Sa nakalipas na mga buwan ay pinanatili namin ni Ian ang pagkakaroon ng distansya sa isa't isa. Kahit noong nagbakasyon ang mga magulang nito sa ibang bansa ay sumama din si Ian. Ganun din ang mga magulang ko na piniling magbakasyon na lamang sa Cebu. Hanggang texts at tawagan lamang ang kadalasan naming komunikasyon. Nang magbalik kasi ito mula sa ibang bansa ay unti-unti na nitong pinag-aaralan ang pagpapatakbo ng kompanya nila. Naiintindihan ko siya sa puntong iyon dahil mahirap naman talagang pagsabayin sa pagpapatakbo ang dalawang business nito. Hindi madali ang ganitong klaseng relasyon. Ni hindi ko nga alam kung ang tawag ba niya sa akin ay 'girlfriend' o ano ba. Ni hindi ko rin siya matawag na boyfriend sa kadahilanang hindi kami opisyal. Sigurado naman kasi ako na sa