ay sikat ang samahan naming iyon. Mas umingay pa dahil ang leader nito ay never pa nilang nakita, which is me. Ice has been leading the group outside the circle of Oricle Pentagon since day one. My fellows are rich and good looking, so they soar even higher and higher without me by their side. At ang nakatatawa ay pinapantasya ako ng halos lahat ng mga estudyante sa amin. Dahil ayon sa kanila, kung mga makakarisma at guwapo ang apat, paano pa kaya ako?
Ayaw kong magyabang kung itsura ang pag-uusapan. Kamukha ko ang Papa ko at napakaganda ng babaeng nagsilang sa akin. I smiled as I survey the face of my Mama from a far. Si Mama na walang ginawa kundi intindihin ako. Siya na hindi nagkulang sa pagmamahal at pag-aalaga sa akin kahit noong sabihin kong ayaw ko nang mag-aral sa loob ng school. Hiyaan at sinuportahan niya ako sa mga naging desisyon ko sa buhay.
Ngayon ko higit na maintindihan kung bakit sobrang mahal na mahal siya ni Papa. Iniwan niya ang Mafiafarquharson para kay Mama. Araw-araw niyang tinutupad ang pangako niya ritong bibigyan niya kami nang ligtas at normal na buhay. She’s now the CEO and owner of both Farquharson and Usoro Company.
Nakikita at nararamdaman ko naman ang love na mayroon si Papa kay Mama pero hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing binabalikan ko ang ibang bahagi ng letter... Papa has an illegitimate child and her name is Scheids Reid... Sa pangalan pa lang nito ay parang lalaki na. We have another brother. Sa letter, nakasulat na nasa kaniya ang susi sa dalawang main quarters ng Mafiafarquharson. And I badly needed to get those to trace where the letter came from. Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng pagbabantang iyon.
I thank destiny na ako ang nakakita roon bago pa mapansin ni Papa. I can’t believe na nagkaroon pa ng ibang babae sa buhay niya bukod kay Mama. But every time I am calculating their ages, I am able to come up with ideas. Their fifteen age gap is not a joke... Maybe Dad met that woman from the past when he’s away from Mama. Or noong mga panahong ginagawa niya ang misyon niya.
Pero ang nakatutuwa naman ay nahanap ko na kung saan nakatira ang half-brother namin sa tulong ni Kuya Harry, my dad’s sidekick way back years ago. Sa malayong probinsiya nakatira ang umano’y kapatid namin. I am planning to meet him soon after my graduation and that is next month.
Ibinalik ko ang atensiyon sa dalawa nang makita kong tumayo si Amalfi. Umisang hakbang ako paatras para hindi niya ako mahuli rito.
Mama shook her head and feigned a long and heavy sigh. “Pagkatapos... Ano pa ang nangyari, hija?”
“Sinapak ko lang naman sa mukha, Mama. Akala ko kasi hahawakan niya ako sa butts ko, eh... Eh, may kukunin lang naman pala siya sa upuan ko... Nagkamali ako, oo, pero pinanindigan ko na lang talagang may balak siyang hipuan ako...”
“Oh, my goodness’, hija,” usal ni Mama sabay hipo ng noo. “Kaya sinasabi ko sa Papa mo na huwag ka nang pag-aralin ulit dahil iba ang temper mo... Total, eh, nakapagtapos at training ka na ng pagiging pilot... Oh, God, kailangan mo palang matapos ang pangalawang kurso mo dahil ayaw ko ring lagi kang nasa himpapawid,” sinabi nito nang ma-realized ang sinabi. “Never mind... Going back. Ikaw pa rin ang mali... Pagkatapos ay gusto mong lumitaw ang Kuya mo para ipagtanggol ka sa maling ginawa mo...”
“Gusto ko lang magpapansin ulit sa kaniya. Malay naman natin, ‘di ba? Umasa akong lilitaw siya out of nowhere kapag nalaman niyang binabastos ko...”
She’s wrong, absolutely wrong... Hinding-hindi ako lilitaw not unless wala si Ice sa tabi niya. Kampante naman akong aalalayan siya nito kabalbalan man o hindi ang gawin niya.
Walang nakapagpalabas sa akin sa lungga ko except sa batang babae na iyon na nakilala ko sixteen years ago... I was only seven years old a that time. Hindi literally na siya ang dahilan kundi dahil sa kabobohang ginawa niya. Nag-swimming lang naman siya sa malaking fountain namin sa mansion sa Sitio Clavaricia. That fountain was under testings. Na kung hindi ko lang siya nahila noon ay baka nakuryente na siya sa live wire na nagkalat doon. Until now, naaalala ko pa rin siya. That was our first and last meeting...
“Hayaan mo at kauusapin ko ang Kuya mo...”
“Better..”
Nagmamadali kong tinungo ang kuwarto at mabilis ni-locked ang pinto. Kung kauusapin man niya ako, ayaw kong ngayon iyon. Magkukunwari na lang muna akong pagod at natutulog.
End of Fiord Grey’s POV