When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Maria's POV Naalimpungatan ako sa mahinang mga tapik sa aking pisngi. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad ang seryosong mukha ni Alas sakin. Agad akong umayos ng upo at inilibot ang paningin sa labas ng sasakyan. Madilim na ang paligid. "Tulo-laway." Agad ko siyang nilingon at inirapan. "Kapal mo! Hindi tumutulo ang laway ko kapag natutulog 'no!" Tumawa lang ito at nanatili ang mga mata sa daan. "Nasaan na ba tayo?" "Malapit na tayo kaya kita ginising." Tumango na lamang ako sa kanya at muling hinarap ang bintana ng sasakyan. "Gutom kana ba?" Tanong niya na nakakuha ng atensyon ko. Sa haba ng biyahe namin sa tingin niya ay hindi ako magugutom? "Ano sa tingin mo?" Masungit kong sagot sa kanya. "Ipagluluto kita pagdating natin sa pupuntahan natin." Umirap lamang ako sa hangin