NINETEEN: You Have No Idea

2227 Words

    Pagdating namin sa restaurant ay naabutan namin silang nagtatawanan sa isang long table. Tumango ako sa kanila nang tinapunan nila kami ng tingin. Pinaghila muna ako ng upuan ni Ian bago ito pumunta sa pwesto ng mga magulang ni Bernice para magbigay galang. Tumayo rin ang mga nobyo nila Cameron at Jane. Nakipag-apir ang mga ito kay Ian. They know each other kahit mas matanda si Ian sa kanila. Sabagay, iisa lang naman ang kolehiyo nilang tatlo at ang pagkakaalam ko'y magka-team pa sila sa basketball noong hindi pa gumraduate si Ian.   "Captain, kumusta?" sabi nung isa na sa pagkakatanda ko ay Jeric ang pangalan.   "Humahataw tayo ah." ngisi ng isa na si Migz, boyfriend ni Jane.   "Ayos lang mga 'tol. Kayo ba?" Ian asked while grinning.   "Kakatapos lang ng Inter-School games.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD