Chapter 15
Disturbance
NANG matapos nina Juvia ang paghahanda ng mga buhangin upang ibuhos sa pagsesemento ay nagprisinta siyang linisana ang mga kagamitang ginamit nila bago pa manigas ang semento ro’n. Nilagay ni Juvia ang mga gamit sa kartilya upang hugasan ito sa may pinakamalapit na gripo.
Tanging mga tractor at iba pang tunog galing sa mga materyales na kanilang hawak ang maririnig bukod sa sigaw ng mga foreman sa site nang biglang may humaharurot na sasakyan ang umabala sa kanilang lahat.
Paglingon ni Juvia sa may bungad ay nakita niya ang isang sports motor at isang lalaking naka-helmet pa na dire-diretsong nagtungo sa mga buhanganin dahilan upang naging maalikabok ang buong lugar dahil dumaan don ang motor.
The motor and its rider landed successfully after overcoming the huge humps of sands.
“Sir Pain!” muling umalingawngaw ang sigaw ni Sonny sa bungad at hinihingal pa itong nilapitan ang motor.
Juvia already had a hunch of whoever that rider is. Wala naman ibang maglalakas loob na manira rito sa site kundi ang may-ari mismo.
“You know what, Sonny…this baby is awesome!” tuwang-tuwang sabi pa nito nang inalis niya ang kanyang helmet.
Tumatakbo rin si Karlo na palapit kay Pain nang matanaw niya ito.
“Sir, okay lang ba kayo?” nag-aalalang tanong pa nito dahilan upang mapa-roll eyes nalang si Juvia.
“Yes, baldy!” sabay hawak ni Pain sa ulo nitong kalbo. “I love the sands you put in here. Bagay sa motor ko…bagong bili ko kasi ito and it’s really a heavy duty! Bagay ito sa disyerto e,” anito.
“Oh, there’s my girl!”
Huli na nang maisipan ni Juvia na tumalikod nang magtagpo ang mga tingin nila ni Pain.
She had more the reason to avoid him now than before. Who wouldn’t feel cringe when someone claims you’re their girlfriend after a one kiss. Iyong iba nga ay nagtagal na ng ilang taong na sweet pero wala pa ring label.
Agad na kumilos na lamang si Juvia nang palapit na si Pain pero hinarang naman nito ang kanyang hawak na kartilya tinitigan mula ulo hanggang paa.
One reason before why Juvia avoids Pain is because the attention she’s getting. Bihira ang babae sa site. Kung meron man ay ang mga engineer na OJT lamang na kung makatingin sa kanila ay para siyang bounty at laging may nakamasid sa kanya.
Hindi rin imposibleng wala siyang atensyong makukuha. It’s a Dela Viego, approaching a construction girl. It’s a controversy to a lot of people.
“Bakit na naman?” machining tanong ni Juvia habang nakaigting ang panga nito. Lumawak naman ang mga ngiti ni Pain na napatitig sa kanya.
“Where would you want to go after this?”
“Sa pangalawang trabaho ko po.”
“I see. What about a date? I can arrange everything…tell me what you want.”
“Wala po. Excuse me—” tinangka ni Juvia na lagpasan si Pain pero hinarang ni Pain ang paa niya sa tapat ng kartilya dahilan upang hindi maitulak ni Juvia ito.
“Binabalewala mo ba ang boyfriend mo?” nilakasan naman ni Pain ang boses niya kaya napatingin sa paligid si Juvia dahil tuloyan nang natuon sa kanilang dalawa ang atensyon.
“Tigilan mo nga ang mga sinasabi mo,” napilatn namang lapitan ni Juvia si Pain upang pagsabihan ngunit sinamantala ito ni Pain at hinawakan siya sa kamay upang lalo itong mapalapit sa kanya.
“Hindi mo dapat ako hinalikan pabali kung ayaw mo,” pinagtaasan naman siya ng kilay ni Pain at pangisi-ngisi pa na para bang nag-e-enjoy sa kanyang ginagawa.
“Wala akong alam sa mga rules mo, kaya puwede ba, lubayan mo na ako nang tuluyan…”
“Lubayan!?” muling napasigaw si Pain dahilan upang magharumentado ulit si Juvia. “Bakit? May iba ka na bang nahanap? Am I not enough?” sing-bilis ng paglaho ng bula ang pag-iiba ng ekpresyon sa mukha ni Pain at sa tono ng kanyang boses nang magsimula itong magdrama.
“I deserve and explanation! And I deserve and acceptable reason kung bakit mo ako gustong ipagpalit.”
Hindi nalang titig ang napapansin ni Juvia kundi ang bulungan, lalo na ang iilang kababaihang OJT na halata namang nakaabang lagi kay Pain o kay Rage.
“Should I just go up there and jump? What do you think, baldy?” biglaang tanong naman ni Pain kay Karlo sabay tingin sa itaas.
“No, Sir!” nag-aalalang sagot nito.
“Juvia! Mag-out ka muna!” agad pang nilapitan ni Karlo si Juvia dahilan upang mapaawang-bibig ang dalaga.
“B-Boss!” umapela si Juvia kay Karlo at lalapitan sana ito ngunit nakalimutan niyang hawak pa ni Pain ang kamay niya.
Nagtagumpay si Pain sa kung ano man ang balak niya’t pinahintulutan si Juvia na umalis ng site. Paglabas niya ng gates ay nakita niya roon si Pain na nakaangkas na sa kanyang motor at mukhang hinihintay siya nito.
“Ang hirap talagang sumuyo ng babae, ‘no?” untag sa kanya ni Pain nang makalapit ito at iniabot ang helmet na para sa kanya.
“Hindi mo kailangan manuyo kung hindi sa ‘yo,” pabalang na sagot naman ni Juvia at napahalukipkip lang. “Hindi mo ako girlfriend.”
“At bakit hindi?”
“Naniniwala akong may proseso ang pagkakaroon ng nobyo at hindi tayo dumaan doon. Hindi pa rin ako papatol sa katulad mo kahit mahirap ako,” napairap pa itong tumingin sa helmet na iniaabot niya sa kanya.
“Well I don’t follow those rules because I have my own,” he said firmly and forced puts on the helmet of her head.
“And my girlfriends don’t last long, live the moment while you are!”
“Ha?”
“If another girl kisses me back again, we’re done,” napakindat naman ito at nagsuot na rin siya ng helmet.
“Angkas, dali!” utos pa nito nang pinaandar niya ang motor niya. Hindi alam ni Juvia kung bakit siya biglang nataranta at napaangkas din siya.
“And you’re gonna have to wrap your hands on my expensive waist.”
***
“SO you’re saying, one security guard needed to die when all you needed to do is to scout the entire place and find a good spot to start a fire!”
Mariing napapikit na lamang si Aldrin nang napasigaw si Rage dahil sa balitang nakarating sa kanya. “Mag-scout lang ‘di niyo pa magawa nang malinis!?”
“Okay,” matapos niyang makahinga nang malalim ay nilapitan niya ang dalawang lalaking nautusan niya sa gawain na pag-i-scout sa buong lugar para sa paghahanda ng forced demolition sa pamamagitan ng pagsunod ng ilang mga bahay doon.
“Since we have come this one, we have to burn that place three days from now…” determinado nitong sabi. “But we have to decrease casualties…”
“Ayaw ko namang madungisan ang Fiore sa project na ito. We have to cleanly do the job…” napaayos ito sa kanyang neck tie habang pinapakalma ang sarili. “There is public gather in the plaza nearby. People would surely be there because it’s Governor who will have a part. We have to do it on that day.”
“Sir, sigurado po ba kayong wala nang ibang paraan?” umapela si Aldrin.
“Would you rather be hunted by Mafias?” he glared at him which fazed Aldrin.
Napansin naman ni Aldrin na problemado si Rage at para bang hindi pa ito mapakali. It was only this time that he sounded so afraid in handling demolitions and any other things related to the project. Perhaps, he’s now dealing with bad guys that are far beyond his limits.
“People will die…” mahinang saad ni Aldrin.
“As long as it’s not us…” tugon naman ni Rage.
***
NAPATINGALA si Juvia sa matayog na towers na para bang nakapalibot sa kanila. Sa tatlong oras na itinagal nila sa daan ay nakarating sila ng Serina. May kalayuan ito sa Fiore ngunit kilala ang syudad na ito dahil sa mayayamang establishment na naririto. Hindi rin maipagkakaila na isa rin ito sa mga pinakamayayaman na syudad sa buong bansa. Fiore might probably on the second one, competing with the Central City.
“Bakit tayo nandito? Ano’ng oras pa tayo makakabalik niyan?” sabay napatingin si Juvia sa kanyang orasan dahil mayroon pa siyang shift mamayang gabi
“Who says you’re going home? We’ll stay here for the night,” napatiuna namang naglakad si Pain na para bang wala lang sa kanya.
“Ano?” nainis na naglakad si Juvia at hinarang ang daanan nito. “Sumama ako sa ‘yo para tumigil ka na kakaabala sa site, ‘tapos ganito pa? Wala ka talagang konsiderasyon sa ibang tao ‘no?”
“Why? I just want to spend the rest of the day with you? Isn’t that too much, considering na boyfriend mo naman ako?” turo niya sa kanyang dibdib.
“Hindi kita boyfriend! Ilang beses ko na pa uulitin ‘yan sa ‘yo!” hindi na rin na-contol ni Juvia ang pagtaas ng kanyang boses dahilan upang mapatingin sa kanila ang ilang taong dumadaan.
“Ilang beses mo na akong na-reject. Pinagpapasensyahan lang kita,” huminga nang malalim si Pain upang ikalma ang kanyang sarili.
“P-Pain?”
“Oh! Ian!” bigla naman siyang nilagpasan ni Pain nang may tumawag sa kanya. Paglingon ni Juvia ay mayroon isang lalaking kararating lang at mukhang kilala ito ni Pain.
“What are you doing here…? In Tan Brother’s Compound?”
“Ah, I was wondering if I could look around and…” parang naubusan bigla si Pain ng sasabihin nang magtagpo ang paningin nila ni Ian.
“I want you to look around and buy whatever you want,” muling nilapitan ni Pain si Juvia at nilabas ang kanyang wallet mula sa coat at ibinigay ang card niya. “Hindi tayo uuwi kung wala kang mabibili…” sabay pinatalikod pa ito at tinulak para maglakad dahilan upang magulat si Juvia.
“Hurry! I’ll find you later…”
Kunot-noo’ng naglakad palayo si Juvia dahil sa pagpupumilit ni Pain na siya’y maglibot muna.
Nang makalayo naman si Juvia ay muling binaling ni Pain ang atensyon kay Ian.
“I was wondering why didn’t your company join the bid for Prieto’s project?” pinagpatuloy naman ni Pain kaagad ang sasabihin niya sana kay Ian.
Mabilis namang nakuha agad ni Ian ang tunay na motibo ito ay napatango siya.
“…and I heard you got it,” Ian said.
“Rage wouldn’t let it go just like that. Come on, a multi-billionaire Italian company is here,” Pain smirked.
“Let’s say, I’m not fond of dangerous projects,” Ian frankly said. Tumingin si Ian sa paligid at sinenyasan si Pain na maglakad nang natural lamang.
“Do you know what kind of businessmen they are?” napatanong si Ian.
“All I know is that they’re dirty just like Rage and the rest of us,” he gasped.
“As far as I have heard, their target is a residential are. Demolition is your first obstacles,” aniya ni Ian.
“In your experiences, what do you do when residents don’t want to move away?” he asked.
Napaisip naman saglit si Ian. “They hire some gangsters who serve as demolition team. But I don’t have projects which we forced demolition,” he shook his head.
“Your company have a lot of that,” napatawa pa ito nang mahina.
“What if someone dies? Can you get away from it,” biglang napahinto si Pain at gano’n din si Ian.
“That’s easy…for Fiore.”
Napatango naman si Pain. “I’m so dumb on these matters.”
“Because you don’t study at all…” napasmid silang pareho.
“I feel that a storm is about to come…” muli siyang napabuntong-hininga.
“Me too…” he smiled.
“But that storm would be covered up because the media, the politicians and the public are Fiore’s possession,” he bluntly said.
Ian stepped back and nodded. “You forgot the Police, Pain…” he said before turning his back as he walks away from Pain.
***
“HA!?” napatikom ng bibig si Juvia nang mapansin niyang napalakas ang boses niya.
Dumiretso kasi ito sa supermarket sa mall na kanyang napuntahan at tumingin mg palayok pero wala siyang napusuan dahil sa sobrang mahal ng presyo.
Kahit mga pagkain dito ay may kamahalan kaya naman napapatingin na lamang siya.
Paglabas niya ng supermarket ay muli siyang gumala at napahinto sa Apparel section kung saan nakita niya ang isang mannequin na may damit mula ulo hanggang paa. The pastel pink dress caught her eyes. It was so beautiful despite its simplicity. May brown belt lang ito sa bandnag baywang na nakakadagdag sa ganda nito.
Hindi rin nakailag sa kanyang mga mata ang terno nitong closed shoes na may ribbon. Simple pero ang ganda at pasok sa mga tipo niya.
“So did you buy any?”
Napasapo naman si Juvia nang biglang mayroong bumulong sa kanya. Paglingon niya’y nakita na niya si Pain na natunton na siya.
“Wala. Heto na card mo,” masungit na tugon naman ni Juvia at nilapat sa dibdib niya ang card at napahawak naman si Pain doon.
“I told you to go shopping…”
“Hindi akin ‘yang pera kaya ayoko.”
“It’s your boyfriend’s card,” paglilinaw ni Pain.
“Kung hindi ka bibili, baka bilihin ko itong buong department store,” napatingin silang pareho sa tapat nila kung saan nakatingin si Juvia kanina.
“Seryoso ka riyan?”
“Yeah, of course.”
Namilog naman ang mga mata ni Juvia nang hinawakan siya nito sa balikat. “Shall we?”
***